Chapter 17

274 19 2
                                    

The Lost Snow Princess and the Twelve Prince (TLSPATTP)

Chapter 17

[ Yuki's POV ]

Waaahhhhh! OMG! Ba't siya andito?!

"CHRISTIAN?!"

Anong ginagawa niya dito? Ang aga pa kaya! 6 o'clock lang naman ng umaga. -_-

GRRR! Dahil sa kanya nahulog yung libro sa mukha ko. Langya! Narinig kong napatawa siya ng mahina kaya binigyan ko siya ng masamang tingin. Tinaas niya ang dalawang kamay na nagpapahiwatig na 'surrender'. Hmmmph! Magsasalita na sana ako ng pinigilan niya ako. "Before you react... Pfft! Go wash your face first"

Heh! Tumawa pa talaga siya nang malakas at humiga sa kama ko. Feel na feel eh 'no! Kama ko kaya yan! Tumayo ako sa kama at kinuha ko ang pinakamalapit na unan. "Heh! Umalis ka diyan! Kama ko 'to! Layas!" at hinampas ko siya gamit ang unan ko. Ayaw umalis eh! Pumikit pa nga eh! Siya talaga ang pinakamatigas ng ulo sa lahat.

"Hahahaha! Oo na! Aalis na!" at tuluyan na siyang umalis sa kwarto ko. Dami nga niya tawa eh! Ni-lock ko na ang pintuan baka pumasok yun bigla tas lalaitin lang ako. At least ako, hindi tumutulo yung laway tuwing natutulog. Hindi kagaya niya! Kinuha ko muna ang towel at nagsuot ng deer slippers bago pumasok sa CR at naligo.

Pagkatapos kong maligo, nagsuot ako ng isang baby blue na shirt na may mga black stars at nagsuot ako ng isang black short. Syempre, pinatuyo at  sinuklay ko ang buhok ko bago lumabas sa kwarto.

Pagkababa ko, ang gulo ng sala. Kanino bang sala ang hindi magugulo kung andito sila? Welcome na welcome kasi sila dito kaya kahit anong oras susulpot sila dito sa unit ko.

"Hey! Good morning" bati sa akin ni Kristopher. Siya lang ang nakapansin na andito ako. Busy yung iba eh! Bumati naman ako pabalik  sa kanya. Tinanong ko siya kung bakit sila andito pero di niya ako sinagot at umalis. Okay... Nice talking, dude.

Pumunta ako sa kusina baka andoon si Kuya Sebby. Kaya lang wala si Kuya Sebby. Ang nakita ko lang ay si Lance na busy na nagluluto. Napansin ata ako ni Lance dahil bigla siyang nagsalita. "Si Sebby nga pala, wala. Bumili muna siya ng groceries dahil naubusan na daw kayo ng stocks. Mabuti nga at may natira konti para sa breakfast natin" sabi niya habang nagluluto. So, dito sila kakain ng breakfast?

"Hyung! Ako na dyan" narinig kong pag-volunteer ni Drake na nasa likod ko pala. "Good morning" bati niya sa akin at ngumiti lang ako bilang tugon. Nilapitan niya si Lance at tumulong. Tumulong na din ako at kumuha ng mga pinggan.

Binilang ko muna kung ilan kami at hinanda ko na ang mesa. Pumunta muna ako sa kusina baka kasi kailangan ni Lance ng tulong.

"Yuki, paki-tawag nga sa kanila. Sabihin mo na kakain na tayo" utos sa akin ni Lance at tatawagin na sana sila. Kaya lang naka-upo na pala sila ng maayos sa mesa at handa nang kumain. Hindi ko pa nga tinawag! Ang lakas ng pang-amoy sa pagkain ah! Hehehe.

"Good morning, Yuki!" - Mhikey

"Good morning, Yacs!" - Astral

"Morning, Yuks!" - Mhacky

"Good morning! - Xander

"Wassup!" - Tristan

"Morning" - Adrian

"Hey!" - Ash

"Musta ang morning face? Hahaha" - Christian

Inirapan ko lang si Christian. Napatingin ang lahat sa kanya. Tawa kasi ng tawa! "Hahaha! Dont worry, cutie pie. You're still pretty!" at nang pagkasabi niyang iyon. Nakatanggap siya ng maraming masasamang tingin.

The Lost Snow Princess & The 12 PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon