Chapter 8 - Spell class

69 8 0
                                    

Astaria Dion‘s Pov.

"Hays, nakakainis! sino ba sya sa inaakala nya. Hindi naman porket isa syang kanang kamay ng kung sino mang vice president na yan ay gaganyanin na lang nya ng basta ang kaibigan ko." galit na sambit ni Chloe nang makapanhik na kami sa dorm namin, hindi na tuloy kami nakakain dahil sa nangyari at simula ng umalis kami doon hanggang sa makarating kami dito ay hindi na sya natigil sa pagtalak. Halos mabingi na kami sa lakas ng boses nya.



"Hindi mo na kasi dapat sya pinatulan." saad ko dito. "Pati din ikaw, Sunny... hindi mo na din dapat pa ginawa yun. Nasaktan mo sya." dagdag ko. Dumeretso ako sa lababo upang sana ay pasadahan ng tubig sa gripo ang napasong parte ng braso ko ngunit pinigilan ito ni Sunny.



"Huwag mong gawin yan, sisipsipin lang yan ng balat mo at baka mamaga pa iyan lalo." turan nito.



Umupo na lamang ako sa kama at gayon din ang ginawa ni Chloe. Samantalang si Sunny naman ay dumeretso sa kanyang tukador at may kinuha ito doong isang box na sa palagay ko ay First aid kit. "Ginawa ko lang naman yun dahil una ka nyang nasaktan. Tsaka natural na lamang sa amin ang ganoong uri ng pag-awat, kung hindi mo madaan sa paki-usap ay daanin mo na lang sa lakas." asik nito. Kumuha ito ng silya at ipinwesto sa harapan ko, binuksan nito ang box at ang akala ko ay isa itong mga kagamitan sa paggamit ngunit tanging mga sariwang dahon lamang ang naroon at isang maliliit na botelya na naglalaman ng iba't-ibang kulay ng likido.



"Eh, paano kung ikaw naman yung isumbong nya, baka maparusahan ka. Ayoko namang mapahamak ka ng dahil sakin." saad ko.



Kumuha naman ito ng tatlong pirasong dahon at pinagkiskis ito sa pagitan ng kanyang mga palad. "Hindi magsusumbong yun, tsaka hindi ako mapapahamak dahil nasa lugar naman ang pag-awat ko." sagot nito.



"Anong klaseng dahon yan, Sy?" tanong ni Chloe. Kakaiba kasi ang dahon na ito, medyo bluish ang kulay na may halong violet.



"Herbal leaf, mas mabisa pa ito kumpara sa regular na panggagamot ng paso." inilapag nya ang mga gutay na dahon sa isang mangkok at kumuha ng isa sa mga maliliit na botelya. Ipinatak nito sa mga dahon ang kulay berde na likido bago nya ito pitpitin ng kahoy.



Nang matunaw ay inilagay nya ito sa kanyang palad. "Pakilislis ng sleeve mo." utos nito na syang ginawa ko. Tinulungan naman ako ni Chloe.



Inilagay nito sa kanyang palad ang basang durog na dahon at sinumulan itong ilagay sa paso na natamo ko sa braso. Itinapat nya dito ang kanyang palad at maya-maya lamang ay unti-unti itong nagkaroon ng liwanag. Nararamdaman ko ang mumunting init na nagmumula sa kanyang kamay patungo sa balat ko, pinagagaan niyon ang pakiramdam ko at inaalis ang hapdi sa aking paso.



Natutop ako sa aking kinauupuan nang sa isang iglap ay wala na akong nararamdamang kahit anong mahapdi doon, wala na ang paso sa braso ko at miski ang pamumula niyon ay nawala na din. "Ang galing, ang bilis mawala."



"Mabuti na lang talaga at yan lang ang natamo mo. Mabilis talagang mawala ang mga minor wounds and injuries kapag ginamitan nyan, pero kapag malala at malalim na ang mga sugat na natamo mo it will takes days, weeks or months bago tuluyang gumaling." paliwanag nito.



"Astig..." bulalas ni Chloe. "Ako din! pwede mo bang palamigin yung ulo ko o kaya burahin yung sa isip ko yung nangyari kanina? hanggang ngayon kasi ay nanggagalaiti pa din ako sa babaeng iyon." sarkastiko nitong untag.



I am your Lionheart, Darling.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon