The Lost Snow Princess and The Twelve Prince (TLSPATP)
Chapter 10
[ Yuki's POV ]
WWWWAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!
Muntik ko ng maibuga ang ininom kong tubig ng may nakita akong kakaiba. Lahat sila ay napatingin sa akin at natigilan sa mga ginagawa nila. Lumaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon.
B-bakit lumulutang yung libro ng lalaki and napapaligiran ng flying objects??? A-at si Mhacky ay naglalaro ng apoy sa kamay niya??? Lumaki yung mata niya ng makitang nakatingin ako sa kanya. Napansin ko din si Christian na may kuryente sa hintuturo niya at pilit na inilalapit sa isang lalaki ay nahinto sa ginagawa niya. Nilibot ko ang paningin ko at nandito sa loob andito yung lalaking hindi magkakulay ang mata na nakatutok lang sa chess board na nilalaro niya. Habang ang lalaking kalaro niya ng chess na nakasuot ng eyeglass ay nakatingin sa akin.
W-what are they?!
Nabalot ng katahimikan ang loob ng silid. Kumunot yung noo ko. Tumingin sa akin yung lalaking hindi magkakulay ang mata. He grin. Parang alam na alam niya na dadating ako at ito ang makikita ko.
W-who are they?
"Oh! There you are Ms. Ford. Nice to meet you!" narinig kong sabi sa may likuran ko at nakita ko ang isang lalaking may ka-edaran na. "N-nice to meet you, Sir" sabi ko naman sa kanya at nag-bow bilang respeto. Siya ata si Sir Cain Minemitsu.
"What do we have here? Bakit may mga flying objects na lumulutang dito, Mr. Phantomhive? Is that your way greeting our new student? Mr. Ferrer, do you know playing fire is dangerous?" calmado nitong sabi ng makita niyang ang nangyayari dito. Parang sanay na sanay na siya sa nakikita niya.
What is happening?! OP na ako dito!
Lumakad si Sir Cain sa may teacher's table at inilagay ang dala nitong files, i think. Nagsignal siya na lumapit ako sakanya. Kaya lumapit ako sakanya habang si Sebby naman ay nakatayo pa din malapit sa pinto. Napansin ko na ang lahat ay nagsi-upuan na.
"Class, this is Yuki Xayne Ford. Please introduce yourself one by one, Class. Let's start with Mr. Yoshida" sabay turo sa lalaking may yellow eyes. Tumayo siya at medyo matangkad siya. Mukhang cheerful kasi nakangiti ng masigla eh!
"Hello there, little one! Im Kiiro Yoshida! Nice to meet you!" sabi niya sabay ngiti ng malapad. Ngumiti ako ng konti sa kanya. Nakakahawa kasi yung smile niya. Hehehe.
"Im Ash Valdez. I know that you know me" sabi niya ng tumayo siya at umupo pagkatapos. Siya yung mukhang anghel!
"Im Tristan Salvador" i already know him. He was the one that has cool eyes, remember?
"Lucas Phantomhive" maikling sabi ng lalaking may nakapaligid na flying objects kanina at hindi man lang tumayo. Binigyan niya ako ng napakasamang tingin ULIT. Naiirita talaga ako sakanya! Siya kasi yung laging nakatingin sa akin ng masama noong nasa hideout pa ako. I REALLY HATE HIM!
Binigyan ko din siya masamang tingin. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Anong akala niya sa akin? Hindi marunong ng ganun? For your information, specialty ko yan! Hmmppff!
Tumayo na yung lalaking susunod na magpapakilala. Familiar lang sa akin ang mga mukha ng mga nandito but i dont know their names. Nabigla ako ng biglang naglaho siya. Eh? Nasan na yun? Nilibot ko ang paningin ko. Pero wala talaga siya.
Nagulat ako ng may yumakap sa akin at may nagsalita.
"Hello Cutie Girl! Im Astral Michaelis" sabi niya sabay smile pero nakayakap pa din siya sa akin. Siya yung tinuro ni Drake kanina nung nasa fountain pa kami.