09

3 0 0
                                    

Hindi na bilang sa kamay ang mga araw at linggong nagdaan mula nang madeklarang comatose si Jonathan. Bukod sa sarili niyang pamilya, mga doktor at nurses na ang nagsasabing isang himala na lang daw kung magigising pa siya. Sa totoo nga nyan, pwede na siyang brain dead dahil sa lala ng kondisyon niya. Isang pirma na lang mula sa mga magulang niya kung gugustuhin, ang kailangan para di na siya mahirapan pa.


Pero hindi. Walang ni isa sa amin ang sumusuko. Lahat kami naniniwala na darating at darating ang araw na muli namin siyang makakasama. Hanggat humihinga pa siya, alam kong pipiliin ng puso niyang tumibok para sa mga taong naghahantay sa kaniya.



Napahawak ako sa noo ko habang dahang-dahang hinihilot ito. Nasa loob pa rin kami ng kwarto ni Jonathan kasama si Tita at si Tito—Papa niya.


Kanina pa si Tita naglalakad pabalik-balik habang si Tito naman ay mariing nakaupo lamang sa sofa at nakayuko.

Halos mahilo na ako sa pabalik-balik na lakad ni Tita ngunit hindi ko naman siya mapigilan. Isa pa, napapagod na rin kasi ang pisikal kong katawan kahit sa pakikipag-usap. Halos ilang linggo na rin akong walang maayos na tulog at kitang-kita na rin talaga ang pamamayat ng pangangatawan ko, bagay na alam kong hindi magugustuhan ni Jonathan kung nakikita niya man ako ngayon.


“Hija,” panimula ni Tita. Bahagyang umangat ang ulo ni Tito at kumunot ang noo nito sa asawa.


“Hindi na kailangan,” pangunguna ni Tito sa dapat sanang sasabihin ni Tita.



Sa totoo lang, wala akong ganang makipag-negotiate sa usapan nilang dalawa, kung sasabihin ba nila sa akin o hindi. Kaya nanatili akong hindi umiimik dito sa gilid habang hawak-hawak ang kamay ni Akin.

Nagpakawala muna ng malalim na hininga si Tita bago sya pumwesto sa kabilang gilid ng kama.


“Saksi kami sa kung gaano mo kamahal si Athan, Abby.” Bakas na bakas ang pangingilid ng luha niya ngunit patuloy niya itong pinipigilan.


“Pero anak,” sa puntong ito wala na rin siguro siyang lakas para pigilin pa ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Maging si Tito ay tumayo na rin at inalo siya. Dalawa na silang nag-iiyakan sa harapan ko.


Sa totoo lang, kahit na hindi nila sabihin nang direkta, alam ko na ang ibig nilang iparating eh. Pero kahit na ilang araw na ito naglalaro sa aking isipan, hindi kayang isipin ng utak ko na ipo-propose ito mismo sa akin ng mga magulang niya. Mga taong dapat ay hinding-hindi sususko sa kaniya!


Tumayo ako at napalunok, “Hindi po.” Saglit akong huminto, “Kung hindi niyo na po kayang ipaglaban si Jonathan, pwes ako, gagawa po ako ng paraan. Kung kailangan ko pong magtrabaho araw at gabi, handa po akong sumugal para sa kaniya.”


Kinuha ko ang bag ko sa mesa, “Kaya pasensya na po, hindi po ako sasang-ayon sa plano niyong tanggaling ang tanging bumubuhay sa magiging asawa ko!”


Naglakad ako deri-deritso palabas ng pinto habang sapo-sapo ang dibdib ko.


Ang sakit.

Ang sakit-sakit na malaman na mismong mga magulang mo susukuan ka! Parang isang kirot na paulit-ulit kang sasaksakin sa oras na malaman mong dahil lang sa mga gabundok na bayarin na yan, hahayaan kang mamatay ng sarili mong mga magulang!

Naiintindihan ko naman eh. Alam ko, hindi ako bulag para makitang halos wala na talaga siyang pag-asang mabuhay pa! Pero sino ba kami? Sino kami para tapusin ang buhay na meron siya? Kaya pa namin gumapang! Pera lang ang kailangan! Kaya pa namin gumapang para sa perang yan!


Kung hindi nila kaya, pwes ako. Gagawa at gagawa ako ng paraan. Kung kailangan kong ibenta ang sarili ko sa kahit na kanino at kahit na saan, gagawin ko! Hinding-hindi ko susukuan ang lalaking ni minsan hindi ako sinukuan. Dahil oo, bagaman hindi buo ang desisyon ang magpakasal sa kaniya, alam ko sa sarili ko, dito sa puso ko, na mahal ko siya.











---

“Lunch budget meal, Miss. 50 pesos na lang, mahirap na kasi,  baka may isang kulangin na naman, magkakautang na loob pa siya,” pang-aasar niyang tugon habang nilalagay ang isang pagkain sa harapan ko.


Binuksan ko ang styro, at nagsimulang sumubo. Wala akong ganang magpakita ng kahit na anong reaksyon sa kaniya.

Nasa tapat kami ngayon ng stall niya, tapat lang din ng hospital. Sa wari ko, hindi naman gaano matao ‘tong tindahan niya. Halos wala naman kasing ibang bumibili dito, di ko rin alam kung bakit pa siya nag titiis sa kakarampot na kita niya. Alam na alam ko ‘to, dahil mula no’ng mahospital si Akin, dito na ako palaging kumakain. Wala na akong gana sa lahat, maging sa pagluto ng sarili naming makakain.


Uminom ako ng kaonting tubig, “May alam ka bang pagkakakitaan?”


Saglit siyang huminto sa paghuhugas ng pinggan sa loob ng stall niya. “Ako ba?” tinuro niya dibdib nya, “Ako ba kausap mo?”


Inirapan ko siya. Kaonting lakas na nga lang meron ako, nagagamit ko pa sa pag-irap sa kaniya.


“Malamang, may nakikita ka bang ibang tao bukod sayo at sa nag-iisa mong kostumer?”

“Ay grabe siya!” Muli niyang binuhay ang gripo, “Unang-una, sino ba nagsabi sa’yo na ikaw lang kostumer ko? Assuming.”

Nilagay niya iyong mga plato sa lalagyan sa likod niya, “Pangalawa, hindi ko bebenta katawan ko sayo no! Maganda ka lang, pero may dangal ‘to!” Inangat niya pa braso niya para magpakitang gilas ng muscle niyang sapilit.


Napangiwi naman ako. Hays. Bakit ba kasi sa dinami-daming taong pwede kong pagtanungan, ang jejemon na tindero pa to ang nadiskitahan ko!


“Sabagay, wala naman akong makukuhang matinong sagot sa jejemon,” tugon ko sabay subo ulit.


Halos mabitawan ko ang hawak kong kutsara nang bigla siyang umupo sa harap ko. “Hoy, miss! Hindi ako jejemon ah! Masyado naman atang mataas ang standard mo sa jejemon!”

Kaonti na lang talaga. Kaonti na lang maduduwal ko na lahat tong kinain ko sa pagmumukha niya.

“Pero, para sagutin ang katanungan ng isang masungit pero medyo magandang dalaga, oo, may alam naman akong trabaho.”

Kusang napa-angat ang tingin ko sa kaniya, “Talaga?”

Napasandal siya sa upuan at umupong pan de-kwatro pa, “Aba! Gipit ka na ata ha?”

Muli akong umirap, “Hindi na kaya ng savings ko ang pampagamot sa magiging asawa ko.” Tinaas ko ang palad ko para ipakita sa kaniya ang singsing.

Napaawang naman ang labi niya na para bang takang-taka na ang babaeng halos araw-araw niyang inaasar ay ikakasal na pala, kaso na-udlot nga lang.


“Himala!”

“Himala?” naguguluhang tanong ko.

Ininom niya iyong tirang tubig sa baso ko. Yuck! “Himala may lalaking magpapakasal sayo!”

Ay wow ha? Nakaka-offend.

“Di, biro lang. To naman! Syempre sa ganda mong yan! Kala ko nga sayo may anak na eh!”

Korni.

“To oh,” inabot niya sa akin ang flyer na hawak niya, “Gagawin ko sanang pamaypay yan mamayang gabi eh, pero baka kailangan mo.”

Kinuha ko ang flyer at binuksan ito, “Tourist Guide? Sa Albay?”

KundimanWhere stories live. Discover now