06

24 4 0
                                    

"Riley!" pagtawag sa kanya ni Alixon. Umatras kami parehas ng biglang nanginig ang buong katawan niya. Kinapa ko naman sa aking bulsa ang dalawang ballpen na nahanap ko kanina. Napahawak rin ako sa braso ni Alixon pero agad niyang inalis ang kamay ko.

"Rrrrr..." Tumakbo ako pabalik sa may bintana nang tuluyan ng naging mapula ang ang mga mata niya. Hindi na siya normal!  Sumigaw ako ng tumakbo ito papalapit kay Alixon at agad na parehas silang natumba. Mabilis itong nakakilos kaya agad itong pumunta sa ibabaw ni Alixon. Hindi ko rin alam ang gagawin ko. Kung lumabas ako ngayon mamatay rin ako, kung tumalon ako mamatay rin ako. Kung wala akong gawin baka kainin lang rin nila akong dalawa dito sa loob!

Dahil sa lakas ng mga boses namin ay naririnig ko ring nagwawala ang mga halimaw sa labas. 

"Tulungan mo ako!" sigaw ni Alixon sakin at pilit niyang inilalayo ang mukha ni Riley sa kanya. Kinakabahan ako baka kagatin ni Riley ang kamay niya. Sumigaw ako tapos tumakbo palapit sa kanila at tinusok ang ulo niya gamit ang ballpen. 

Nawalan naman ako ng balanse ng tumayo ito at ako naman ang nilapitan.

"Ahhh!" sigaw ko ng hawakan ko siya sa magkabilang braso at pilit na inilalayo ang aking mukha at katawan sa kanya. 

"Shit!" Napamura ako ng nakalmot niya ang mukha ko. 

"Riley tama na!" Hinabol ko agad aking hininga ng yakapin siya ni Alixon sa likuran at hinila palayo sa akin. Tumayo ako agad at napahawak sa aking pisngi. Tumingin ako kay Alixon at itinuro niya ang bintana gamit ang mga mata niya. Lumapit ako sa kanya at pwersahan naming itinulak si Riley sa may bintana.

Narinig namin ang huli nitong pagsigaw ng tuluyan siyang mahulog.

Sabay kaming huminga ng malalim at ako naman ay napaupo sa sahig. Umiyak ako at tinakpan ang aking mukha. Ayoko na! Tama na!

"Ayos ka lang ba?" Rinig kong tanong niya. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Sa tingin mo ba maayos ako? maayos ba 'to!" sigaw ko sa kanya at napamura ako nang marinig ko ang mga halimaw sa labas na pinipilit makapasok sa loob. Lumuhod siya sa harapan ko at inabot ang aking pisngi.

"Ma-magiging halimaw na rin ba ako?" tanong ko sa kanya. Karma na rin ba ito?

"Hi--hindi...ang alam ko lang kapag makagat ka o may nakapasok na dugo nila sa katawan mo," sagot niya. 

"Hindi ko alam..." Napahagulhol ako ng tuluyan at hinawakan ang kalmot ng babaeng iyon sa pinsgi ko.

"It's just a scratch, don't think too much." malumanay niyang sabi pero umiwas lang ako ng tingin sa kanya. Baka patayin niya rin ako o ipapakain niya ako sa labas. Itinulak ko siya at dahil na rin siguro nanghihina siya ay agad siyang natumba.

"Gusto mo akong patayin ngayon! alam ko!" sigaw ko at kinuha ang natitirang ballpen ko tapos itinutok sa kanya. Nakita ko siyang pumikit ng mariin bago magsalita ulit.

"Hindi ako gaya mo,." dahan-dahan kong ibinaba ang aking kamay. Napaupo ako sa isang upuan at napasapo sa aking noo. Mababaliw na ako. 

"Pero bakit mo pinatay si Sanaya?" tanong niya  na mas lalong ikinatahimik ko.

Naalala ko... mga kaibigan ko lang ang nanatili sakin dahil napaka makasarili ko raw. Alam ko naman na lagi kong gustong napapag-usapan o lahat ng atensyon ko gusto ko nasakin lang.

Pero hindi ko na alam, itinulak ko rin si Elora para makatakas at dahil sa takot.

"Bakit mo siya itinulak?"

Hindi ko alam kung paano ko sasagutin nag mga tanong niya. Nawalan na ako ng lakas para sumagot pabalik.

"May nagmamahal ba sayo?"

Sleep tonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon