03

33 3 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ko pa sinabi ang buong pangalan ko. May mga tumatakbo pa rin sa labas. Tinulungan ko silang isara lang muna ang lahat ng bintana ng maayos at nilagyan rin namin ang mga bintana na malapit sa hallway ng mga papel para hindi kami makita dito sa loob.

"Kayong dalawa nalang ba?" tanong ko sa kanila ng makaupo na kami dito sa loob. Niyayakap ko nalang ng mahigpit ang sarili ko dahil sa lamig.

"Nagkahiwa-hiwalay kami," sagot ni Alixon. Naalala ko naman ang mga kaklase ko kung maayos ba sila ngayon o nakatakas o naghahanap ng pagtataguan.

"Sana pala umabsent na ako," sabi ko at natigilan sandali ng biglang umiyak si Sanaya. Pilit naman siyang pinapatahan ni Alixon.

"Baka marinig ka sa labas." agad kong sabi.

"Hindi ko na kaya 'to, I also don't know if any help will come," sabi niya habang pinipilit na pigilan ang kanyang mga hikbi at hagulhol.

Hindi ko na alam ang dapat isipin ko basta ayokong mamatay at gusto ko pang makauwi samin.

"Let's try to sleep for now, baka bukas wala na ang lahat ng 'to..." malumanay na sabi ni Alixon.

"Sana nga," sabi ko tapos tumayo ako at naghanap ng pwede kong magamit sa mga naiwang bag dito.

"What are you doing?" Rinig kong tanong ni Sanaya sa aking likuran.

"We're not suppose to touch things, na hindi satin?"

Hinarap ko siya ng makahanap ako ng jacket sa isa sa mga bag dito sa loob.

"Bakit nasaan ba sila ngayon?" tanong ko. Hindi naman ako makukulong ngayon. Sinuot ko na agad ang jacket at inirapan sila. Mabuti na nga lang rin na pinili kong suotin ang slacks ko ngayon at walang heels na sapatos.

May mga nakita pa akong nagkalat na papel at mga damit sa mga naiwang bag, ginawa kong higaan iyon at pumili ako ng malambot na bag para gawing unan.

"Wala naman sigurong magbubukas sainyo ng pinto?" tanong ko sa kanila habang ginagaya na nila ang ginawa ko.

"Do you think we're crazy?" inis na tanong ni Sanaya. Umirap lang ako tapos humiga na.

"Ano pala course mo?" tanong ni Alixon na humiga na rin, medyo malayo ako sa kanila. Malapit ako sa whiteboard at sila sa may bintana.

"Nursing," sagot ko tapos pumikit na.

Nagising ako bigla dahil sa ingay ng dalawa. Hindi rin naman ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga nangyayari akala ko nga ay magigising na ako sa bangungot na ito pero wala nandito pa rin ako.

"Anong oras na?" tanong ko at bumangon. Nakita ko silang kumakain. Siguro galing ang mga pagkain sa mga naiwang pagkain at bag ng mga estudyante dito. Sumilip ako sa bintana at nakikita kong maliwanag na sa ground floor.

Umaga na.

"Any plans?" tanong ni Sanaya. Lumapit ako sa kanila at inabutan naman ako ng cookies ni Alixon.

"Salamat," sabi ko.

"Kagabi napansin kong inactive sila. Mas nakatuon rin ang pansin nila sa ilaw sa labas siguro dahil iyon lang ang nakikita nila. Pero kapag makakita na sila ng tao satin matutuon ang pansin nila," saad ni Alixon at tumango naman ako bilang sagot..

"So... ano gagawin natin ngayon?" tanong ni Sanaya.

"Maghintay lang tayo dito sa loob, alam kong may darating na rescue," sagot ni Alixon.

"How sure are you?" tanong ni Sanaya na parang bata.

"Oo paano ka makakasigurado?" tanong ko ulit.

"Sigurado ako alam kong may kumikilos na sa labas para satin. Hindi nila tayo papabayaan," sabi ni Alixon.

Sleep tonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon