06

4 0 0
                                    

“Anong nangyari, Akin?” bulong ko sa sarili.

Halos nangangatog na ang mga tuhod ko sa pagkabigla. Agad akong pumasok sa loob ng Resto at kinuha ang gamit bago pumara ng masasakyan.




Walang iba akong naririnig kundi ang malakas na kabog ng puso ko!



Hindi ko alam kung napano siya pero hindi maganda ang kutob ko!

“Ma’am sa’n ho tayo?”


“Ma’am?”


Nagawi ang atensyon ko kay Kuya, “Pasensya na ho.”

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung saan ako dapat pumunta! Walang ibang sinabi si Bonoy sa’kin!

“Saglit lang, Kuya.” Kinuha ko iyong cellphone ko sa bag at nakita ang halos 7 missed calls ni Tita, ang mama ni Jonathan!

Agad ko itong dina-ial at salamat naman dahil agad niya ring sinagot!

“Tita? Anong nangyari? Napano si Akin? Nasa’n kayo?” sunod-sunod na tanong ko.

Rinig ko ang paghahagulhulan nila na mas lalong nagpakaba ng dibdib ko.

“Tita?!”


“N-nna-nasaksak si Athan, Abby.”

Halos mapakurap-kurap ako, ni ang paghawak ko sa cellphone ay siyang lumuluwang na, “Bakit?”

Walang ibang salita ang lumalabas sa bibig ko kundi ang salitang “bakit.”

Ayokong isipin. Sana ‘wag naman...




---

Patakbo akong pumasok sa St. Nicholas Hospital at agad na nagtanong sa Nurse.

Pinupunasan ko pa ang luha ko habang umaakyat sa hagdan.

Isa lang talaga ang panalangin ko.

Sana huwag naman ang rason nito ay ang ibang tao!

Pakiusap! Wag naman!



“Abby,” pagtawag sa akin ni Tita na namumugto na rin ang mga mata.

Walang lakas akong lumapit sa kanila. Nasa labas sila ng OR at kasalukuyan daw na nasa loob si Jonathan dahil malubha ang naging tama niya.

Niyakap ko si Tita habang pilit na kinukumbinse ang sarili na sana mali ako.

Pumiglas siya ng yakap sa akin, “Ang sabi ng Doktor, hindi lang basta saksak ang inabot niya.”

Tiningnan ko siya ng deritso, “Nabagok din daw ang ulo niya, Abby. At walang kasiguraduhan kung magigising pa siya.”

Muling siyang humagulhol at halos mapaluhod na.

Sobrang bait ni Jonathan para maranasan ang lahat ng ‘to!

Alam ko kung gaano kasakit para kina Tita dahil ni kailanman ay hindi naging sakit ng ulo ang anak niyang ‘to! Sobra sobra ang pagmamahal niya dito!

Pero bakit? Paano?


“I-ikaw b-ba ‘yong girlfriend niya?” tanong ng isang babaeng puno rin ng dugo ang damit.

Kumunot ang noo ko, “Ako nga. Sino ho sila?”

Hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa kaniya.

“I’m sorry.”

Kinuha ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Hindi. Sabihin niyong mali ang iniisip ko! Hindi! Hindi ito dahil sa kaniya!

“Sino ka?”

“Nakita ako ng boyfriend mong naglalakad mag-isa sa may eskinita papuntang Abing’s. Nakita niya rin akong ninakawan ng tatlong lalaki kaya’t agad siyang sumugod at tinulungan ako.”

Napaatras ako nang bahagya at napalunok.

Jusko naman! Jonathan!

“Pero dahil tatlo sila, at isa lang siya, nagawa siyang pagtulungan nila. Sinaksak nila ‘yong boyfriend at tinulak hanggang sa mauntog ‘yong ulo niya sa malaking bato sa gilid ng kalsada.”

Muli siyang lumapit sa akin pero umatras ako ulit.

Ang lakas naman kasi ng loob niyang dumaan sa eskinitang iyon nang mag-isa! Tapos ngayong napahamak siya, pati si Jonathan nadamay?!

Umiyak siya nang umiyak at napaluhod pa sa harap ko, “Miss, hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako, kung hindi lang din naman dahil sa’kin, hindi nama---”

“Mabuti alam mo! Kung hindi rin lang naman dahil sa’yo edi sana hindi ‘to mangyayari sa kaniya!”

“Abby,” pagpipigil sa akin ni Tita habang pilit ring pinupunasan ang mga luha niya.

Napasapo ako ng mukha, “Tita naman kasi, bakit ba ang hilig hilig ni Jonathan tumulong sa iba kahit na buhay niya ang kapalit?! Ang tagal ko na siyang sinasabihan patungkol dito! Pero bakit ang tigas tigas pa rin ng ulo niya kaya’t ayan! Paano nalang kung mawala siya?!”


Napatingin ako sa babaeng hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin, “Paano na lang ‘yong kasal naming dalawa? Ha? Bakit pati kami nadadamay sa mga buhay niyo?! Oh ano? Makakaya mo bang bayaran lahat ng bayaran dito sa hospital bilang pasasalamat na lang sa tulong na ginawa sa’yo ni Jonathan?!”

“Naku, Miss, kahit na gustuhin ko po, hindi ko makakaya. Saleslady lang po ako at dalawang anak ako, wala rin ho akong asawa. Parang awa niyo na.”

“Parang awa niyo na rin! Sana hindi na lang kayo dumaan doon nang mag-isa kung hindi rin lang naman kayo marunong mag-ingat!”


Lumakad ako deritso paalis ng hospital at piniling makapag-isa muna.

Bakit naman kasi gano’n?!

Required bang tumulong sa ibang tao? I mean, oo ayos lang naman ‘yon, pero dapat ba talagang ibuwis ang buhay para sa mga taong hindi man lang natin kakilala?

Oo aaminin ko, nag-aalangan akong maikasal pero ang sakit-sakit para sa akin ang kalagayan ni Jonathan ngayon!

Para nitong pinipiga ang puso ko! Dahil hindi ko lubos maisip ganito na ba talaga ka-bait ang taong ito?!

Saglit kong tinitigan ang singsing na binigay sa akin, “Ang daya mo naman! Oo, hindi ako sigurado magpakasal sa’yo pero bakit naman ganito ‘yong ganti mo? Para mo saking pinapamukha na masasaktan at masasaktan ako ‘pag nawala ka!”


Bakit ganito, Jonathan?!

KundimanWhere stories live. Discover now