VI. Locked

462 19 4
                                    

Chapter 6.

LUNA

Kakatapos lang namin magtraining. Hindi tulad kahapon, wala sina Dais at ang iba pa. Kami lang nila Rylle at Cyrus.

Natutunan ko ngayong araw kung paano gumawa ng attacks and techniques. Ang sunod ko ng training, kasabay na ng iba.

Mabilis ko lang naman palang matututunan kung paano macontrol ang power ko. Sana pala dati pa ako pinasok dito, edi sana, kasinglakas na ako nila Venus.

"Luna, tara na. Nandun na sila sa Dining hall." hinila na nila ako palabas ng kwarto.

"May training ka ulit bukas? Masarap kasi mag-cut bukas." tanong sa akin ni Dais.

"Wala. Kasabay na ng buong klase ang sunod kong training." sagot ko sakanya.

"Sayang." sabay nilang sabi. Napatawa naman ako. So, gustong-gusto pala nila kapag nagcu-cut.

Kumuha agad kami ng pagkain sa buffet tapos naupo na kami sa table nila Rigel, LA, Rylle, at Cyrus. Pansin ko lang, napapasama na si Cyrus kina Rigel kahit wala ako. Mabuti naman.

"Pasabay!" bigla namang sumulpot si ate Io sa tabi ko.

"Magtuturo na ulit ako bukas. Siguro naman naman naenjoy niyo na ang tatlong free days na binigay ko sainyo." biglang nagsalita si Rylle.

"Kung sana sa tatlong araw na yun, nasa pool area din kami, edi nag-enjoy kami." reklamo ni Rigel.

"Eh kung sa pool area ka nalang magdamag bukas? Wag ka ng umattend sa klase ko." banat naman nitong si Rylle.

"Wag naman, Rylle! Edi hindi ko nakita itong maganda mong kapatid."

Nasamid naman si Venus kaya napatingin kaming lahat sakanya. Pinainom na siya ni Rigel ng tubig. Namumula si Venus.

"Kinikilig si Venus,oh!" asar ko naman sakanya.

"Venus, baka may gusto kang ibanat dyan sa magaling mong boyfriend." asar naman ni Dais.

"Tumigil nga kayo. Kumain na nga lang kayo." nasa pagkain na ang buong atensyon niya. Nahihiya lang siya kamo.

"All student council members, and Cyrus Carlon. The principal wants to talk to you. Now." rinig namin sa speakers.

"Mauna na kami ni Cyrus!" hinigit na ni ate Io si Cyrus. SC Vice-President si ate.

"Bakit kasama si Cyrus? SC din siya?" tanong ko sakanila.

"Hindi. Tuwing may event na pinagme-meeting-an, kasama siya sa nagpaplano." sagot ni Rylle.

"Ano bang event ang pagpa-planuhan nila?" tanong ko pa. Wala kasi akong alam sa mga ginaganap na events dito. Wala pa naman kasi akong one week dito.

"Sports week next next week." sagot ni Venus.

"San mo pala sports balak sumali? Pwede namang kahit ilang sports." tanong ni Dais.

"Hindi ko alam. Matagal pa naman yan." sagot ko bago uminom ng tubig. Tapos na kaming kumain.

"Pero wag kang sugapa tulad nitong si LA. Andaming sinasalihan." sabi naman ni Rigel kaya sinamaan siya ng tingin ni LA. Sila, natawa. Ako, natakot.

"Balik na tayo sa kwarto, Dais, Venus." aya ko sakanila.

"Ha-" magsasalita pa sana si Rylle at Rigel pero inunahan na namin.

"Wag na! Kaya na namin." sabay-sabay naming sabi. Napakamot naman sila sa batok.

Naglakad na kami pero nakakailang hakbang palang ako, bigla akong hinigit ni LA paupo. Gulat naman akong napatingin sa kanya.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon