Chapter 19

292 14 9
                                    

The Lost Snow Princess and the Twelve Prince (TLSPATTP)

Chapter 19

[ Yuki's POV ]

"Hello there, Ms. Ford" bungad sa akin ng isang lalaking nakasuot ng white coat at may dalang mga papel. Who is he? Nagulat ako ng tumawa siya bigla. Binigyan ko siya ng weird look. Is he a crazy person?

Nilibot ako ang paningin ko. So, here I am again. Lagi na lang ba? "Suki ka na talaga dito, ano? Una yung sa party, pangalawa naman ay nung sa unit mo at ngayon naman. Mahal mo siguro itong clinic. Hindi naman kita masisi dyan. Ang gwapo ko din kasi!" sabi niya at tumawa ulit. Ang creepy niya at ang daldal pa.

"Ay! Hehehe! Ako nga pala si Doc Thor. Pangalan ko pa lang malalaman mo na doctor talaga ko. Thor, Doc Thor" at tumawa ulit siya. Nalaman ko din na ginamot pala ni Lance yung mga sugat at galos ko kaya pala wala na akong nararamdaman sakit sa likod. Except sa noo ko. Hindi nagamot ni Lance kanina dahil nagkaroon daw ng emergency at kailangan niya munang umalis.

Nakarinig ako ng malakas na ingay at napatingin ako sa labas. Ano yun? Napansin kong napabuntong hininga si Doc Thor. Lumaki yung mata ko ng ma-realize ko kung ano yung malakas na ingay.

"Where's Draggy???" tanong ko kay Doc Thor. "Sinong Draggy?" narinig kong tanong ni Mhikey na kakapasok lang at kasama si Kristopher. "Yung dragon na nagligtas sa akin..." mahinang sabi ko sa kanila at nagkatinginan silang tatlo. "What?"

"Alam mo bang delikado ang dragon na iyon? Bakit ka kasi nagpunta doon? Mabuti na lang at hindi malala ang natamo mong sugat" galit na sabi ni Kristopher at napansin ko na wala na pala si Doc Thor. Ngayon ko lang nakitang galit siya sa akin. Tahimik naman kasi siya lagi at madalang lang kami nag-uusap.

"Alam mo bang muntik na akong himatayin ng malaman ko na hawak ka ng isang delikadong dragon sa himpapawid!!! Alam mo bang muntikan na akong atakihin sa puso ng bumagsak ka kasama nung dragon. D*mn! Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo? Kung gaano kami nag-aalala sayo..." napayuko ako sa mga sinabi niya.

I didn't mean it. Hindi ko alam na mag-alala pala sila ng sobra. Hindi ko din alam na may nabubuhay na dragon dito sa mundo at hindi kathang-isip lamang. Naramdaman ko na may yumakap sa akin ng mahigpit. "But I'm still happy that you're safe. I'm happy that you're back..." bulong niya sa akin at bumitaw sa pagyakap sa akin at ngumiti.

Kristopher Ceihei just smiled at me. O.O

Am i dreaming???

* * * * * *

"Aray! Mhikey!!! Masakit!" maluha-luhang sabi ko sa kanya. Waahh! Ayaw ko na!!! Kanina pa 'to eh! Ang tagal matapos! "No! I won't stop until you I finish this masterpiece of mine!"

Ang OA naman nito! Masterpiece daw! Suntukin ko kaya to! "Finally! Tapos na!" masayang sabi niya sa akin. Dali-dali akong tumayo at pumasok sa banyo ng kwarto ko. Andito kami ngayon sa unit kasama si Adrian na alam kong naghihintay doon sa sala. Si Kristopher naman ay umalis nagwawala na naman kasi daw si Draggy. Sinundo siya ni Astral kanina tas nag-teleport.

Pupunta nga ako doon ngayon kaya lang natagalan dahil kay Mhikey. Kainis!

Siya masaya pwes ako hindi! Hmmph! Kainis! Nilagyan lang naman ako ng make-up sa mukha at ang pinaka-ayaw ko... Eyeliner. Hindi ako sanay maglagay ng eyeliner kaya laging naluluha ako kanina. At ang sakit pa sa mata!!!

Nang malaman ko kanina ang gagawin niya sa akin ay hinay-hinay kong nilayo ang eyeliner gamit ang kapangyarihan ko sa pagpapagalaw ng mga bagay gamitang utak ko at itago kaya lang makita niya yung ginawa ko.

The Lost Snow Princess & The 12 PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon