XIV. Solenn Yra Darilee

296 13 1
                                    

Chapter 14.

LUNA

Monday na naman ngayon at balik klase ulit. Nakaattend pa naman ako sa Sports Week kahit na nahimatay ako. At good news! Panalo ang team namin.

Kasalukuyang dumadaldal na naman si Rylle sa harap at kami naman ay hindi nakikinig. Natutulog na nga si Venus ngayon.

Napakapit naman ako ng mahigpit sa table dahil feeling ko matutumba ako. Simula nung nahimatay ako, palagi na akong may nararamdaman na weird. Minsan nahihirapan akong huminga at minsan feeling ko umiikot ang paningin ko.

"Ayos ka lang ba, Luna?"

Napalingon ako kay Dais na bakas ang pag-aalala sa mukha. Nginitian ko na lang siya at tumango.

"Lunch break."

Pagkasabi ni Rylle niyan, excited na lumabas ang mga kaklase namin at naiwan kaming walo.

"Gutom na ako! Kumain na tayo." aya ni Rigel.

Lumabas na kami ng room at eto na naman si Rylle, nagiging body guard ko na. Ewan ko nga kung anong nakain nito.

"Rylle, bakit ba kulang na lang e, gawin na kitang body guard?" tanong ko rito habang naglalakad kami papuntang dining hall.

"Kakambal mo na ang trouble. Mahirap na, baka mas malala pa mangyari sayo." sagot niya habang nakatingin ng diretso.

Nakarating na din kami sa dining hall at dumiretso sa buffet. Kukuha na sana ako ng plato pero nagulat ako ng hinaraan ako ni LA at kinuha ang dalawang kamay ko para ilagay ang plato na may laman na.

Bago pa man ako makapagsalita, tumalikod na siya sa akin dala ang walang laman na plato at kumuha na ng kanya. Sumunod na lang ako kina ate Io papunta sa table.

"Nakita ko yun." bulong sa akin ni Dais.

Pagtingin ko sakanya, nakatingin siya sa akin na parang nang-aasar. Napa-iling na lang ako. Lagi niya kasi kaming inaasar ni LA.

TAPOS na ang klase at pabalik na kami sa dorm. At eto na naman ang weird feeling na nararamdaman ko. Parang nanlalamig ang mga kalamnan ko at feeling ko nanginginig ako. Pumikit naman ako para pigilan ang sarili sa panginginig.

"Luna! Ayos ka lang ba?" naramdaman kong lumapit sa akin sina ate Io.

Napakapit ako sa pader dahil ngayon, parang kinukurot ang loob ko.

Nagulat naman ako nang binuhat ako ni LA. Napapikit na naman ako nang makaramdam ng kirot. Napakapit ako kay LA.

IO

Dinala na namin si Luna sa kwarto nila. Inihiga na siya ni LA at agad akong lumapit sa kanya. Namimilipit sa sakit si Luna at hindi namin maintindihan kung bakit.

Maya-maya lang ay naging maayos na din ang lagay niya. Pawis na pawis siya at malalim ang paghinga.

"How are you, Luna? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko sakanya.

"Okay na, Ate."

"Mabuti pa, bumalik na tayo sa sari-sariling kwarto. Venus at Dais, kayo na munang bahala kay Luna." sabi ni Sir Rylle.

Hinalikan ko muna sa noo si Luna bago sumunod sa iba. Hindi ko pa rin nasasabi kina mama ang nangyayari kay Luna. Alam kong may alam sila.

"'Wag ka ng mag-alala kay Luna, ate." inakbayan naman ako ni Cyrus.

Nilingon ko siya at nginitian.

Sana maging maayos na ang lagay niya at hindi na makaramdam pa ng kung anu-ano.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon