The Lost Snow Princess and the Twelve Prince (TLSPATTP)
Chapter 9
[ Yuki’s POV ]
Argh! I hate it! I hate it! I sighed for the nth time already. Nakakainis kasi! Ililipat daw kasi ako ng dorm and department. That is why, I need to pack up my things. Hindi na ako sa Royal Department. Naging ka-close ko na kaya ang mga taga-RD. They are kind and they always give me a lollipop and candies! Sometimes, my locker would be full of chocolates and teddy bears. Ang sarap kaya ng mga chocolates (> 3<) Marami na din akong naging collections ng mga teddy bears sa room ko doon sa dorm and there are a lot of them. So, how can I bring all of them?
They also said to me that most of the students in the Special Royal Department have bad attitude. But the students there are good-looking. Mamimiss ko talaga ang mga taga-RD. Isang linggo ko kaya silang nakasama kaya naging malapit na din ako sa kanila. Oh! Hailem, Kristelle and including the Twelve Prince are from the Special Royal Department.
Pansin ko na iba ang kulay ng uniform ng Royal Department sa Special Royal Department. Pink sa SRD and Blue naman sa RD. Sa right side ng uniform ay may logo ng school at sa ibaba ng logo ay pangalan ng department kung saan ka nanggaling. Silver sa RD at Gold naman sa SRD. Sa mga lalaki naman ay yung name ng department lang ang magka-iba dahil nga Silver sa RD at Gold sa SRD. Black ang trouser nila at katulad lang sa mga babae ang upper nila pero black ang kulay ng necktie sa mga lalaki. (See Picture at the multimedia; Special Royal Department School Uniform for Girls)
And worst, iba din ang uniform ko! Wala sa mga nabanggit ko. Agaw pansin itong uniform na suot ko dahil iba ang kulay pati desinyo. Lahat ng mga taga-RD na madaanan ko ay sa akin napapatingin. Babae man o lalaki. Ayoko pa naman na ang atensyon ay nasa akin. Bakit kasi ganito uniform ko?!!!
Napabuntong hininga na lang ako at pumasok sa isang maitim na kotse. Malayo daw kasi ang Special Royal Department sa Royal Department. Inilagay din ang mga gamit ko doon sa kotse. Papunta kasi ako sa magiging bagong dorm ko daw.
May sumundo kasi sa akin kanina doon sa dati kong dorm at may dala itong uniform. He said I need to wear it. Para diretso na daw ako sa magiging bago kong classroom. So, I did what he said. Then, he helped me carry my things to the car.
Tumingin lang ako sa bintana ng kotse. Parang gubat ata tong dinadaanan namin. Mga kahoy lang kasi ang nasa paligid pero maganda ito tignan. Shortcut pala yung dinaanan namin dati papunta sa ‘hideout’. Yung hideout ay malapit lang sa Special Royal Department. Ei kung doon na lang kaya kami dumaan? Hindi yung sasakay pa ng kotse. Tsk.
“My Lady, is there something bothering you?” tumingin naman ako sa nagsalita. Si Sebastian lang pala. Siya yung sumundo sa akin kanina. Naka-upo siya sa passenger seat habang ako ay nasa backseat. Na-iilang talaga ako sa pagtawag niya ng ‘My Lady’ sa akin. Umiling na lang ako bilang sagot at ngumiti lang ito sa akin. “If you need something you can ask me, My Lady. After all, I am your butler” dagdag pa nito. Tsk! Butler niya mukha niya! Hmpf. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin ulit sa labas.
Ano ba naman itong paaralan na ito! May butler pa na nalalaman. I hate butlers. Tsk. Butlers and maid lang kasi ang kasama ko dati at lagi pa nila akong kinukulong sa kwarto ko. Si James kasi! Araw-araw laging may schedule like, dalawang oras mag-babasa lang ng libro tas maya-maya mag-aaral ng proper etiquette then pagkatapos music lesson na naman. Yung mga ganoon. Kaya ang boring! Bawal TV pero okay lang ang phone and other gadgets. Ano naman ang gamit ng phone ko kung wala naman akong contacts sa mga naging kaibigan ko? Si James lang ang naka-save doon. Pero ngayon ay marami na! Kekeke~