XII. Friends?

321 14 1
                                    

Chapter 12.

IO

Nakabalik na kami sa Elemahika-specifically, Light Empire. Wala pa ring malay si Luna nakahiga ngayon sa kwarto ng Cobblestone clinic. Medyo malaki ang clinic kaya naka-private room si Luna at pwede kaming bumisita ng sabay-sabay.

Ang tatay naman nina Venus, nasa council na. Nagpasalamat siya sa aming lahat bago bumalik sa council kasama si principal.

"Io, kumain ka muna. Kami muna magbabantay kay Luna." sabi sa akin ni Dais. Kasama niya si Venus.

"Mag-breakfast ka na." dagdag pa ni Venus.

Umaga na pala. Kagabi pa walang malay si Luna. At hindi pala ako nakatulog.

"Osige. Bantayan niyo siya, ha?" tumango naman sila kaya tumayo na ako at lumabas.

"Gising na ba si Luna?" nakasalubong ko si sir Rylle.

"Hindi pa, sir. Pinag-breakfast lang ako nina Dais."

"Mabuti pa nga, mag-breakfast ka na. Tsaka maligo ka na rin."

"Bakit, sir? Halata ba?"

"Hindi. Hahahaha. Sinasabi ko lang. Pasok na ako sa kwarto ni Luna." tinanguan niya muna ako bago pumasok.

LUNA

Apoy.

Kidlat.

Pagsabog.

Si LA.

Paulit-ulit kong nakikita. At ayoko na.

"WAAAAAAH!"

"LUNA! LUNA!"

Unti-unti kong dinilat ang mata ko. Nakita ko sa tabi sina Venus, Dais, at Rylle.

"Luna. Are you okay?" lumapit si Rylle sa akin. Tinulungan niya akong umupo. Tumango nalang ako sakanya.

"Bakit ka.. Bakit ka umiiyak?" tanong nito sa akin.

"Nanaginip lang."

"Ano ba talagang nangyari sa bodega, Luna?" tanong ni Venus.

"Sabay-sabay na tayong mamamatay!"

Bigla naman siyang naghagis sa amin ng malaking lightning ball pero si LA, naghagis rin ng malaking fire ball.

"WAAAAAAH!" sigaw ko nang magtama ang dalawang power balls at nagkaroon ng malaking pagsabog.

Tumilapon kaming dalawa ni LA sa may apoy.

Sh*t. Feeling ko sinusunog ang laman ko. Please. Sana hindi pa 'to ang katapusan ko.

"Luna, kailangan na nating lumabas." rinig kong sabi ni LA at ramdam kong binuhat niya ako.

"Hey. Tumigil ka sa pag-iyak." iyon ang huli king narinig bago ako nawalan ng malay.

Kinwento ko sakanila ang nangyari at nakatanggap pa ako ng maikling sermon kay Rylle.

"Lunaaaa!" napalingon kaming lahat sa pinto at nakita sina ate Io, Cyrus, Rigel, at LA.

"I texted them." sabi naman ni Venus sa akin.

Bigla naman akong niyakap ni ate kaya niyakap ko rin siya pabalik. Pagkatapos niya, niyakap naman ako ni Cyrus at umupo na siya. In-apiran ako ni Rigel at nakatingin lang sa akin si LA.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo ikuha kita ng pagkain?" nag-aalalang tanong ni ate.

"Ate, okay lang ako. Mamaya na lang ako kakain. Gusto ko muna magpahinga." sabi ko sakanya.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon