15

32 3 0
                                    

"Ensley! Wait!" Lumingon ako sa aking likuran at nakitang lumalayo na ang sasakyan ni Lance pero nandito pa si Florian. 

"Anong ginagawa mo!" sigaw ko pabalik sa kanya. Tumakbo siya palapit sakin at hinawakan ang aking kamay.

"I can't let you go alone," sabi niya.

"Florian, nagpapasalamat ako dahil hindi mo ako iniwan at nakaabot ako hanggang dito pero may pamilya ka rin alam ko o mahal sa buhay na kailangang puntahan. Kaya ko na dito," sabi ko. Lalakarin ko nalang mula dito papunta samin maabutan ako ng gabi pero okay lang. Habang buhay pa ako. Isa pa, kung wala sila mama doon at buhay pa ako eh di didiretcho ako ng pier uno kung makaabot pa sa oras.

"I just can't Ensley, masiyadong delikado and you're a girl," sabi niya.

"Florian, baka nakakalimutan mong itinulak kita. Babae ako pero kaya ko sarili ko," sagot ko sa kanya. Pero hindi totoo na kaya ko ang sarili ko. Hindi talaga. Natatakot ako at kanina hiniling ko na sana sumama siya pero naiisip ko naman na pwede siyang pumunta at sumama nalang kayna Lance.

"Let's go," sabi niya tapos hinila ako bigla.

"Teka! Saan tayo pupunta!" sigaw ko sa kanya.

"Sa bahay niyo, and please...keep quiet, we don't know how many monsters are here," sabi niya at agad naman akong tumahimik. Masiyadong makalat ang syudad ngayon at maraming mga sasakyan na nagkagulo at hindi naka-park ng maaayos. Nasaan na kaya ang ibang tao? 

"We have to run," sabi niya "Malapit lang sila..." Kumunot ang aking noo sa sinabi niya tapos hinila ako pasabay sa kanya sa pagtakbo. Kasabay ng pagtakbo namin ay may humahabol na saming mga halimaw. Mas lalo akong kinabahan para sa pamilya ko. Sana ay ligtas sila ngayon.

Pumasok kami sa mga eskinita pero hindi ko maiwasang mapaisip dahil daan rin ito papunta sa amin. Hindi ko alam kung nagkataon lang o talagang alam niya? sayang at may humahabol samin wala akong oras para isipin pa kung sino ba siya talaga.

Nang palapit na kami samin ay nawala ang mga halimaw pero may mga tao kaming naririnig na sumisigaw ng tulong. Talagang nagkalat na sila sa buong syudad at kung magpaiwan kami lahat dito hindi ko alam kung anong balak ng mga nasa taas para sa lugar na 'to.

"Mama!" agad akong tumawag kay mama nang makita kong bukas ang gate namin at dali-dali kaming pumasok sa loob pero lock ang bahay.

"Mama! Papa!" Kumatok ako ng kumatok at nakita kong sumisilip si Florian sa mga bintana.

"Mama!" Umatras ako nang bigla itong bumukas at nakita ko si papa. Napangiti ako at agad na yumakap sa kanya ng mahigpit. 

"Nasaan po sila mama at ang mga kapatid ko?" tanong ko kay papa nang bumitaw ako sa yakap at lumingon ako kay Florian na nakangiti sakin.

"Papa ayos ka lang ba?" tanong ko nang mapansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Umiwas siya ng tingin at may narinig akong sigaw at ingay sa kusina namin. Lalakad na sana ako papunta doon nang pigilan ako ni papa.

"Salamat sa Diyos at ligtas ka," sabi ni papa. Ito ang unang beses na yinakap ko siya dahil nga hindi ko naman siya totoong tatay. Pero namimiss ko silang lahat.

"Kailangan nating umalis ngayon, nandito sila mama diba? kailangan nating makahabol sa pier. Lahat ng tao ay doon papunta. Kailangan nating iwan ang lugar na 'to." Umiling si papa kaya hinablot ko ang aking braso.

"Papa, kailangan nating pumunta doon ngayon na!" sigaw ko sa kanya. Alam kong sobrang mahal niya ang bahay na 'to pero kailangan naming umalis. Nakarinig ko ulit ang ingay sa kusina kaya napatakbo ako doon.

"Mama!" agad akong napahagulhol sa iyak nang makita kong may kadenang nakapalibot sa kanya at sa mga kapatid ko. Lahat sila...ay...umiling-iling ako at tatakbo sana palapit sa kanila nang hawakan ni Florian ang braso ko.

Sleep tonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon