XI. Saved

328 16 3
                                    

Chapter 11.

LUNA

"Gising na!" sigaw ko sa dalawang lalaking kasama ko. Sa guest room ko sila pinatulog kagabi at ngayon, tulog na tulog pa rin sila.

Tumayo naman kaagad sila. Nakaligo na ako at ready na ready na. Nakapagluto na rin ako ng heavy breakfast. Kailangan namin maghanda para sa rescue plan.

"Maligo kaya muna kayo bago tayo mag-breakfast?" lalabas na kasi kaagad sila. Sinunod naman nila ako.

RYLLE

Nagising ako na para bang nakatali ang buo kong katawan. Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang iba pa na nakatali rin.

"Kuya!" nakita ko ang kapatid kong umiiyak habang nakatali ang mga kamay, paa, at ang katawan sa upuan.

Chineck ko silang lahat at nakitang kulang. Wait.. may ginawa ba sila sa kanila?!?

Si Luna! Nasaan si Luna?! At yung dalawa pang lalaki?!

"Si L-Luna?" bulong kay Cyrus na malapit sa akin.

"I.. I don't know. Sana naman hindi siya napahamak." nag-aalalang sagot niya sa akin.

"Gising na rin kayo! SA WAKAS." napatingin kaming lahat sa lalaking pumasok at may nakatakip na maskara sa mga mata.

I know him.. He's Leo.

"Siguro naman ay kilala na ako ng iba sainyo.. Especially you, Georgina." malapit siya kay Georg at hinawakan pa ni Leo ang chin ni Georg.

"Don't touch me!" nagpumiglas si Georg sa hawak ni Leo. Nginisian lang naman siya nito.

"Asan si Papa?!?!" sigaw sa kanya ni Venus. Sh*t. Sana walang gawin si Leo sakanya.

"Oh. Ikaw pala ang anak na babae ni Nolan Perringman, Venus." lalapitan sana ni Leo si Venus.

"WAG MO SIYANG LALAPITAN!" sigaw ko dito.

"Wag kang mag-alala, Rylle. Hindi ko na lalapitan. Napaka-possessive mo naman." at tumawa pa siya.

"Hindi pa naman namin natutuluyan si Nolan Perringman. Baka mamaya?" at tumawa ulit siya. Sinamaan ko siya ng tingin.

Lumabas na siya nang hindi kami nililingon.

"Hindi ba natin pwedeng gamitin ang kapangyarihan natin?" tanong ni Jason.

"Sinubukan ko na kanina. Hindi gumagana ang mga kapangyarihan natin." sabi ni Io.

Tinry ko naman magpalabas ng air blades pero wala. Wala talaga.

"Dahil yon sa bracelet na kinabit sa'tin." sabi naman ni Allen.

"Maghintay nalang siguro tayo na may tumulong." sabi naman ni Dais. Mukha siyang kinakabahan sa pwedeng mangyari dito.

"At sino namang tutulong?!? Dapat makatakas na tayo." galit na sabi ni Jason.

"Tumahimik nga kayo! Subukan niyo munang kumalma. Walang mangyayari kung ganito tayo." sabi naman ni Georg.

"Tama si Georgina. Siguro naman, tutulungan tayo ni LA at Rigel. At sana, kasama din nila si Luna." pagsang-ayon ko kay Georg. Mahina ko lang na sinabi yung parte mula sa 'tutulungan' dahil baka may makarinig sa labas at malaman na may mga kasamahan pa kami na hindi nila nahuli.

~

LUNA

"Oh sh*t. Sana okay lang si Venus." kanina pa parang natataranta si Rigel sa tabi ko.

"Rigel! Huminahon ka muna." saway ko dito. Galaw kasi ng galaw, katabi ko pa naman.

Si LA ang nagdadrive dahil inunahan niya ako kanina sa driver's seat. At ngayon, si Rigel ang katabi ko sa front seat.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon