VII. Consequences

472 18 4
                                    

Chapter 7.

LUNA

Medyo masakit ang katawan ko paggising ko. Nasa kwarto ba ako? Sa pagkakatanda ko, may dalawang babaeng pinagtulungan ako sa CR. Wait.. buo pa ba ang katawan ko?

Nagmulat naman ako ng mata at nakitang nakatingin sina Venus, Dais, Ate, Cyrus, Rylle, Rigel, and even LA. Nakaupo ang iba habang ang iba naman, nakatayo malapit sa kama ko.

"Thanks God, you're awake!" sabi ni Ate Io bago niya ako yakapin ng mahigpit. Nakita ko namang natuwa din sila.

"P-Paano ako nakarating dito?" tanong ko sakanila. Umupo na ako para makapag-usap kami ng maayos.

"We found you. Duguan ka sa CR." sagot ni Venus.

"Akala ko may mga bali ako? Tsaka.. nasaan ang mga sugat ko?" chineck ko ang katawan ko at nakitang wala itong kagalos-galos. Paano nangyari iyon?

"Thanks the healers! Sina Lea at Rachel ang nagpagaling sa'yo." sagot naman ni Dais.

"Anong oras na? Bakit parang maaraw na?" tanong ko pa nang mapatingin ako sa bintana.

"11:07 am na po. At Saturday na ngayon." si Rigel naman ang sumagot.

"Ha? Ate! Paano tayo uuwi nyan? Tanghali na." pag-aalala ko.

"Don't worry. Natawagan ko na ang mga magulang niyo. I said may class activity akong binigay sainyo this Saturday." sabi naman ni Rylle.

"Sir! Sir!" napalingon kaming lahat sa pinto. Nandun ang kambal, si Lea at Rachel at mukhang hinihingal.

"Ano ng balita?" tanong ni Rylle.

"Nasa dining hall Hindi po siya umuwi." sabi ni Lea.

"Kasama niya din po yung kadorm niya." dagdag ni Rachel.

"Ano pa?" seryosong tanong ni Cyrus.

"Narinig namin ang usapan nila tungkol sa ginawa nila kay Luna." seryosong sabi ni Lea. Nalilito na ako sa pag-uusap nila lalo na't nabanggit ang pangalan ko.

"At sa pagkakarinig po namin, silang dalawa ang may gawa sa bali at mga sugat ni Luna kahapon." dagdag pa ni Rachel. Sabi na, tungkol yan sa pangyayari kahapon.

"Tara na sa Dining hall, kumain na tayo." sabi ni Rylle kaya nagsitayuan na kami para lumabas. Wait.. hindi pa ako naliligo!

"Anong problema?" tanong ni Cyrus na kasabay kong naglalakad.

"Hindi pa ako naliligo." bulong ko sakanya. Tinawanan niya naman ako.

"Don't worry, pinunasan ka na nina Lea at Rachel bago ka bihisan nina Dais at Venus." napalingon naman ako nang sabihin niya yun. Sila ang nagbihis sa akin?

"Pano mo alam? Nasa loob din ba kayo nung mga panahong iyon?!?" pabulong pa rin ako magsalita. Tinawanan na naman niya ako dahil sa pago-over react ko.

"Ofcourse, not. Pinabalik na nila kami sa mga dorm room namin kaya wala na kami nun." sabi naman niya. Napa-buntong hiniga naman ako. Mabuti naman.

"Naninigurado lang." sabi ko ulit na ikinatawa ni Cyrus.

"Gosh, I'm really happy that you're okay. Edi sana wala na yang over-reacting Luna." sabi naman niya na bakas talaga ang pag-aalala.

"Pinag-alala ko ba ang bestfriend ko?" pabiro kong tanong.

"Oo, Luna. You really scared us." sabi pa niya. Napangiti naman ako. They really care for me.

Nakarating na rin kami sa dining hall at kumuha na kaming lahat ng pagkain. This time, kasama muna namin ang kambal.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon