"Yehey, nanalo ako!." masayang sabi ni letlet at tumalon talon."Ang daya mo naman let eh!."
"Hindi kaya talo kayong dalawa at ako ang nanalo blee...."
"Tsk madaya ka hmp."
Magsasalita pa sana ako ng bumukas ang pinto pumasok roon si Dra. Cruz, nginitian nya kaming tatlo at nagsalita.
"Ayos ba ang pakiramdam ninyong tatlo?."
"Opo doctora." sabay naming sabing tatlo.
Tumango tango ito at tumingin sa akin.
"Ms. Mendoza, gusto kitang makausap yung tayong dalawa lang."
Sa sinabi nya ay bigla ako kinabahan, tumango ako at sumunod sa kanya. Pumunta kami sa kanyang office at saka ako umupo.
"Iha, hindi na ako mag paliguy-liguy pa pero malala na ang symptoms mo."
"Wala na po bang paraan doc para gumaling ako."
"Meron naman ang kaso malayo rito. sa davao iha, nandoon si Dr. Juan."
"Doc sa tingin nyo po ba makakaabot pa kaya ako ng isang taon o di kaya aa Christmas?."
Malungkot itong tumingin sa akin at umiling.
"I don't know iha, kumakalat na kase sa katawan mo ang sakit mo. You know kung anong symptoms ang leukemia."
"Ganun po ba, Pag iisipan ko muna doc, gusto ko pa pong lumaban para sa pamilya ko. May pangarap po akong gustong maabot para samin ng kakambal ko."
"Mabuti kung ganun, your so strong iha, laban lang."
Pagkatapos ng aming paguusap ay lumabas na ako naisipan ko puntahan ang room ni assiana. Sa pinakaitaas siya nakaratay, pagkarating ko ay binuksan ko yun at dahan dahang sinara.
"Bal." Tawag ko sa walang malay na kakambal.
"Kamusta...."
"Magpagaling ka."
"H-hindi kakayanin nila mama na mawala ka."
"Ikaw ang hinihintay nila."
"Huwag kang aalis ah, magpalakas ka."
"Hihintayin kita, naming magising."
Nagtagal pa ako roon ng isang oras bago ko ako bumalik sa aking room.
Pagkapasok ko sa aking room ay nag vibrate ang phone ko.
"Hello nay napatawag ka?."
"Anak busy kaba?."
"Bakit po may problema ba?."
"Oo pasensya na anak, andito ako sa probensya nanganak yung anak ko at kailangan ako. Walang tao sa bahay nyo at saka may sakit ang ate riccah mo eh wala akong mapabantayan."
"Nasan po sila mama? Sila kuya's?."
"Busy sila nak, nasa companya ang mama't papa mo. Ang kuya henry mo naman nasa school pa at si kuya skyler mo nasa hospital pa."
"Sige po ako na pong bahala sa bahay at kay ate."
"Salamat nak."
Matapos ng pag uusap namin ni nanay ay sinuot ko ang aking jacket at saka lumabas.
Walang may alam na lumalabaspasok ako rito sa hospital, sumakay ako sa taxi papunta sa village pagkarating ko roon ay binayaran ko na ang taxi saka ako pumasok.
Walang pinagbago.
Umakyat ako sa kwarto ni ate at saka kinatok.
"Pasok."
"Ate riccah."
"What are you doing here bitch." Masakit mang marinig yun pero sinawalang bahala ko na lamang yun.
"Tinawagan ako ni nanay na nagkasakit ka at---."
"Wala kang pake hindi kita kailangan rito, kaya ko sarili ko. Lumayas kana."
"Ate...."
"I said leave me alone shanna hindi kita kailangan!."
Napayuko lamang ako at kagat labi.
"Kung may kailangan po kayo nasa baba lang ako."
Pagkasara ko ng pinto ay bumuhos na ang luha ko, ang sakit sakit lang.
Nagluto ako ng sopas para kay ate, inihanda ko narin ang gamot nya sa lagnat pagkatapos maluto ang sopas ay umakyat na ako binuksan ko muli ang pinto nya sinamaan ako nito ng tingin.
"Ano pa't ginagawa mo dito ah? Hindi ba't pinapaalis na kita?! Umalis kana!."
"Aalis po ako rito ate basta kainin nyo ito para bumaba ang lagnat ninyo, inimonin nyo rin po yung gamot para gumaling kayo kaagad."
"Hindi ko kailangan ng tulong mo! MALAS KA SA BUHAY NAMIN! NANG DAHIL SAYO NAKARATAY SA HOSPITAL SI ASSIANA! SANA IKAW NA LANG ANG NANDOON HINDI ANG KAPATID KO!!!." sasagot pa sana ako ng sumigaw na siya "LAYAS!."
Bumuntong hininga na lamang ako at bumaba, sinuot ko na ang aking jacket at kinuwa ang phone.
Nakatatlong hakbang palang ako ng bumukas ang pinto.
"Shannara!." Sabay na sabi ni kuya sky at kuya hen.
"Magandang gabi po mama papa."
"Kailan ka pa dumating?."
"Noong isang araw pa po."
"At ngayon ka lang nagpakita." Galit na sabi ni papa.
"Sorry po pa, busy po ako nang dumating ako."
"Saan ka pupunta?." Tanong naman ni mama.
"Babalik po ako sa condo."
"Pwede ka namang mag stay dito."
"Kuya sky! alam mo, hindi kana dapat dito bumalik pa!." Inis na sambit ni kuya hen sa aming nakakatandang kapatid.
"Henry!." Pagbabanta naman ni kuya kay kuya hen saka nya kami tinalikuran.
Ngumiti lamang ako ng pilit sa kanila at umiling.
"Ayos lang po ako, kaya ko naman po ang sarili ko eh. Si ate nga po pala may sakit kailangan nya po kayo, sige po aalis na po ako."
Pagkalabas ko ng pinto ay tumakbo na ako palabas, naghintay pa ako ng ilang minuto bago sumakay sa taxi papunta muli sa hospital.
"Saan ka galing?." bungad sa akin ni letlet.
"Sa kwarto."
"Sigurado ka?."
"Oo nakatulog ako e, at saka nagpapahinga bakit?."
"Wala lang tara na manood tayo ng romantic."
"Masyado naman kayong adic."
"Ikaw rin naman ah."
Hinayaan ko na lamang siyang hilain ako papasok sa room ni patricia.
ೋ❀❀ೋ═══ • ═══ೋ❀❀ೋ
YOU ARE READING
Pain Series #1: WHY ALWAYS MY SISTERS [ON-GOING]
Teen Fiction[STORY DESCRIPTION] Her mother thinks she is unlucky. Her father was angry with her for no reason. Her brothers don't like her. Her twin was unconscious in the hospital. Her boyfriend will marry someone else. She had a anxiety. She had a depression...