XVI. Nightmares

294 14 1
                                    

Chapter Sixteen.

LUNA

"Luna.."

Iginala ko ang paningin ko. Nasa gitna ako ng gubat.

"Luna.."

Sinundan ko kung saan nagmumula yung boses. Boses ng isang babae.

"Luna.."

Isang babae. May mahabang puting buhok.

"S-Sino ka?" tanong ko dito.

Malapit ko na sanang makita yung mukha niya pero kinain kami ng isang nakakasilaw na liwanag.

"A-Aray." bumagsak ako sa lupa.

"Luna!"

Napalingon ako at nakita ko si Rylle na tumatakbo.

"Rylle!" tumayo ako para lumapit sakanya pero he stopped me.

"Tumakbo ka na, Luna!"

"Bakit!?"

"Just run!"

Sinunod ko naman siya at tumakbo. Nang nilingon ko siya, gusto ko siyang puntahan. Gusto ko siyang tulungan. Pero I know I can't. Mahina ako.

"R-Rylle!"

Tears started to fall from my eyes.

Blood. There's too many blood.

"RYLLE!"

Nilingon niya ako at nginitian. He mouthed the word 'run'.

Umiling ako. Ayoko siyang iwan ng ganito an sitwasyon.

But I don't have a choice. The people in black saw me. I'm next.

"R-Run!"

Tumakbo ako nang hindi lumilingon.

Wala na si Rylle.

"A-AAAH!" sigaw ko nang mahuli ako ng mga taong nakablack.

Liwanag. Kinain na naman ng liwanag ang paligid at pagmulat ko, nasa ibang lugar na ako.

Napaluhod naman ako sa nakikita ko. This can't be. Hindi.

Si Rylle, Ate, Cyrus, Dais, Venus, Solenn, Rigel, at si LA. Wala na silang buhay.

Nasa open field ako ng Academy at ang dating green, naging pula na. Blood.

Pinapaligiran ako ng mga walang buhay na estudyante.

No. Hindi 'to maaari. Wala na sila.

"Luna, gising.."

Binuksan ko ang mata ko at nakita ko silang nakapaligid sa akin. I was crying while sleeping. Basang basa ang mata at pisngi ko.

Si Rylle. I witnessed kung paano siya pinatay sa panaginip ko. They're brutal.

"R-Rylle." bumangon ako at niyakap siya.

Pinapatahan niya ako pero mas lalo lang akong naiiyak.

"T-They killed you. Pinatay ka nila Rylle. Pinatay ka nung mga nakaitim."

"Sshhh. Panaginip lang 'yon Luna. That's only a nightmare."

Umiling ako at humagulgol.

Parang totoo lahat. Silang lahat, walang buhay sa panaginip ko.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon