VIII. Drunk

451 18 2
                                    

Chapter 8.

LUNA

"Ate!" tawag ko kay Ate Io na naglalakad na papunta sa room ni Sir.

"Oh! Papunta na rin kayo?" tanong niya sa aming tatlo.

"Oo, ate."

"Sabay-sabay na tayo!" sabi ni Dais kaya naglakad na ulit kami.

Wala ng katok-katok at binuksan na ni Venus ang kwarto ng kuya Rylle niya.

"Kuyaaaaaa!" salubong kaagad nitong si Venus sa kuya niya at hinampas pa ang braso nito.

"Oy Kuya Rylle!" salubong naman ni Dais.

"Sir!" bati ni ate kay Rylle.

"Rylle." bati ko naman sa kanya.

"Dadating pa pala kayo?" biro niya sa amin.

Andito na ang boys at nasa sala sila habang naglalaro ng Xbox. Hindi nga ata kami napansin na pumasok.

Iginala ko ang paningin ko sa buong kwarto. Mukha nga siyang condo unit. May sliding door pa sa may sala at sa labas nun ay ang veranda. Kitang-kita naman mula dun ang ilog ng Cobllestone Academy.

Mint green ang kulay ng dingding tulad ng kulay ng wallpaper sa kwarto ko. Nakasarado naman ang ibang pinto kaya ang living room at maliit na dining room lang ang nakikita ko.

"Busy ah?" tinabihan ni Venus ang boyfriend niyang si Rigel at binigyan ito ng halik sa pisngi.

"Andito na pala kayo." sabi ni Rigel nang hindi man lang natatanggal ang mga mata sa nilalaro. Si LA at Rigel ang magkalaban habang si Cyrus naman ay busy sa phone niya. I wonder, may internet ba dito sa room niya? Siguro?

"Busy?" siniko ko naman si Cyrus pagka-upo ko sa tabi niya.

"Ah hindi." ibinaba niya ang phone at nilingon ako.

"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko sakanya.

"Surfing the internet. Chinecheck ko lang yung mga naiwan kong accounts." sagot niya.

"Oh. Parang gusto ko na ata mag-teacher." biro ko dahil masyadong at home ang feeling sa room ng isang teacher. Tinawanan naman ako ni Cyrus.

Napatingin ako sa may kitchen part at nakitang busyng-busy si Rylle. Nagluluto siya?

Iniwan ko muna si Cyrus na nakikipag-kwentuhan na kay ate Io. Busy na silang lahat sa living room at mukhang ako lang ang walang ginagawa.

"Anong lulutuin mo?" bigla kong sulpot sa likuran niya. Nahuli ko naman siyang napatalon sa gulat. Humarap siya sa akin.

"Bigla bigla ka nalang nang-gugulat."

"Ano bang lulutuin mo?" tanong ko pa.

"Adobo." sagot niya at ipinagpatuloy ang pagluluto.

"Tutulong ako!" prisinta ko at itinali na ang buhok ko. Naghugas na rin ako ng kamay.

"Sigurado ka? Marunong ka ba?" tanong niya pa sa akin.

"Oo naman. I'm living alone nung nag-aaral pa ako sa normal world, kaya marunong akong magluto." sagot ko sakanya.

"Anong gagawin ko?" tanong ko pa sakanya.

"Diyan ka sa Adobo. Ako na ang magsa-saing." sabi niya kaya ipinagpatuloy ko nalang ang pagluluto ni Rylle sa adobo.

Pagkatapos niyang isaksak ang rice cooker niya ay tinulungan na rin ako sa adobo.

~

Natapos na rin ang pagluluto namin at hinanda na ni Rylle ang table. Nilagay na namin ang adobo at rice sa table.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon