Astaria Dion's Pov.
Naglalakad lakad lamang ako sa bayan habang tinatanaw ang papalubog na araw, hapon na nang matapos ako dahil kinailangan ko pang i-finalized ng mabuti ang mga pangalan sa log book. Sa sobrang dami niyon ay naabutan na ako ng dilim, idagdag pang wala si Zyren upang maging katulong ko sana ngunit hindi na talaga nya ako binalikan.
Ngayon naman ay hinahanap ng paningin ko sina Sunny at Chloe, ngunit hindi ko pa din sila nakikita. Masyado na kasing crowded ang bayan dahil sa mga Arcanians na mayroong kanya-kanyang kasiyahan, kailangan ko pang makisiksik at makidaan para lang makalagpas sa kanila.
"Nasaan na ba kasi yung dalawang iyon." pagkausap ko sa aking sarili habang tinitignan isa-isa ang mga mukha ng madaanan ko, though may mga ilaw naman sa bawat paligid pero dahil hapon na nga ay naghahalo naman ang dilim at liwanag ng kalangitan kaya't medyo masakit sa mata.
Habang naglalakad ay aksidenteng nalapatan ng paningin ko ang isang babaeng maikli ang buhok. “Aeri!” pagtawag ko dito, kumaway-kaway naman ako para makita nya.
“Oh, Taria! kanina ka pa hinahanap nila Sunny at Chloe. Saan ka ba nagpupupunta?” nakakunot-noong bungad nito.
Napangiwi naman ako. “Natagalan kasi ako sa pag-aayos nung log book, kanina ko pa nga din sila hinahanap pero nahihirapan ako ang dami na kasing tao.” sagot ko. “Teka, nasaan ba sila?”
“Kanina naabutan namin silang bumalik sa Academy para i-check kung nandon ka pero ngayon hindi ko na alam.” pagkikibit-balikat nito.
Napahilamos na lang ako, saan ko naman sila hahanapin kung parehas lang din pala kaming naghahanapan, pano kung nagkakasalisihan lang pala kami.
“Pasensya na hindi kita masasamahan sa paghahanap, kanina pa ako pinagmamadali ni Zyren, kitain ko daw sya sa may tower eh.”
“Ganun ba, sige ayos lang. Puntahan mo na sya baka magalit pa yun.”
Matapos nyang magpaalam ay naghiwalay na din kami ng direksyon.
"Ate, ate..."
Napatili naman ako sa gulat. “Ay jusko kang bata ka!" anas ko.
Paano ba naman kasi ay may mumunting kamay ang biglang humawak sa dress na suot ko. Isa itong batang lalaki na napakaliit at napaka-cute, nakasuot ito ng itim na polo at asul na shorts. Lumuhod naman ako upang maging kapantay nito. "Anong pangalan mo, bata?"
"A-ako, Eshiriel..." sambit nito.
Hindi ko naman ito maintindihan dahil nabubulol ito habang binabanggit ang kanyang pangalan.
"O-okay. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko na sinagot naman nito sa pamamagitan ng pagtataas ng kilay. Tsaka ko lang na-realized na mali pala ang naging tanong ko. "Oh, sorry. Ang ibig kong sabihin ay bakit ka nag-iisa dito sa gitna ng maraming tao, naliligaw ka ba?"
Umiling naman ito. "Indi po, alika po shamaan nyo kaming shumayaw." anyaya nito at hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na kaagad ako nito sa kung saan.
Muntikan pa akong masubsob dahil hindi pa man ako nakakatayo ng gawin nya iyon. "S-sandali lang, may hinahanap kasi ako." pagpigil ko dito ngunit mas lalo lamang nitong hinila ang kamay ko.
"Mamaya na po yun, ate. Shaglit lang po, mashaya po dito!" hindi ko tuloy mapigilang matawa ng mahina.
Ang cute kasi ng batang ito, lahat ng salitang sabihin nya ay puro may “sh" ang lumalabas. Dinala ako nito sa isang banda na binubuo ng mga nagsasayawang tao, nakapabilog ang mga ito at magkakahawak ang kamay. Sa gitna naman nito ay mga matatandang babae na nakasuot ng patadyong at sa lalaki naman ay bahag. Nagsasayaw sila habang tumutugtog ng musika na sinasabayan naman ng mga ito.
BINABASA MO ANG
I am your Lionheart, Darling.
FantasíaThere was a three women who will enter a forest with no certainty of what awaits for them inside... In the deepest part of their journey they do not expect that they will be carried by their own foot in a hidden school which called Arcanus Academy. ...