Hinimas-himas ko ang aking bilugang tiyan. Mas lumaki pa iyon sa pagdaan ng isang buwan na halos mukhang nasa siyam na buwan na gayong nasa anim pa lang dapat ito. May mga ganitong kaso naman akong na-handle kaya alam kong normal lang 'yon sa ibang nagbubuntis. Subalit hindi lang 'yon ang napapansin ko sa'king katawan. May mga kulay itim na ugat sa'king tiyan hanggang hita; masakit kung pipisilin at minsa'y mahapdi kahit 'di naman hinahawakan.Isang buwan na rin noong lumitaw ang mga 'yon sa'king balat. Kumunsulta na kami ni Rex sa isang dermatologist. Sinabi lang na varicose veins lamang 'yon at maari ngang lumitaw lalo't buntis ako. Subalit hindi matahimik si Rex. Maging ako ay nababahala. Alam kong normal na nagkakaroon ang ilan ng varicose veins, ngunit ganito karami at kalaki tapos kulay itim pa?
Tiningnan ko ang aking repleksiyon sa salamin. Nanlulumo akong makita ang aking anyo ro'n. Sa kabila ng prenatal vitamins na iniinom ko at pagsunod sa mga ipinapayo ko sa'king mga pasyente, hindi pa rin bumubuti ang aking kalagayan. Mas lumala pa nga. Noong una ay mabilis lang akong mahilo. Magana naman ako kung kumain, pero sa tuwing matatapos ko na ay doon na umaakyat lahat ng kinain ko; wari'y may humahalukay mula sa loob. Unti-unti na ring umiimpis ang aking pisngi, mga braso't binti. Madali na rin akong mapagod ngayon kaya minsan na lang ako nagkakapaglakad-lakad sa bahay.
Biglang may naglandas na itim na likido sa aking ilong. Kumabog ng husto ang dibdib ko. Dali-dali kong pinahid iyon gamit ang likod ng kamay. Sandali akong natulos sa harapan ng salamin.
Inamoy-amoy ko ang aking kamay na may itim na likido. Napasinghap ako. Amoy nabubulok na basura iyon!
***
Mababasa ang kabuuan ng Special Chapter na ito at ang edited copy sa mismong paperback. Ang book ay available for pre-order. Para sa dagdag na detalye, paki-message lamang po ang FB page ng Jemm Publishing o ang FB account ni Cleffy Garcia. Thank you!
BINABASA MO ANG
Ang Lihim Ng Sitio Puti
ParanormalWalang ibang hangad si Dra. Chenimeth Bayron kung hindi ang makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga kapos-palad. Dahil dito, napagpasiyahan niyang sumama sa isang grupo ng mga doktor na nagsasagawa ng medical mission sa mga probinsiya, partikular na...