Astaria Dion's Pov.
Umaga pa lamang ay dinig na dinig na ang ingay sa labas. Alasingko pa lamang yata ng madaling araw ay mga gising na ang tao dito at naghahanda na. Buti pa sila nakatulog mahimbing habang may excitement sa mga puso nila, hindi katulad ko na wala na nga talagang tulog tapos kailangan ko pang gumising ng maaga dahil mayroon akong tungkuln sa council na dapat gawin.
Tsaka hindi rin talaga ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip nung nangyari. Hanggang ngayon kasi ay palaisipan pa din sakin yung matandang nakausap ko kahapon. Hindi ko talaga alam kung anong nangyari, parang natatakot tuloy akong makipag-usap sa ibang tao dahil pakiramdam ko ay mauulit yun.
"Tari! lumabas ka na dyan, patingin ako ng dress na binili mo, dali!" sambit ni Chloe na kumakatok pa sa pinto ng Cr.
Hindi pa nga pala kasi nila nakikita ang dress na ibinigay sa akin dahil masyado silang nalunod sa pag-iisip sa matandang iyon.
"Nandiyan na." tugon ko at inayos munang mabuti ang itsura ko.
Maya-maya lang din ay lumabas na ako ng banyo.
"Bilis, excited na---" napatulala ito nang makita ako. "Woah! a-ang ganda mo..." wika nito na syang ikinapula ng mukha ko.
Bihira lang pumuri si Chloe, madalas dadaanin ka nya sa biro at panglalait kaya hindi ko alam kung seryoso ba sya ngayon o nang-aasar lang.
"Ako ba o yung dress?"
"Pareho! detailed na detailed sayo yung dress at pati kulay bumagay sayo, ang ganda talaga ng bestfriend ko..." sagot nito at nagthumbs up habang nakangiti ng malapad.
"Sigurado ka ba? para kasing hindi bagay sakin, eh."
Nagsalubong ang kilay nito at pinanlakihan ako ng mga mata. "Hindi! ano ka ba, ang ganda ganda mo kaya."
"Tch, nambobola ka lang naman, Chloe. Wala akong piso."
"Hindi, ah! But wait... magkano nga ba bili mo dito? paniguradong napakamahal nito." tanong niya habang pinapasadahan ng kanyang daliri ang laylayan ng damit ko.
"Ah, ito... libre lang."
Napaamang itong tumingin sa akin.."L-libre, seriously?!" hindi makapaniwalang bulalas niya. Miski ako din naman ay hindi ko inakalang libre lang 'to, matutuwa sana ako kaso sa tuwing naiisip ko yung sinabi ng matanda ay parang hindi ako mapalagay.
Tinguan ko na lamang ito para matapos na ang usapan. "Nasaan nga pala si Sunny?" tanong ko.
"Lumabas sya. May kailangan daw muna kasi syang daanan, eh." wika nito. "Oh, teka san ka pupunta? huwag mo sahihing pupunta ka na naman sa council?" maya-maya'y untag nito nang makitang nagsusuot ako ng cap na may logo ng council. Ito kasi yung palatandaan na miyembro ka n'on at kapag nakasuot ito sayo ay pwede kang makapasok sa VIP areas at madali kang makikilala ng mga ibang Arcanians.
Napasulyap naman ako sa kanya. "Oo, eh. Kailangan ko kasing maglista ng mga booths at participants." sagot ko.
Lumukog naman ang mukha nito at pabalang na ibinagsak ang kanyang pang-upo sa higaan. "Ano ba naman yan, pati ba naman sa okasyon na 'to hindi pa tayo magkakasama ng matagal?"
Mahina naman akong natawa sa kanya. "Sorry na, huwag ka ng magtampo. Tatapusin ko kaagad 'to ng maaga para makauwi ako agad at magba-bonding tayo magdamag."
BINABASA MO ANG
I am your Lionheart, Darling.
FantasyThere was a three women who will enter a forest with no certainty of what awaits for them inside... In the deepest part of their journey they do not expect that they will be carried by their own foot in a hidden school which called Arcanus Academy. ...