Astaria Dion‘s Pov.
“A-anong wala ng daan palabas?” naguguluhang kong tanong. “Pwede bang ikaw na lanh ang mag-explain sa amin ng lahat, yung malinaw kung ano ba talaga ang lugar na ‘to? kasi kanina pa kami naguguluhan, eh. Kanina pa kami nagtatanong sa Headmaster nyo pero wala man lang kaming matinong sagot na nakukuha.” kung bigyan man nya kami ng sagot ay puro makahulugang salita lamang na mas lalong nagpapalala sa mga namumuong tanong sa aming isipan.
“Ano ba talagang meron dito at bakit hindi nyo na lang kami diretsahin?” dagdag ko pa.
“Okay, chill lang kayo.” aniya nito at iniharap sa amin ang dalawang palad. “Sasagutin ko ang lahat ng magiging katanungin ninyo but please... wala munang magsisingit ng mga violent reactions, para maiwasan ang pagkalito. If ever na may hindi kayo maintindihan, just simply ask me a follow up questions. Alright?”
Napabuntong hininga naman ako. Kakayanin ko bang makinig sa mga bagay na sasabihin nya ng wala man lang magiging reaksyon? Hays. I‘ll try my best.
“So, first... anong gusto una ninyong gustong malaman?” she raised a brow.
Ako na ang naunang nagsalita. “Anong lugar ba ‘to? I mean... bakit may ganitong palasyo o academia dito sa gitna ng kagubatan?” iyon kasi talaga ang pinakaunang katanungan namuo sa isipan ko nang makatapak ako dito.
“This is Arcanus Academy... where---” naputol ang pag-uumpisa nitong pagsasalita nang si Chloe na ang pumutol upang dugtungan ito.
“All of the Immortal beings exist? Sinabi ko naman na dib----”
Agad ko naman itong tinignan upang sawayin. “Hey, Chloe...” pagtawag ko upang pigilan sya.
Agad naman nitong naitikom ang kanyang bibig at nag-iwas ng tingin. “Oh, sorry... I just carried away.”
Napahugot naman ng malalim na paghinga si Sy bago magpatuloy sa pagsasalita. “As I was saying... this Academy, matagal na panahon na itong nakapatayo dito sa gitna ng gubat, hindi pa man ako nabubuo ay mayroon na talaga nito. Ang Academy daw na ito ay ipinatayo sa loob or sa pinakatago ng gubat upang hindi agad matunton ng kung sino man... lalo na ng mga kalaban.” seryoso ito habang nagsasalita, wala ka talagang mababakas na ano mang bahid ng kalokohan. “Ang Arcanus Academy ay naglalaman ng mga taong may possess na iba‘t-ibang magics like Rare powers, special, uncommon, common, elemental, subtypes, sorcerers, witchcraft, wizards at marami pang iba... at ang tawag nila sa amin ay mga Archimage.”
“H-how? I can't believe that Immortals do really exist. I mean what on earth there's such a kind of this things...” -Chloe.
Tumayo naman ito at dumeretso sa may bintana, matatanaw doon ang papadilim ng kalangitan kung saan natatabunan ng mga nagsasayawang sanga ng puno na dulot ng malakas na ihip ng hangin. Nakatingin lamang ito sa kawalan na tila ba may malalim na iniisip. “Let‘s just say we exist for a purpose... and it is to balance the world. Nag-eexist ang mga good archimage upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng mundo... samantalang, nag-eexist naman ang mga bad archimage or yung mga tinatawag naming dark sorceres upang maghasik ng kadiliman at kasamaan, vice versa lang din. At kung sa mundo nyo ay may normal na tao syempre mayroon din hindi normal... at dito yun sa Immortal world.” sambit nito na tuluyan na kaming hinarap ng may pagkikibit ng balikat.
“Paano mo naman maipapaliwanag yung tungkol sa lagusan at signage sa labas ng gubat. Ang sabi sa amin ng Headmaster kanina ay hindi daw ito basta-bastang nagpapakita.” kapagkuwa‘y wika ko.
BINABASA MO ANG
I am your Lionheart, Darling.
خيال (فانتازيا)There was a three women who will enter a forest with no certainty of what awaits for them inside... In the deepest part of their journey they do not expect that they will be carried by their own foot in a hidden school which called Arcanus Academy. ...