14

31 2 0
                                    

Kumuha kami ng mga tali at mga damit at ginawa naming pangbalot sa mga braso at sa paa namin. Sumapit na ang gabi at agad kaming naghanda. Gumawa rin kami ng parang pader na gagawin naming panangga sa kanila. Masiyado silang marami kaya kailangan naming mag-isip na lampas sa limitasyon namin.

"My car is just outside, lahat tayo 'don dumiretcho," sabi ni Lance. Pinakita niya kanina samin kung nasaan ang sasakyan niya, mabuti nalang at nasa labas lang ito hindi sa parking lot mismo ng University. Pwede naman sila mag-iwan doon at wala namang ibang sasakyan ang pwedeng dumaan sa kalsadang iyon. Mabuti nga hindi motor ang meron siya, mayayaman talaga mga estudyante dito may mga sariling sasakyan na.

"You stay close with me," sabi ni Florian at tumango ako bilang sagot. Lumingon ako kay Elora at lumakad palapit sa kanya.

"Elora," pagtawag ko sa kanya. Hindi niya ako nilingon pero magsasalita pa rin ako kahit alam kong ayaw niya ring marinig ang mga sasabihin ko.

"Patawarin mo ako kung nagawa ko 'yon, sobrang natakot lang talaga ako at hindi ko alam ang gagawin. Iniisip ko lang na ayaw kong masaktan ang sarili ko, alam kong walang sapat na dahilan para itulak kita. Sorry iniwan ko kayo ni Emerie," saad ko. Alam kong sa likod ng mga bandage niya ay may mga kagat siya at sugat na galing sa kanila. Hindi niya ako nilingon hanggang sa hinila na siya palayo sakin ni West. Naiintindihan ko naman na hindi niya ako mapapatawad, ganon si Elora. Mabait siya pero kapag may nagawa ka na sa kanya na sobra siyang masasaktan. 

"Ensley." Lumingon ako kay Florian. Ngumiti ako tapos lumapit sa kanya.

"Florian, bakit mo ginagawa 'to?" tanong ko sa kanya tapos nakita ko siyang natigilan sandali. "Sorry Florian ah, hindi ko napigilan ang reaksyon ng sarili ko. Gusto ko lang talaga mabuhay sa mga oras na 'yon, gusto kong makalabas. Sobrang takot na takot ako--"

"But you can still choose not to push me away, but I understand you don't trust me that much."

Natahimik ako sandali. May choice naman talaga ako pero akala ko kasi mas madali kung mag-isa lang akong kikilos. Mas okay na sila nalang ang mauna kesa ako. Ayoko ng ulitin ang mga nakaraan ko na masiyado kong inuuna ang iba tapos ako ang masasaktan.

"Sorry Florian."

"Don't think too much, I'm alive and I'm still with you." 

Ito nga ang hindi ko maintindihan kung bakit malapit siya sakin. Hindi naman niya ako kilala para ituring niya ako ng ganito. Dapat nga mas magalit siya sa ginawa ko. Isang estrangheya ang tumulak lang sa kanya at nagpahamak.

"Guys? paano kung may katulad pa sainyo," sabi ni Lance kaya lahat kami napalingon sa kanya. "Katulad niyo ni Elora, Florian. Unbelievable, sana kapag makagat ako, maging katulad niyo ako." 

"Aalis na tayo mamayang gabi, I'm worried about the students na baka stranded sa ibang area," saad ni Veronica.

"Wala tayong magagawa, Veron!" sigaw ni Christian. "Kung meron pa mang estudyante dito, hindi natin sila matutulungan lahat! Marami na nga tayo!" 

Nahiya naman tuloy ako dahil para lang akong isang pusa na nakisali sa kanila.

"I know, but I hope we can all make it," sagot ni Veronica. Hinawakan naman bigla ni Florian ang kamay ko.

"Lahat na ba handa na!" sigaw ni Veronica tapos lahat kami ay tumango lang. 

Lahat kami ay dumiretcho sa gate, ang ginawa naming pader ay ang mga bed kutson sa dorm. Gumawa kami ng hugis bilog at kaunting space para makapasok at makabalik si West sa loob dahil siya ang maghahagis ng flashlight  sa labas para kahit papaano ay maagaw nito ang atensyon ng mga halimaw tapos siya rin ang magbubukas ng gate. 

Sleep tonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon