I. Welcome, Luna Claire.

1.4K 29 2
                                    

Chapter 1.

LUNA

"Luna, pack your things." napalingon naman ako kay Ate Io na kakapasok lang sa kwarto ko.

"Why, ate? Kakabalik lang natin galing sa normal world, diba?" nakadapa lang ako sa kama ko habang nagbabasa.

"Sa Cobblestone Academy ka na mag-aaral starting tomorrow. Momma's order!" napaupo naman ako pagkarinig ko nyan.

"Are you serious, ate? Wala pa akong power!" daing ko sakanya. Nagkibit balikat nalang siya at pumasok sa walk-in closet ko.

Para makapasok sa Cobblestone Academy, dapat may power ka. If you are wondering kung bakit may power power na nababanggit, well, welcome sa Elemahika. A world where people who are living here have powers. Elemental powers, magical powers, basta powers!

Luna Claire Warlen, 18. I belong to Warlens who can control water. At ako, kahit pa Warlen ako, wala talaga akong power. I mean hindi ko pa kayang icontrol ang water. At yung kanina, she's ate Iorene Ysabel Warlen, 19. Sa edad niyang yan, napakapowerful na niya. Dahil pagkapanganak palang sakanya, may power na kaagad siya. She spent her elementary and high school days sa Cobblestone Academy, and now college na siya. Me? I spent my elementary and high school days sa normal world then tumigil na ako para magstay sa Elemahika.

"Hindi mo ba ako tutulungan?" napatingin naman ako kay ate na nakasilip mula sa closet ko.

"Eto na nga eh." inipit ko na yung bookmark ko at sumunod na kay ate sa closet.

~

"And we're done! Tara na sa baba, dinner time na!" hinila na niya ako pababa. Bakit ang sigla ni ate?

"Maayos na ba ang mga gamit mo, Luna?" tanong ni Mama pagkababa palang namin.

"Opo, ma. Pero sure po talaga kayong makakapasok ako don?" paninigurado ko. Baka mapphiya lang ako dun pag nagkataon.

"Oo naman, baby. Bestfriend ko ang principal, anoba." inakbayan naman niya ako papunta sa dining area.

"Ma! I don't deserve na makapasok dun dahil lang bestfriend ng principal ang nanay ko." napatigil naman ako sa paglalakad para tignan si Mama.

"You deserve it. They can help you with your problems about your power. Matutulungan ka nilang palabasin ang power mo and you can be as powerful as your ate."

"Check!" pagsang-ayon ni ate na kasama na si Dad sa dining table.

"Ma-" naputol naman yung dapat ko pang sasabihin dahil nagsalita si Dad.

"Luna. Trust our decision. Para sa ikabubuti mo yun." napabuntong hininga naman ako.

"Let's eat na." sabi naman ni Mama kaya umupo na kami sa pwesto namin.

Masiglang nagkekwento si ate habang nakikinig naman sila Mama at Dad. Nakafocus lang ako sa pagkain dahil malalim ang iniisip ko.

Paano na bukas?? Baka maging loner pa ako dun dahil wala akong power. Aish. Bahala na bukas. Andyan naman si Ate Io eh.

"Mama, Dad, Ate, akyat na po ako. I'm done with my food." paalam ko sakanila pagkatapos kong kumain.

"Matulog ka ng maaga dahil maaga ka pa bukas." bilin sa akin ni Dad kaya tumango nalang ako.

Sinara ko kaagad ang pinto pagkapasok ko sa kwarto ko. Umupo naman ako sa gilid ng kama ko malapit sa sidetable ko.

Binuksan ko ang drawer nito at nilabas ang isang kwintas na may pendant na hindi ko maidescribe. But its really beautiful. This necklace is very important. Hindi ko alam kung bakit. Bigay siya ng isang tao na hindi ko na talaga maalala pero nafefeel ko ang importance nitong kwintas na 'to.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon