Jonathan Castillo’s POV
July 03, 2006
Mag-aalas ocho na ng umaga at heto ako ngayon tumatakbo pa rin papuntang classroom.
“Hala ka Jonathan! Yari ka na naman kay Abby!” sigaw sa akin ni Enzo nang makasulubong ko siya sa hallway.
Sa halip na sumagot ay tinanguan ko na lamang ito at mas binilisan pa ang takbo habang nagbubutones ng polo.
Si Abby.
Siya lang naman iyong masungit na babae na halos taon-taon ko nalang kaklase. Hindi ko nga rin alam kung bakit mula kinder hanggang ngayong highschool ay hindi nawawala sa landas ko.
Hindi naman kami nagkikibuan pero madalas ay magkatabi kami ng upuan. G-15 kasi siya at palaging B-15 naman ako.
Siya lang naman ang nag-iisang masungit na monitor namin na tapat na tapat kung magbigay ng report sa adviser namin patungkol sa attendance!
Ewan ko ba! Mukhang hindi siya napapagod sungitan kaming mga madalas ma-late at umabsent sa klase. Maganda naman siya, matalino, pero wala ata sa bokabularyo niya ang ngumiti, kaya walang sinuman ang nangangahas na lumapit sa kaniya.
“Mr. Castillo, you’re late again! Halos napapansin ko araw-araw ka ng late ha!” unang bungad sa’kin ni Mrs. Agoncillo, ang Filipino Teacher namin.
Hapong-hapo akong humakbang papasok at yumuko. Halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin. At syempre hindi ako makakatakas sa tingin ng monitor naming nakataas ang kaliwang kilay habang hawak-hawak ang ballpen at attendance sheet saka isusulat ang pangalan ko roon.
Ganito palagi ang eksena ‘pag umaga sa tuwing dumarating ako ng late. Dapat daw ay masanay na ako ikanga nila dahil halos wala naman na raw bago, pero ‘di ko alam. Hindi ko maiwasang manginig sa tuwing nagiging sentro ako ng atraksyon. Bigla-bigla na lang lalakas ang kabog ng dibdib ko at maya-maya lang ay mangangailangan na ako ng enhaler upang makahinga nang maayos. Dahil kung hindi, maaaring bumulagta na lang ako ng kusa.
“Take your seat, Mr. Castillo,” muling tugon ni Ma’am.
Mas iniyuko ko pa ang ulo ko saka naglakad papunta sa upuan. “Makikiraan,” tugon ko. Nakaharang kasi iyong bag ni Abby sa dadaanan ko. Nakasabit ito sa upuan ng kaklase naming nakaupo sa harap niya.
“Siguro walang orasan sainyo ‘no? Mapupudpod na ang ballpen ko kakasulat ng pangalan mo rito!” Umusog siya nang kaonti at saka ako dumaan at umupo.
Ngayon ang ikatlong araw ng Foundation Day sa eskwelahan namin. Ngunit kagaya dati, bago kami palalabasin para lumahok sa iba’t ibang activities ay tinitipon muna kami ni Ma’am Agoncillo rito sa loob ng classroom para sa attendance at para na rin bumili muna sa kaniya ng mga tinda niyang polvoron.
“Since you’re all here, pwede na kayong lumabas. This is the 3rd and last day of our school’s foundation day, and I want you to enjoy it! Maraming booths at mga tinda sa labas na pwe-pwede niyong bilhin pero bago iyan, walang lalabas sa classroom na ito nang hindi bumibili ng special manggulay polvoron ni Ma’am ha?”
Sabay-sabay na nagsipagkamutan ng ulo ang mga kaklase ko. Hindi naman kasi gaano masarap ang polvoron ni Ma’am pero ‘gaya ng sinabi niya, lahat kami ay obligadong bumili, kaya wala kaming magagawa kahit na hindi namin ito gusto.
YOU ARE READING
Kundiman
Short StoryAng mga nobelang isinulat patungkol sa pag-ibig ay kalimitang nauuwi sa kasal. Ang iba sa kanila'y nagmula pa sa mga puppy love na itinatawag ngunit ang iba naman ay kusang umusbong nalang no'ng dumating ang takdang araw. Ngunit saan man sila na...