12

29 3 1
                                    

Nakahanap kami ng apat na bakanteng silid dito sa loob ng dormitory sa ikalawang palapag, umakyat pa kami at wala naman kaming nakaslubong na halimaw. Maganda sa loob, nakapunta na rin ako dito. Sa counter ara nila at sa unang pagpasok mo para kang pumapasok ng hotel.

"Dito kaming tatlo nila Christian tapos West!" Nakangiting sabi ni Lance.

"Ayoko nga!" sigaw agad ni West tapos hinila. palapit sa kanya si Elora.

"Elora, Florian kayo ang magtabi este magsama sa isang kwarto," sabi ni Christian.

"You're not the one who is going to decide," sagot ni Florian sa kanya.

"Eh kayo lang kasi ang may... alam niyo na..." Nahihiyang sabi ni Veronica. Sila lang ang? ano ang hindi ko alam sa kanilang dalawa?

"Ako ang bahala kay Elora!" sigaw ni West tapos yumakap siya sa braso ni Elora. Nakikita ko namang pilit na binabawi ni Elora ang braso niya kay West.

"Oh Veronica gusto mo samin?" tanong ni Lance tapos nakangisi pa ito.

"No thanks!" sigaw niya. "Mas gusto ko mapag-isa!" tapos pumasok na siya agad sa isa sa mga kwarto.

"Bahala ka diyan! Kahit sumigaw ka hindi ka namin pupuntahan!" sigaw nila Lance tapos nagtawanan. Pumili na rin sila ng kanilang kwarto. Tumingin naman ako kay Elora.

"Elora." Hinila siya ng lalaki papunta sa kwarto na katabi sa kwarto ni Veronica. Talaga bang magkakahiwalay kami? paano nalang kung may mangyari bigla?

"I can stay outside," sabi bigla ni Florian.

"Ha--huh?"

"Pwede naman tayong magsama sa loob," sabi ko.  Ngumisi naman siya bigla tapos napaatras ako nang lumakad siya palapit sakin.

"I got bitten." Nagulat ako sandali sa sinabi niya. "And... thanks to you."

Napaiwas ako ng tingin. Kasalanan ko, oo na--pero! Teka! Umatras pa ako ulit palayo sa kanya.

"Don't get scared I won't do anything to you," sabi niya.

"Paanong--" Naalala ko bigla si Elora. May mga kagat rin ba siya?

"I don't know either... the important part is I'm alive," saad niya. Huminga ako ng malalim at napasapo sa aking noo. Paanong hindi pa siya halimaw ngayon? paanong nakakalakad pa siya ng maayos? Ito ba ang rason bakit kakaiba ang mga mata nila kesa samin? at mas nakikita ko ang ugat nila?

Hindi ko maintindihan, wala akong maintindihan. Teka, kaya ba mas inuna akong sugurin ng halimaw kanina kesa sa kanya?

"I'm not sure what's happening with my body right now..."

"Talaga bang hindi mo kami gustong kainin?" tanong ko. Tumawa siya ng mahina at sumandal sa may pinto.

"I don't know," sagot niya.

"Anong hindi mo alam!" sigaw ko.

"Well, I want to eat you," sabi niya kaya umatras pa ako lalo sa kanya.  "in... a different way."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. Lumakad ako paatras ng lumakad siya palapit sakin, tapos tumakbo ako ng nagsimula siyang tumakbo pero nahuli pa rin niya ang kamay ko.

"Just go to sleep," sabi niya tapos hinila niya ako at itinulak papunta sa loob ng kwarto tapos isinara niya agad ang pinto.

Hinabol ko agad ang aking hininga tapos napaupo at napasandali sa pinto. Mabuti nalang hindi gaanong madilim dito dahil sa liwanag mula sa labas.  Kahit papaano may nakikita ako.

"I can still feel you." Nanlaki naman ang mga mata ko ng marinig ang boses ko sa kanya. "Mahiga ka na tapos matulog."

Lumibot naman ang aking tingin sa kwarto. May malansa akong naamoy dito sa loob pero hindi na bago 'yon sa bawat pasilyo na dinaanan ko aarte pa ba ako ngayon?

Sleep tonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon