Chapter 15

252 16 2
                                    

The Lost Snow Princess and the Twelve Prince (TLSPATTP)

Chapter 15

[ Xander's POV ]

"Kuya Xander! I hate you! Why did you froze my lollipop? You always froze my lollipops!" naiiyak na sabi sa akin. Napatawa ako ng mahina dahil sa inaakto niya. Ang cute niya kasi. "Too much sweet is bad, baby. You know that, right?"

"But... Christian said it's alright!" naka-pout niyang sabi. Ang cute niya talaga kahit kailan. At ang tigas ng ulo ni Christian kahit kailan. Hindi talaga yun nakikinig sa akin kahit kailan. Ako kaya ang nakakatanda sa kanya. Patay talaga sa akin yung Christian na yun.

"No, its not alright baby. I will let you eat this, if you promise to brush your teeth afterwards"

Lumawak ang ngiti niya pagkarinig ng sinabi ko. "Kuya Xander! I'll promise to brush my teeth!" tumatalon pa siya habang sinasabi yun. I really can't stand her cuteness. Pagkabigay ko ng lollipop sa kanya, syempre hindi na nagyeyelo yun. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I love you, Kuya Xander! You're the best!" sabay halik sa pisngi ko at tumakbo. That girl!

"Kuya Xander... Do you believe me?" umaagos ang luha niya habang sinasabi niya iyon. "No. Why would i believe to a person like you? Its just a waste of time"

"Kuya! Nagsasabi ako ng totoo!"

"I dont care!"

"Kuya... I have something for you" binigyan niya ako ng lollipop na nababalotan ng yelo. "Ano naman ang gagawin ko dito?!"

"Just... just keep it"

* * * * * *

"Xander hyung! Buti naman at gising ka na! Alam mo bang nag-alala kami ng sobra!" sumakit ang tenga ko dahil sa lakas ng boses. Nang imulat ko ang mga mata ko nakita ko agad ang mukha ni Christian at ni Mhac. Kaya naman pala maingay. Bumangon ako sa pagkakahiga at napansin na hindi ko pala ito kwarto. "Where am i?"

Sinabi nila lahat ang nangyari sa akin kanina at pati ako nagulat sa sinabi nila. Wala kasi talaga akong naalala tungkol doon. Ang naalala ko lang pumunta kami sa unit ni Yuki at ang pagtawag sa akin ni Yuki bago ako mawalan ng malay. Pag pilit ko namang alahanin ang nangyari kanina ay sumasakit naman ang ulo ko. Kaya minabuti ko na lamang hindi alahanin ang nangyari kanina.

Umalis muna saglit sina Mhac at Christian upang ipaalam sa iba na gising na ako. Nang makaalis na ang dalawa, humiga ako ng maayos sa higaan ng clinic at napatitig sa kisame. Napabuntong hininga ako at tinitigan ang kamay ko.

Naalala ko ang tinanong ni Christian sa akin kanina na hindi ko nasagot. Yun ay ang tungkol sa lollipop na hawak ko kanina. Nabigla naman ako sa tinanong nila sa akin kanina.

Sa tingin daw kasi nila, konektado ang lahat ng nangyari kanina sa lollipop na hawak ko. Titig na titig daw kase ako sa lollipop at sa katititig ko sa lollipop ay nabalotan ito ng makapal na yelo. Sa tingin din nila na ang lollipop na iyon ang dahilan sa nangyari kanina.

Lollipop

Isang salita lang iyan pero apektadong-apektado ako. May naalala lang kasi ako sa lollipop.

Napangiti ako ng mapakla. Naramdaman ko ang biglang pagkirot ng puso ko. Marami akong alaala sa lollipop. Masayang alaala, malungkot at masakit na alaala. Nakaramdam ako ng pagka-miss.

The Lost Snow Princess & The 12 PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon