Virus

152 4 2
                                    

SIMULA

PLEASE BE ADVISED
Warning: There are scenes of violence. Contains mature themes and strong languages that are not suitable for young readers.

The lead character is a self-centered person. Read at your own risk.

TRIGGER WARNINGS
(May contain triggering and sensitive material, topics. Sexual violence, sexual assault and abuse, abortion, suicide)

Some of the parts or words that are expressed here are not meant to offend any party.

READ AT YOUR OWN RISK

you'll find the grammar and the punctuation is a bit off, please bare with that

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents and either the product of the authors imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental

--

"Diba bawal 'yan?" tanong ni Emerie tapos umupo siya sa harapan ko. Inagaw naman ni Elora ang chocolate bar na palihim kong kinakain dito sa loob ng medical library.

"May hiniram ba akong libro?" mataray kong tanong sa kanila. Walang kahit isang libro dito sa pwesto ko dahil may hinihintay lang naman akong dumating dito.

"Wala, pero bakit nandito ka?" Lumingon ako ulit kay Elora at napabuntong hininga. Kanina pa akong 8 a.m. dito, hindi na nga ako makahinga sa suot kong face mask. Sumandal ako sa upuan at tumingin tingin sa paligid baka nandito na siya.

"Oh I know, ngayon kayo magkikita ng kausap mo sa chat?" Nakangising tanong ni Emerie tapos nakita kong kinakain na ni Elora ang chocolate bar ko na inagaw niya. Kung hindi ko lang sila mga best friend simula junior high maiinis talaga ako.

"Bakit kayo nandito?" pag-iiba ko ng usapan.

"Alam mo namang may hinihintay rin kami palagi dito," sagot ni Emerie. Ngumisi lang ako, alam kong may mga crush sila. Mga medical students. Hindi ko rin sila masisisi dahil ang lilinis, mabango at gwapo ang mga med students. Matatalino pa.  Lalo na itong si Emerie, palaging unang kinikilig kapag pumapasok na ang mga crush niya.

Ilang araw palang simula ng ibalik ang face to face classes, limited nga lang pero maayos na 'to. Palagi kaming magkasabay sa break time o lunch time lalo na kung nagkakasabay kaming walang pasok sa isang oras kahit magkakaiba kami ng kurso na kinuha. Matagal rin kasi simula nong nagsimula ang pandemya.

Nahihirapan na rin sila mama dahil kailangan kong mabayaran ang tuition ko ng buo. Hindi na kasi ako makapagtrabaho bilang working student dito sa University ng magsimulang kumalat ang virus. Laking tulong sana, araw-araw lang akong makapagduty ay libre na ako sa tuition fee.

"Pero may gusto sana akong hiraming libro pero nakakatakot naman ang librarian," sabi ko.

"Bakit mataray?" tanong ni Elora tapos umiling ako bilang sagot. Dahil hindi naman nakakatakot.

"Ang weird at ang uncomfortable ng presence niya," sagot ko. Sumilip naman sila sa librarian na nasa counter. Magsasalita pa sana ako ng biglang gumawa ng ingay ang cellphone ni Elora.

"Isang bagong virus ang sinasabing nagmula sa mga insekto--"

Mabuti nalang ay agad niyang pinatay 'yon. Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata dahil lahat ng estudyante ay napalingon samin. Sobrang tahimik pa naman ng mga med students dito kumpara sa main library ng University. Mas matatanda na rin kasi samin ang mga nag-aaral sa library na 'to.

"Sorry." pabulong na sabi ni Elora at umiling lang ako. Mabuti nalang rin na hindi na lumapit samin ang isa sa mga library staff.

"Ano ba 'yan may bagong virus na naman raw ang kumakalat ngayon," sabi niya. Huminga lang ako ng malalim at ayoko ng magpa-stress. Baka magkaroon na naman ng lockdown ang buong syudad dahil sa mga virus na 'yan.

Sleep tonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon