CHAPTER05 𝙌𝙪𝙚𝙯𝙤𝙣 𝘾𝙞𝙩𝙮

7 1 0
                                    


Apat na araw na ang nakalipas nang magkita kami ni Timothy sa mall pero hanggang ngayon ay naalala ko pa din ang galit nyang mukha sa akin, tanggap ko at ako ang may kasalanan pero wala naman akong magagawa dahil ayaw ko siyang itali sa akin hanggang sa huli kong buhay kaya't habang maaga pa ay papakawalan ko na siya masakit mang gawin, tatanggapin ko.

Kinuwa ko ang aking cellphone ng mag Ring ito, tumatawag si kuya sky.


"Hello kuya".


'busy kaba?'.


"Hindi naman po bakit po?".

"Pumunta ka sa bahay, sumabay ka saming kumain".

Natuwa ako sa sinabi nito kaya pumayag ako at saka nya ito pinatay, dali dali akong pumasok sa banyo upang magbihis.


Hindi naman galit sa akin si kuya sky, sa totoo lang nga nyan kami yung close kesa kay kuya hen pero ewan ko ba kung paano nangyari at galit na galit silang lahat sa akin.


"Salamat manong".


Nag doorbell muna ako bago ito buksan ng isa naming kasambahay, ngumiti siya kaya nginitian ko rin pabalik. Nang makapasok ako ay nakita ko sa hapag ang pamilya ko.


"Good morning ma pa, kuya's ate".


"Tsk". hinirapan lamang ako ni ate riccah at umupo na'ko sa tabi ni kuya sky.


"Kumain na tayo". Malamig na sabi naman ni papa.


Nagsimula na kaming kumain nang tahimik, ang sarap. Na miss ko'tong luto nila.


Habang kumakain ako ay biglang may naalala ako.


"M-ma".


"What?".

"M-may trabaho po ako sa Quezon, k-kung pwede lang po sa inyong magpapaalam ako". Kinakabahan kong sabi sa kanya.



Nakatingin sila sa akin at saka ako yumuko.


"Okay". Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sagot nito.


"Kailan ka aalis?". Tanong ni kuya sky.


"Bukas ng umaga po".


"uuwi ka paba rto?".


"Opo pa, mag i-schedule po ako para makauwi rito".


Pagkatapos naming kumain ay umakyat muna ako sa aking kwarto, wala pa ding pinagbago.


Nandito ang mga picture naming mag pamilya, kasama naroon si kambal. sa isa naman ay kaming dalawa ni Timothy. ang sarap balikan ang nakaraan kung saan wala kang dinaramdam na sakit.


Umalis ako roon at kinuwa ang aking mga damit sa cabinet at nilagay sa isang bag, matapos kung ilagay ay bumaba na ako.


"Alis na po ako".

"Gusto mong hatid na kita".


"Hindi na kuya, kaya ko naman po sarili ko e".

"Mag ingat ka".


"Opo salamat kuya, alis na po ako".


"Aalis kana?". Ani ni pat ng makitang may isang maleta sa kama ko.

"Oo eh, mag ingat kayo dito".


"Mamimiss ka namin".

"Ako rin, ingat kayo".

Matapos naming magyakapang tatlo ay pumunta muna ako saroom ni assiana.


"Bal aalis ako kailangan ko ring magpagaling, iiwan muna kita dito magpagaling ka ah, hmm.".

Hinalikan ko siya sa nuo bago ako umalis, sinundo na ako ni Mr.Manzano siya ang maghahatid sa akin sa davao.


"Be careful in Quezon. Don't worry, the doctor is there to take care of you huwag mong kakalimutan ang gamot mo".


"Thank you doctora".






Nagising na lamang ako ng makarating na kami kaya bumaba ako na ako sa sasakyan, napapikit pa ako ng sumampal sa aking mukha ang napakalakas na hangin.


"Good afternoon Ms. Mendoza, good and you came".


"Yes doc".


"Come on, you need to rest because you had a long trip earlier".



"Okay doc, thank you Mr.Manzano".


"No problem Ms.Mendoza". Matapos kung magpaalam kay mr.manzano ay sumunod na ako kay dr.Juan.


Maganda rin dito sa hospital na pinag tatrabauhan nya, okay na rin'to sa akin.



"Dito ang room mo, may mga ka roommate ka naman rito. If you need anything, just come to my office".



"Yes doc".


Pagkapasok ko sa loob ay binaba ko sa sahig ang aking bagahe bago humiga sa single hospital bed ko at nakipagtitigan sa kesame.
















ೋ❀❀ೋ═══ • ═══ೋ❀❀ೋ

Pain Series #1: WHY ALWAYS MY SISTERS [ON-GOING]Where stories live. Discover now