13

27 3 0
                                    

Lumaki ako na binibigay ko ang lahat sa tao at hindi ako marunong tumanggi sa bawat pabor na hinihingi nila. Nasanay ako mula sa bahay hanggang sa labas ng bahay. Hanggang sa nagsawa ako at napagod na rin ang puso ko para gawin 'yon lahat.

Dahil sa huli ako lang palagi ang nasisisi, ako palaging nasasaktan. Hindi ako halos pakinggan ni mama kapag nag-aaway kami ng mga kapatid ko. Hindi rin kami close ni papa, pero ngayon gustong gusto ko na silang makasama.

Binuksan ko ang aking mga mata at naalala kong nakatulog pala ako sa tabi ni Florian. Nagising lang ako dahil naalala ko ang nangyari kay Alixon, akala ko nga umaga na pero madilim pa rin.

"Are you alright?" rinig kong tanong niya at naalala ko naman na hindi raw siya makatulog. Nakaunan pa ako sa dibdib niya habang yakap yakap siya. Umayos kao ng pagkaupo agad.

Nakasandal lang siya sa head board ng higaan habang nakatingin sakin pero hindi ko siya masiyadong makita.

"May naalala lang ako," sabi ko.

"What is it?"

"Bago ako napunta dito sinubukan kong humingi ng tulong o makahanap ng tulong sa rooftop."

"Then?"

"May pumunta pero gusto lang nila kami patayin," sabi ko at narinig ko siyang napamura.

"I'm sorry I was the one who told you--"

"Hindi balak ko naman talaga pumunta doon kung wala pang darating na tulong, mahirap kasing bumalik sa ground floor at lumabas," sabi ko ng hindi siya pinatapos sa pagsasalita. "Karma ko na nga siguro ito."

Naalala ko kung paano ako niyakap ni Alixon sa mga oras na 'yon.

"I actually thought you won't make it," sabi niya at sinamaan ko naman siya ng tingin. Pero hindi ko siya masisi dahil sa ginawa ko sa kanya.

"I wanted to protect you, but instead... you pushed me away. If I haven't met those jerks siguro nakapunta rin kami ng rooftop."

"Alam ba nila na--"

"They already know about it... through online."

"Anong gagawin natin ngayon!" Nataranta agad ako at naalala sila mama at papa. Baka ano na rin ang ginawa nila o nakaalis ba sila ng bahay? baka naman  may pinuntahan pa sila? Ang hirap na hindi ko makita mismo ang sitwasyon sa labas. Hindi ko alam ano na ang nangyayari. Naiisip ko rin kung ano na ang ginawa sa kanila.

"Hey calm down."

"Hindi pwede! May pamilya ako sa labas! May inuuwian pa ako, ngayon hindi ko na alam ang una kong iisipin!" hindi ko mapigilan ang aking sarili na sumigaw sa kanya dahil sa inis.

"We are all trying to make a way to get out of here okay? sleep for now we need strength tomorrow," saad niya tapos hinila niya ako pabalik sa kanya tapos yinakap niya ako ng mahigpit. "I'm here now, makakalabas tayo..."

Yumakap ako sa kanya at hinayaan naman niya akong umiyak sa yakap niya. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging plano nila o kung makakasabay ba ako.



Pagkagising ko ay wala na si Florian sa tabi ko pero naririnig ko ang mga boses nila sa labas ng kwarto. Bumangon ako at agad na pumunta sa banyo para matignan kung merong tubig. Meron! Kaya dali-dali akong nagbukas ng mga cabinet para makapili ng damit. Hihiramin ko lang muna ang mga ito. Hindi ko na kasi kaya ang suot ko.

Pagkapasok ko sa banyo ay agad akong naligo tapos nagpalit at nag-ayos ng sarili sa malaki nilang salamin dito sa banyo. Sulit talaga siguro binabayaran nila dito sa dorm dahil balita ko dati, mabango tapos malinis tirhan dito.

Sleep tonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon