Chapter 11 - Friend?

36 5 0
                                    

Astaria Dion's Pov.

"Uhm, Sy?"



"Hmm?"



"Gusto ko lang itanong, ano bang meron sa mga newcomers noon 5 years ago? nasaan sila?"



Napasulyap ako sa kanya. "Ayos lang ba? teka bakit parang namumutla ka na naman?" hindi na ako nito pinatapos sa aking sasabihin at hinarap ako nang nakangiti. Malayo sa naging itsura nito kanina na parang tinakasan ng dugo sa katawan.



"No, it's okay. Medyo nabigla lang kasi ako dahil ngayon mo lang yan naitanong. Anyway, I'll tell you the story." sabi nito at huminto ng saglit.



Narinig ko pa muna ang paghugot nito ng isang malalim na hininga bago magsalita. "It was 5 years ago... when there's a two women who also accidentally entered Arcanus Academy. They are just like you and Chloe." pagsisimula nito.



Taimtim lamang kaming nakikinig habang naglalakad kami sa quadrangle, pauwi na kasi kami ng dorm.



"Ang buong akala nila ay aksidente lamang ang pagkapasok nila dito sa Academy, pero hindi kalaunan nalaman din nila na isa sa kanila ay may archi."



Napasulyap naman kaagad kami ni Chloe sa isa't-isa na para bang pareho kami ng naiisip. Hindi kaya... posibleng isa din sa amin ang may archi?



"But unfortunately, this person with such a power is one of the dark archi, meaning, the ability she has is harmful. There is an unreasonable fallacy that turned out into a big mistake reason to this dimension to torn into pieces. In just one swift, yung dating bukas na portal para sa mga Archimage ay nasira, nagkaroon ng problema. Maaari pa din namang makapasok ang mga nasa labas katulad ng sa case nyo pero ang lumabas mula rito ay malabo, dahil sira na ang portal natin sa loob."



Para naman akong nabagsakan ng malaking bato nang marinig muli ang sinabi nya patungkol sa portal, mas lalo tuloy kaming nawawalan ng pag-asa na makalabas pa dito at mahanap si Maxine. "Ganun ba talaga ang nangyari?" halos hindi ko pa din mapaniwalaan.



"O-oo, iyon na nga." sagot naman nito.



"Ano namang meron dun sa babaeng may archi? anong connect n'on sa pagkasira ng portal at bakit nasira ang portal, anong nangyari?" sunud-sunod kong tanong sa kanya. Dahil kasi sa ikinwento nya ay mas lalong dumami ang mga tanong na ngayon ay namumuo na naman sa isipan ko.



"Kasi... when she finally discovered her archi, she accidentally k-killed almost half of the denizen in this Academy."



Halos matulala na lamang kami sa narinig. Hindi namin inakala na may ganitong pangyayari pala noon sa naunang newcomers dito, nakaramdam tuloy ako ng biglaang kaba sa sinabi nya.



"Hala, grabe ang lakas naman ng archi nya." wala sa sariling bulong ni Chloe.



Miski ako ay hindi ko din alam kung ano ang magiging reaksyon. Lalo na ngayon dahil sa sinabi ni Sunny ay hindi ko mapigilang mapaisip kung ano bang meron sa amin, posible ba na isa sa amin ang may archi, paano kung dumating ang araw na yun at maulit ang nangyari noon 5 years ago...



"Yeah and e-even though she doesn't intend what happened that day she's still thrown into the Dungeon where other Archimage are there who have also committed their sin."



"Nakakaawa naman sya, nandoon pa din ba sya ngayon? Bakit naman hindi man lang sya pinakinggan." may panlulumo sa boses ni Chloe habang sinasabi iyon.



Napakibit balikat naman ito. "Who knows, pero alam nyo maraming bilang ng mga Archimage ang namatay noong araw na yun, almost half of the populations ng Academy. Sa tingin nyo ba ganon na lang madaling magpatawad at umintindi lalo na kung kasama ang pamilya mo sa namatay?"



I am your Lionheart, Darling.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon