Nandito ako ngayon sa mall namimili para sa birthday ni letlet, habang namimili ako ay may narinig akong pamilyar na boses."Thank you hon." Nilingon ko kung saan galing yun at yun na lamang ang pagkagulat ko ng makita ko kung sino.
'timothy'
Mapait akong napangiti habang pinapanood siya kasama ang babaeng yakap yakap nya, girlfriend. Mabuti at nahanap nya ang babae para sa kanya.
Pero bakit ako nasasaktan ng ganito dapat masaya ako para sa kanya, unti unting lumalandas ang patak ng aking luha sa aking pisnge na kaagad kong pinunasan. Maglalakad na sana ako ng makita kong nakatingin siya sa akin, nagulat ako pero kaagad ko inalis ang reaction ko at saka tumalikod.
Nang makaliko na ako ay tumakbo na ako papasok sa elevator buti at wala akong kasama sa loob kaya mapayapa kong binagsak ang aking luha.
Ang sakit sakit na kahit anong gawin ko para makalimutan siya hindi parin mawalawala, I'm sorry tim Patawarin mo ako.
Pagkalabas ko sa elevator ay lumabas na ako ng mall sa kasamaang palad may humablot sa aking kamay at hinagit ng malakas paharap sa taong humawak sa kamay ko, yun na lamang ang gulat ko.
"Tim."
"What are you doing here?." Inis at malamig na sabi nito sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking braso.
"A-ano n-nag---."
"Bakit nandito ka? Sinusundan mo ba ako ah?!."
"Ano ba nasasaktan ako!."
"Dapat lang na masaktan ka! Anong kailangan mo at nagpakita ka pa sa akin?!, Pagkatapos mo kong saktan haharap ka sa akin ah!!!."
"Bitawan mo ako." ani ko at binawi ang aking braso.
Sinamaan ko siya ng tingin bago yumuko.
"Hindi kana dapat bumalik pa kung inaakala mong babalik ako sayo at hahabulin ka. Nagkakamali ka dahil hindi na kita mahal katulad noon na para akong kabuting nakadikit sayo!." Masakit mang marinig yun pero binaliwala ko na lamang.
"Tapos kana?." Sambit ko. "Kung oo pwede na ba akong umalis."
"Huwag ka ng magpapakita pa sa akin."
Huling sambit nito at saka ito umalis sa aking harapan ng makaalis siya ay napaupo ako sa sahig at walang pasumbalik na napaiyak sa kalsada.
"Happy birthday Leticia Aquino! 19 years old ka na dai!." Masayang sabi ni Patricia.
"Salamat pat."
"Happy birthday let, stay strong at magpagaling ka."
"Ang sweet naman, thanks."
"Happy birthday nak, huwag mo kaming iwan ng tatay ah? Dapat kang magpagaling." sabi ng ina ni let sa kanya.
Nandito kami sa room nya kasama ang kanyang magulang kasama ang isa nyang ate at dalawang bunsongb kapatid.
"Opo nay, magpapagaling po ako."
Kinuwanan pa namin sila ng lirtato bago sila magpaalam.
"Masaya ka?." Tanong ni pat kay let at tumango.
"Yes, sobrang saya ko."
"Sa susunod ako naman ilang weeks na lang, sana pumunta sila mommy't daddy rito."
Hinawakan ko sa balikat si pat at nginitian.
"Tiwala lang pat, hindi ka nila nakalimutan."
"Salamat."
Pagkatapos nun ay nagsibalikan na kami sa kwarto, magkaharap lang ang kwarto naming tatlo kaya hindi kami nahirapang magkamustahan.
Pumasok ako sa banyo para mag toothbrush at maghilamos, nang matapos yun ay umupo ako sa hospital bed at napatingin sa madilim na kalangitan.
Bigla ko naalala ang pagkikita naming dalawa.
'sorry.'
"Ahhhhh!!!." napasigaw na lamang ako sa sakit ng aking likuran para itong pinag pira pirasu.
"T-tulong!!!! Letlet! Pat! Tulong!!! Ahhh!!!!."
Ilang sigundo pa lamang ay bumukas ang pinto at saka pumasok si Dra. cruz kasama ang dalawang doctor.
Naramdaman ko nalang na ininject nila ako at unti unting pumipikit ang aking mga mata.
Nagising ako ng may humahaplos sa aking buhok.
"Thank God at gising kana." sabi ni pat.
Umupo ako ng maayos at tinignan silang dalawa.
"Ayos lang ako, nakalimutan kong uminom ng gamot kagabi."
"Nara, pumayag kana kayang lumipat ng hospital. Nagaalala kami sayo e."
"Paano kayo?."
"Ayos lang kami dito, ang mahalaga ay ikaw. Kailangan mo ring gumaling."
"Hindi pwede let, baka anong isipin ng mga magulang ko kapag nandoon ako."
"Pero---."
"Gusto ko pang magpag isip ng mabuti, hayaan nyo muna ako."
"Okay kung may kailangan ka tawagin mo lang kami. Tara na pat."
Nang makaalis na sila ay niyakap ko ang aking tuhod at doon umiyak.
ೋ❀❀ೋ═══ • ═══ೋ❀❀ೋ
YOU ARE READING
Pain Series #1: WHY ALWAYS MY SISTERS [ON-GOING]
Teen Fiction[STORY DESCRIPTION] Her mother thinks she is unlucky. Her father was angry with her for no reason. Her brothers don't like her. Her twin was unconscious in the hospital. Her boyfriend will marry someone else. She had a anxiety. She had a depression...