04

26 2 2
                                    

"Saan ka pupunta!" sigaw ni Alixon at agad ko siyang pinanlakihan ng mga mata. Nakahawak ako ngayon sa door knob at balak kung lumabas dahil hindi ko talaga kaya dito, hindi ko na kayang magbanyo dito. Napahawak ako sa aking tiyan, bakit ba naman kasi sobrang sakit ng tiyan ko ngayon. Ngayon pa talaga!

Dalawang araw na ang lumipas at hindi ko na nga alam kung anong araw ngayon. Huminga ako ng malalim. Ngayon sana umpisa na ng second sem namin. Hindi ko napigilang umiyak dahil hindi ko rin maintindihan ang aking tiyan. Hindi ko alam baka gutom lang ako.

"Guys? Ilang araw na ang lumipas, there's still no help," sabi ni Sanaya. Umatras ako tapos napaupo sa may pinto at napasandal. Katapusan na ba ng mundo? 

"Wag kayong panghinaan, alam kong hindi tayo papabayaan dito," sabi ni Alixon. Tumawa naman ako ng mahina.

"Bakit ba ang tagal nila?" tanong ko at pinunasan ang aking luha. Mga lumipas na oras ay palagi kaming nakakarinig ng sigaw at mga ingay ng mga halimaw. Mababaliw na yata kaming lahat dito. Hindi ko rin alam kung nasaan ang ibang estudyante kung nabuhay rin ba sila. 

"I can't continue living like this Alixon," sabi ni Sanaya at nakita ko namang yinakap siya ni Alixon.  Umirap ako at umiwas ng tingin.

"May relasyon ba kayo?" tanong ko sa kanila at agad naman silang humiwalay sa yakap ng isa't isa. 

"We're just...classmate ko siya," sagot ni Alixon. Nalaman ko rin sa dumaan na dalawang araw, working student rin pala siya dito well, dati bago nagkagulo ang mundo. Hindi ko rin alam kung makakabalik pa kami dahil mas lalong gumulo ang mundo.

"Yeah, classmates," ani Sanaya. 

"Para kayong mag-jowa diyan eh," saad ko. Alam kong hindi ko na dapat inuuna 'to, pero para malibang nalang rin ang isipan ko. Ubos na ang mga ninakaw naming pagkain na naiwan ng mga estudyante tapos tubig. Ngayon, wala na at hindi ko na kaya. Nanghihina na ako.

"Diba may vending machine sa 7th floor? katulad nong sa labas ng... med library?" Napalingon naman ako kay Sanaya. Oo tama meron doon. 

"Mahilig rin ang mga staff dito mag-ipon ng pagkain," dagdag na sabi ni Alixon. Namimiss ko na mga luto ni mama, parang ngayon nga naamoy ko na ang mga lutong ulam ni mama. Pumikit ako ng mariin.

"Happy birthday, Sanaya..." Dumilat ako at napatingin sa kanila. 

"Saan mo nakuha 'yan!" sigaw ko kay Alixon ng may binigay siyang cup cake na nakabalot pa kay Sanaya. Nakita ko lang ang mga mata niya na lumibot ang tingin. Napamura ako sa isipan ko dahil may itinago pa pala siyang pagkain!

"How..how did you know?" hindi makapaniwalang tanong ni Sanaya.

"February 13 ngayon diba? hindi ko talaga kinalimutan..."

Umiwas ako ulit ng tingin, kung ipakain ko sila tapos tumakbo ako papunta sa taas? Huminga ako ng malalim, pero dalawa sila hindi ko sila kayang dalawa. Ano ba itong nasa isipan ko? nag-iisip pa ba ako ng tama?

"Mabuti ka pa alam mo anong araw ngayon," sabi ko tapos tumayo. Padilim na naman at nanatili kaming nandito sa loob. Kapag lumabas ako alam kong susunod ang mga halimaw, nakaakyat nga sila papunta dito sa taas. Kung zombie na sila at hindi na tama ang pag-iisip nila, bakit nakakasunod pa rin sila papunta dito sa taas?

"Akala ko ba classmate lang?" tanong ko sa kanilang dalawa at nakita kong parang nahihiya si Alixon. Nakakadiri. 

Natigilan naman ako sandali nang maalala ko ang mga kaibigan ko. Lumapit ako sa bintana na malapit sa hallway. Pinapakinggan ko sila mula sa labas at sana umalis na sila.

"Patawad, Elora." pabulong kong sabi sa aking sarili.

Bigla namang nagpatugtog si Alixon mula sa cellphone na nahanap niya tapos yinakap si Sanaya. Sinusubukan ko pa ring humingi ng tulong online pero wala akong makuha, puro comments lang galing sa labas. Hindi ko napigilan ulit na umiyak dahil naalala ko lahat ng posts...Hindi ko talaga alam kung mas ligtas ba dito sa loob o sa labas?

Sleep tonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon