09

24 3 0
                                    

Pinaupo ako ni Alixon sa sofa katabi niya at hinintay na tumahan ako. Napahilamos ako sa aking mukha. Baka minumulto na nila ako, gusto na nila ring mamatay ako. Yinakap ko ang aking sarili ng mahigpit.

"Matulog ka na, babantayan kita," sabi niya at umiling ako.

"Hindi si Sanaya ang nakita mo, hinahabol ka na yata ng konsensya mo, wag kang mag-alala kapag matapos tong lahat agad? ipapakulong kita," saad niya. Ito ba ang pakiramdam ng iba kapag nakakagawa sila ng malaking kasalanan? Pero sobrang natatakot lang ako at gustong gusto kong mabuhay. Mababaw ba na dahilan 'yon?

Huminga ako ng malalim tapos inabutan niya ako ng tissue.

"Matulog na..."

"Si Sir Geronimo ba sa tingin mo nakahanap ba siya ng tulong?" tanong ko.

"Hindi ko alam..."

Pumikit ako sandali at pinunasan ulit ang aking mukha. Tumingin ako sa may pinto at ngayong oras ay tahimik na ang mga halimaw. Pero parang naririnig ko pa rin sila.

"Basta susubukan nating mabuhay," sabi niya.

"Akala ko hindi na kita makakasama ngayon," sabi ko. Nakita ko siyang ngumisi.

"Dati yata akong action star, sayang nga hindi mo napanood," sabi niya sa mayabang na tono na nagpatawa sakin. Nailang pa ako sandali dahil alam ko namang wala kaming choice ngayon sa isa't isa.

"Ang galing mo pa lang tumakas," sabi ko. Nakita ko namang nawala ang ngiti niya at si Sanaya agad ang naisip ko, siguro kaya niyang sabayan at maligtas si Sanaya, ako lang talaga itong masama na nakasama nila. Kung hindi ko nalang sana siya itinulak.

"Hindi ko lang natulungan si Sanaya," sabi niya. Tama nga ako si Sanaya nga ang inisip niya. Nakaligtas siya pero wala ang taong gusto niya. Ngayon, ramdam ko naman na pinipilit niya nalang pakisamahan ako. Hindi ko alam.

"Nagkaroon ka na ba ng girlfriend?" tanong ko.

"Wala pa," sagot niya.

"Kahit nong junior at senior high?"

"Since birth."

Napaawang naman ang labi ko dahil sa paghanga na wala pa siyang naging karelasyon. Baka naman torpe at mahiyain 'to pero madaldal.

"Talaga? so wala ka pang first date o first kiss?"

Umiling siya bilang sagot. Teka, masiyado namang nakakailang itong mga tanong ko hindi naman kasi siya babae na para kachikahan ko lang.

"Wow ah, sana all," sabi ko. "Study first?" at naalala ko na naman si Sanaya sa kanya. Tama na, ginawa ko na hindi ko na mababalik.

"Hmm pwede rin, ikaw?"

"Ako? naka-ilang boyfriends na rin," sagot ko. Junior High palang ako lumalandi na ako.

"Ngayon may boyfriend ka?"

"Wala."

"Ilan na ex mo?"

"Hmm hindi ko na mabilang eh."

"Baka naman cheater o play girl ka." Natatawa niyang sabi. Umiling ako agad.

"Hindi lang nila matiis ang ugali ko kaya iniiwan rin ako sa huli," sabi ko tapos sinubukang ngumiti ulit. Aminado ako minsan na may attitude problem ako, pero ewan ba minsan sa araw-araw hindi ko nakikita ang mga mali ko sa buhay, para sakin tama. Hindi ko na alam na nakakasakit na pala ako.

Tapos tahimik na naman ulit kami habang nakasandal dito sa sofa.

"Ensley." Lumingon agad ako nang tawagin niya pangalan ko. Bigla niyang hinawi ang iolang hibla ng aking buhok na nakaharang sa may gilid ng at pisngi ko.

Sleep tonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon