Abby’s POV
“Arghh! Go cutieee Franccooo!!”
Halos mapapaos na ako kakasigaw dito para i-cheer ang crush ko! May dala-dala pa akong banner kung saan nakasulat iyong nag-iisang pangalan ng pogi sa buong campus!
James Franco Velazques
“Omoo! Ang cute niya talaga bes! Lalo na ‘pag nagpupunas ng pawis!” ani Trisha.
Sinabunutan ko ito nang bahagya, “Hoy! Akin si Franco ha!”
“Ashumera! Ate ka n’yan hoy!”
“Aba kahit na!”
“Arrghh! 3 poiinnttss!!” sigaw niya.
Bigla akong napatingin sa court at doo’y ibinubuhat na si Franco my loves dahil siya ang dahilan ng kanilang pagkawagi!
Sumimangot naman ako nang kaonti dahil sa hindi ko man lang nakita ang huling pag-shoot niya ng bola!
Ito kasing si Trisha madalas nakikipagtalo patungkol kay Franco, ayan tuloy!
“Bleh!” pangangantyaw niya. “‘Di mo nakita ‘yong winning shoot niya ‘no?”
“Tse!” pinaikot ko ang mga mata ko sa kaniya. “Ikaw kasi!”
Ngumisi naman ang bruha na parang sa puntong ito ay lamang siya!
Siya si Trisha Valladolid. Naging kaklase ko siya simula last year. Bale tatlo kaming magkakaibigan, si Claire pa. Kaya lang ayon masama ang pakiramdam, naiwan sa clinic.
Mabait at mapagkakatiwalaan itong si Trisha kaya nga lang siya ang no. 1 karibal ko ‘pag dating kay Franco! Ay ewan! Basta ‘pag tungkol kay Franco my loves handa akong makipag-gyera kahit sa mga kaibigan ko pang ‘yan!
“Aha!” napangiti ako sa ideyang naisip ko!
“Trisha bes ‘lika!” pagtatawag ko na animo’y walang nangyaring bangayan sa pagitan naming dalawa.
“Oh ba’t ganyan ngiti mo? ‘Wag kang ano d’yan hindi mo nakita ang winning shoot ni Franco cute!”
“Gaga! Oo hindi ko nakita! Pero may plano ako!” bulong ko sabay tawa nang pang-kontrabida.
Iyong mukha niya ay parang hindi kumbinsido pero nilapit niya pa rin ‘yong tenga niya sa bibig ko.
“Siguradong sa CR ang deritso nila ngayon dahil magsisipalitan sila ng damit! At dahil mauuna ang CR ng pambabae bago ang sa kanila, madadaanan nila tayo!”
Kunot-noo akong tinitigan ni Trisha, “Papaano naman aber? Hindi naman sila papasok sa CR natin!”
Sinabutan ko ulit ang bruha gawa ng hindi gaano nag-gana ang utak!
“Malamang! Kaya ang gagawin natin ilo-lock natin ang sarili natin sa CR! Tapos kunware aksidente siyang na-lock tapos sisigaw tayo ng tulong! Edi syempre dadaan sila sa bandang iyon tapos boom! Magiging savior na natin si Franco! Oh my heart!” bulong ko sa kaniya habang nag-iimagine ng napakagandang fairytale sa buhay ko.
Napanganga ito, “Hooyy ang talino mo talaga Abby! Halika na bilis!”
Tumayo ako at kinuha na ang bag. This is it! My savior! Francoooo! <3
YOU ARE READING
Kundiman
Short StoryAng mga nobelang isinulat patungkol sa pag-ibig ay kalimitang nauuwi sa kasal. Ang iba sa kanila'y nagmula pa sa mga puppy love na itinatawag ngunit ang iba naman ay kusang umusbong nalang no'ng dumating ang takdang araw. Ngunit saan man sila na...