Chapter 11

548 19 3
                                    

The Lost Snow Princess and the Twelve Prince (TLSPATTP)

Chapter 11

[ Yuki's POV ]

"So let's continue our discussion on Thursday. You are now dismissed" sabi ni Sir Joe at lumabas sa Computer Room. Pupunta siguro siya sa office nila. Obvious naman siguro na siya teacher namin sa subject na Computer. Gustong-gusto ko talaga ang subject na Computer! Kaya lang ayaw ko sa typing. Mabuti na lang at Computer Programming kami ngayon!

Lahat ng mga rooms dito ay may AC pati na din sa Special Class Building. Inayos ko na ang mga gamit ko. Ganun din si Hailem. Magkatabi kasi kami ni Hailem ng upuan ganun din si Raine. Sa Left ko upuan ni Hailem at sa Right naman upuan ni Raine kasunod niya si Amber. Asking about Kristelle?

Ayun nasa harap ng white board ang upuan niya. Malayo yung upuan niya sa upuan namin. Nasa may likod kasi yung upuan namin. Katabi niya si Dynno at si Kuya Fred. Yup! Kuya ang tawag ko kay Fred because kilala ko naman talaga siya dati pa and mas matanda siya sa akin ng months. Siya din yung source ko ng ballpen! Hahaha

I really think Kristelle likes Dynno. Kung pagmamasdan mo kasi, si Kelle ay blooming pagkasama niya si Dynno. Pero mas boto ako kay Kuya Fred. Parang may gusto kasi si Kuya Fred kay Kristelle. Parang lang naman tas mas bagay tignan silang dalawa pag magkasama. Laging nabwibwisit si Kuya Fred kapag ang laman ng utak ni Kristelle ay nasa Mars! Just kidding!

Ang ibig kong sabihin, kapag ang bunganga ni Kelle (short for Kristelle) ay si Dynno Park. Palagi kasing sinasabi ni Kelle kaya it makes me think na may gusto talaga si Kelle kay Dynno.

Oh! Ang galing ko diba? Nakakapansin ako ng mga bagay-bagay. Kekeke~

Ilang araw na din ako dito kaya kilalang-kilala ko na ang mga tao na nakakasalamuha ko. Close na din ako sa Twelve Prince! Every weekend kasi doon ako tumatambay. Hihihi

Wala kasi akong magawa sa unit ko kasi kami lang dalawa ni Sebby doon. Ang tahimik lagi. Mabuti pa sa unit ng Twelve Prince! Ang saya-saya kasi doon. Tas ang kukulit pa nila! Lagi pa nga kaming naglalaro sa unit nila ng mga video games, hide-and-seek, at marami pang iba!

Kalaro ko lagi doon ay si Adrian, Astral, at si Tristan. Sa kalokohan naman ay sina Christian, Mhikey at Mhacky! Hahaha XD

Sa Sieben Kiseki naman, ang ka-close ko lang ay si Kiiro, Sushi, Kuro at si Feuer. Yung natitirang tatlo naman ay hindi. Si Eis kasi laging natutulog sa klase kaya di ko nakaka-usap habang si Shin naman laging kasama si Sei. Di talaga kami close ni Sei!

Back to where we left, yung iba kong kaklase sa Computer ay in-off na yung mga naka-on na mga Computers tapos lumabas na yung iba.

"YACS! YACS!" ang ingay naman ni Astral. Naglalaro siguro sila ni Lucas at Adrian. Ang ingay talaga kapag sila ang pinagsama lalo na kung andito pa yung iba pang members ng Twelve Prince. Kaya mga siguro tinawagang batch namin na pinaka-makulit at maingay na batch sa lahat.

Kahit simula pa ng pasokan, marami na kaming record sa guidance at paulit-ulit na lang kami pinapatawag sa office. Kahit kailan daw ay hindi pa nararanasan ng mga guro dito ang mag-handle ng batch na kasing gulo namin!

"Yacs, ba't ayaw mong tumingin sa akin?" Hala! Hala! Sinong kausap ni Astral? LQ? Hahaha!

"Ang cute niyo namang mag-LQ!" narinig kong sabi ni Belle, classmate ko. Nakatalikod kasi ako sa kanila dahil may inaayos pa ako sa loob ng bag ko.

"Oo nga! Tas ang cute ng tawagan! Yacs! Hahaha" tawang-tawang sabi ni Mari, classmate ko din.

Ano naman ang nakaka-cute sa 'Yucks'? Parang kinadidirian naman ni Astral yung tinatawag niya.

The Lost Snow Princess & The 12 PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon