08

7 1 0
                                    

Hola! Sorry for the late update, masyado lang maraming nangyari sa dalawang may-akda, pero no worries, we’ll gonna make it up to the end. Thank you for patience.😍 Again, under editing pa rin po ito, so, asahan ang mga minor errors.

Yun lang. Keep readingg! And graciás!





Buong buhay ko, ayaw na ayaw kong nagkakaroon ako ng utang na loob sa kahit na kaninuman. Kung si Jonathan lumaking matulungin, pwes ako hindi. Hindi ko rin gustong tulungan ako. Dahil hanggat maaari, hanggat kaya ko, hinding-hindi ko kakailanganin ang tulong na nagmumula sa iba.


Tanging si Jonathan lang ang pinagkatiwalaan ko nitong matigas na puso ko. Maraming may ayaw sa akin, kasi napaka-arte ko raw, napakasungit, napakayabang. Pero sa kabila ng lahat ng ito, ang hindi nila alam kaya ako ganito ay dahil sa pamilya ko.


Mula pagkabata, ipinamulat na ako ng mga magulang ko sa katagang "babae lang ako." At dahil babae ako, wala akong kwenta sa lipunan. Mahina ako. At pambahay lang ako.


Hindi ko gusto ang trato sa akin ng mga magulang ko. Palagi nilang sinasabi sa akin na hindi ako worthy unang-una, sa edukasyon, pangalawa, sa trabaho. Dahil ako'y isang hamak na babae na sadyang magiging ina lang ‘pag dating ng araw. Na hindi ko na kailangan pang magpursige, dahil hindi naman ako magiging padre de pamilya.



Kaya't pinangako ko sa sarili ko na papatunayan ko sa kanila, sa pamilya ko, sa lipunan at sa bubuohin ko pang pamilya na kaya ko. Kaya kong mabuhay na kahit walang tulong mula sa iba, kahit na babae ako.

Babae ako, pero hindi babae lang.






---

Pagkabalik ko sa kwarto ni Akin, ay wala pa ring pagbabago. Tulog pa rin siya na animo'y nakakawalang pag-asa na.

Kaawa-awang Athan. Hindi ko sukat akalaing mangyayari ang lahat ng ‘to dahil at para lang sa mga taong hindi niya kadugo't kakilala.

Inayos ko ang kumot niya at hinalikan sa noo, “Minahal, mahal at patuloy kang mamahalin, Athan ko.”

Marahan kong pinunasan ang luhang pumatak mula sa mga mata ko at dahan-dahang lumabas sa pinto. Naroon pa rin si Tita, mahimbing na natutulog na rin sa sofa, hindi ko na siya ginising pa para kahit papaano ay makapagpahinga siya kahit sa kaonting oras lang.


Tinahak ko ang daan papuntang chapel upang saglit na makapag-panalangin. Oo, lumaki akong hindi nais na humingi mula sa tulong ng iba, pero sa puntong ito, hindi naman siguro mamasamain ng Diyos kung lalapit ako sa Kaniya.


Alanganin pa ako kung dederitso ako papasok o hindi, pero baka tama si Akin, hindi ko hawak ang lahat sa mundo, na kahit gaano katatag ako, kailangan at kailangan ko pa rin ang Diyos sa buhay ko.

Taimtim akong umupo at nanalangin. Sa una ay walang kahit na anong salita ang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung papaano sisimulan. Ni hindi ko alam kung papaano makiusap sa Kaniya.

Umiyak na lang ako nang umiyak, hinayaan ang sarili na malunod sa mga luha dulot ng sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon.



Sa kalagitnaan ng tahimik na panalangin ko ay may naramdaman akong taong tiyak na pumasok rin dito sa chapel. Pero hindi ko na inaksaya ang oras ko para idilat ang mga mata ko at tingnan kung sino iyon, sa halip, mas minabuti ko lamang ang pakikiusap ko sa Ama.



KundimanWhere stories live. Discover now