XIII. Sports Week

297 15 0
                                    

Chapter 13.

LUNA

"Luna! Bilisan mo! Papagalitan na naman tayo ni Kuya Rylle!" sigaw sa akin ni Dais. Nagtatali pa kaya ako ng sapatos.

Tuesday na ngayon at pinaghahanda kami para sa event bukas. Nalate kami kahapon at napagalitan kami ni Rylle. Hindi nga kami nakakain ng breakfast kahapon dahil dun.

"Buti nakaabot kayo sa breakfast." yan agad ang bungad ni Rigel sa amin pagkadating namin sa dining hall. Kakapasok niya lang din. Asan si LA?

Sumabay na kami sakanya na kumuha ng pagkain. Pagdating namin sa table, nandoon na si Rylle, ate Io, at Cyrus. Naupo na kami.

Kwentuhan lang sila ng kwentuhan habang kumakain. Minsan, makikisali ako, minsan, tatahimik lang ako.

"Asan pala si LA?" tanong ko kay Rigel na kaharap ko.

"Si LA? Nauna na sa assigned place ng section natin ngayon. Bakit mo natanong?" at nginitian niya pa ako ng nakakalokong ngiti.

"Wala lang. Masama ba?"

"Ah. Wala lang. Sabi mo eh." at nagkibit-balikat pa siya sa akin.

"Tara na sa assigned place natin ngayon. Iaannounce ko na rin yung final events na sasalihan niyo." tumayo na si Rylle kaya sumunod na rin kami.

Pagdating namin sa assigned place sa amin, naabutan namin ang iba naming kaklase na nakaupo aa damuhan at may sari-sariling ginagawa.

Si LA, nagpapractice ng Archery. Ang competitive naman nito. Halatang ayaw patalo.

"Class. Yung mga sasali sa hurdles event, kayo ang mauna." sabi ni Rylle sa buong klase kaya yung mga kaklase kong gustong sumali, pumila kaagad. Kasali si Cyrus sa hurdles.

Naupo sina Venus sa damuhan at dumiretso naman ako kay LA.

"Walang tigil, ah?" sabi ko agad sa kanya pagkalapit ko. Tinira niya muna yung isang arrow bago niya ibaba yung bow at lumingon sa akin.

"Andito na pala kayo." naglakad siya papunta sa mga upuan at kinuha ang tubig niya. Sumunod naman ako.

"Focused ka kasi kaya hindi mo napansin." sabi ko sakanya.

"I need to win. Hindi pwedeng matalo ang klase natin." sabi niya at uminom ulit. Napatango naman ako.

"Tara na dun." sabi niya.

"Saan?" tanong ko naman.

"Kina Rigel." sabi niya at nauna na siya sa paglalakad kaya sumunod nalang ako.

"Bagalan mo naman lumakad." reklamo ko ng makasabay ako sakanya sa paglalakad. Ang bilis niya kasi maglakad.

"Sorry. Sanay lang."

"Magkasama na naman kayong dalawa?" bungad yan ni Dais pagka-upo namin sa tabi nila.

"Pinagpalit mo na ba ang bestfriend mo? Ouch, tol." nag-drama pa kunwari si Rigel. Binato naman siya ni LA ng towel. As usual, wala na namang expression. Minsan nga, tatanungin ko sakanya kung bakit hindi nalang siya gumaya kay Rigel na ini-express ang tunay na nararamdaman through expressions.

Nagtawanan naman sila sa ginawa ni LA.

"Running Event." rinig ko kay Rylle kaya tumayo na ako. Tumayo din si LA. Oo nga pala, tatakbo din siya.

6 lang kami at pinalinya kaming lahat. Depende sa resulta ngayong araw ang mga sasalihan naming events bukas. Kapag ikaw ang pinakamabilis, ikaw ang isasali sa pinakamahabang race track.

"Ready.." lumuhod na kami at naka-posisyon na para tumakbo.

"Set.." ang pagpito nalang ni Rylle ang hinihintay.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon