04

3 1 0
                                    

Nagmistulang isang mahabang panaginip ang lahat. Hindi ko talaga alam pero hindi ko mapigilan ang puso ko sa kakangiti.



Mag-a-alas sais pa lang ng umaga pero buhay na buhay na ang katawan ko! Totoo nga ang sinasabi nila, kapag ikakasal ka na sa taong mahal mo, animo’y nakahiga ka na sa mga ulap. Sadyang hindi kapali-paliwanag!



“Pasensya na,” nahihiyang tugon ni Jonathan habang pilit ring inuusog ang sarili sa gilid ng selda, papalayo sa akin.



Hindi ko siya sinagot pero tinarayan ko siya. Ang panghi kaya! Sa edad niyang ‘to, naiihi pa siya sa pantalon niya?!


“Usap naman kayo, Abby!” sigaw ng isang lalaki sa labas.



Tila nasa loob kami ng show kung saan halos sila ay audience na nag-aabang ng susunod na eksena.


Sa totoo lang, pangarap ko naman talagang mabiktima ng Jail Booth eh! Kaya lang si Franco ang gusto kong makasama, hindi ang lalaking ito. Nakakadiri!



“D-dapat b-ba akong mag-sorry sa’yo?” tanong niya na para bang hindi siya sigurado kung dapat nga ba siyang magtanong.


Muli ko siyang tinarayan, “Natural! Ang panghi kaya ng ihi mo!”



Iniyuko niya ang ulo niya, “Pasensya na, hindi ko na kasi napigilan. Ihing-ihi na talaga ako.”


“Eh ba’t kasi hindi ka pa dumiretso sa CR niyo?”



“Eh diba sumisigaw ka ng tulong?” Napakamot siya sa kaniyang ulo habang dineretso ang tingin sa akin.


“Hindi naman ikaw ang inaasahan kong dumating!”


“Dapat bang may inaasahan ‘pag humihingi ng tulong?”


Hays. Napahinga na lang ako nang malalim. Papaano ko ba sasabihin sa lalaking ito na gawa-gawa lang namin iyong pag-lock sa mga sarili namin sa CR?



“Ah basta!” iritadong tugon ko. Masyado kasing pakialamero!



Maya-maya pa’y hindi ko sinasadyang mapatingin sa sapatos niya.


Aha! Tama! Ninakaw niya siguro ang sapatos na ‘yan kay Franco my loves ha! Kaya napagkamalan ko siyang si Franco!



“Teka...bakit mo suot-suot ang sapatos ni Franco ha?! Magnanakaw ka ‘no!”


“Ha? Ah eh hindi! A-ano ba-bang pinagsasab---”


“Magnanakaw!” sigaw ko sa publiko.


Agad ko namang nakuha ang atensyon ng lahat kaya’t dali-daling binuksan ang aming selda ng isang babae.



Dagli naman akong lumabas at tumakbo.


“Good decision, Abby!” bulong ko sa sarili.


Tumakbo ako nang tumakbo sa gitna ng napakaraming tao.


“Aray!” iritadong tugon sa akin ng babae nang aksidenteng maitulak ko siya.


“Sorry!” sigaw ko naman pabalik sabay takbo ulit.



“Oy si Abby oh tumatakas!” rinig kong sigaw mula sa malayo.


Mas pinatulin ko pa ang takbo ko papalayo sa kanila. Hapong-hapo na ako at halos hindi ko na maramdaman ang lupa!


KundimanWhere stories live. Discover now