7

52 4 0
                                    

"Tok.. Tok.." matutulog na sana ako nang biglang may kumatok. Hindi na ko nag-abalang alamin pa kung sino ito, wala naman akong planong pagbuksan kung sino man siya.

"Heaven kahit hindi mo to bubuksan, papasok pa rin ako, i have the spare key to your room."Pinatunog niya pa ang susing dala niya

Ano bang gagawin ng lalaking to at nasa kwarto ko des oras ng gabi?

Naparolyo nalang ako ng mata saka pinagbuksan siya."Bakit ba? Gabing gabi na wonwoo." reklamo ko sa kanya. Pero parang wala siyang pakialam at dire diretso lang ang paglalakad niya papasok sa kwarto ko.

"Hindi ka sumabay samin kanina, you haven't eaten anything. Here, i cooked for you." sabi niya sabay lapag ng pagkain sa mini table. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Bakit?" Tanong niya.

Galit ako sa kanya pero hindi ko pwedeng tanggihan ang pagkaing inooffer niya, maliban sa gutom ako, mukhang masarap pa ang niluto niya. Nangako akong never ko nang lulunukin ang pride ko sa mga taong minsan naging parte ng nakaraan ko pero ito ay talagang... Hindi ko kayang palagpasin.

"Ano ba yan?" tanong ko habang hinihila ang upuan papunta sa mesa.

"Pork cutlet saka pritong itlog, pasensya ka na yan lang ang kayang lutuin ko." umupo siya kama ko.

Nagthumbs up lang ako at nilantakan na ang pagkaing dala niya, buti nalang at niramihan niya ng sandok ang kanin.

"Ano? Masarap ba?" tanong niya sakin nang matapos na 'kong kumain.

"Walang hindi masarap sa gutom." napangiti naman siya sa sagot ko.

"Pero infairness ha, may iba ka nang alam lutuin maliban sa ramen." pagpuri ko sa kanya. I don't know why im talking to this man casually when he literally left me a bad memories 5 years ago. Ewan kung bakit parang komportable ako sa kanya. Buong araw kong iniisip kung paano magiging uncomfortable ang panunuluyan ko dito dahil ka tenante ko siya, ang ex ko.

This feels so unreal, parang hindi ko siya iniyakan ng batya batya noon.

Komportable nga ba ako o nagiging marupok lang ako?

Well, i hate the two of them. I shouldn't let my self to take his trap. Kahit pa dalhan niya ko mg isanlibong lanyera ng leche flan it would never change a fact that he left me behind.

Pero kung magiging sad girl ako at hindi siya papansinin dahil sa nakaraan namin, baka isipin niya na affected parin ako sa kanya, sa past naming dalawa.

Tama, I should play cool about it. Im 25 years old, i should know how to handle this. Wala akong mapapala kung magpapaka immature ako.

"Nakwento sakin ni joshua kanina, sa kanya ka pala nagtatrabaho." pag oopen ng topic ni wonwoo.

"Ah oo, nireto lang rin ako ni hoshi sa caffee niya." sagot ko sa kanya.

"Mabait si joshua, isa siya sa mapagkakatiwalaan rito sa bahay. Kaya wag kang mag-alala, your safe with him." Napatingin ako kay wonwoo. Totoo naman ang sinabi niya, mapagkakatiwalaan talaga si siya.

"Ah ganun ba? Mabuti naman." kunwari ay napanatag ang loob ko. Ayokong mabuking niya nasi joshua at iba pang kasama niya rito sa bahay pati na rin ang landlord niya ay naging parte ng past relationship ko.

"Wag kang basta bastang magtitiwala sa mga tao rito heaven, lalo na yung hambog na tsinong naka cellphone, layuan mo yung lalaking yun." payo niya.

Syempre lalayuan ko talaga ang lalakeng yun! Hindi ko na ulit hahayaan ang sarili kong mabastos ng feeling pogi na lalaking yun! Si jun!

"So sinasabi mo hindi rin dapat ako magtiwala sayo?" pamimilosopo ko.

"Well, hindi naman sa pagmamayabang pero isa rin ako sa mga mapagkakatiwalaan rito sa bahay, hindi ko nga pinagkalat yung confession ni hoshi na siya yung naka bara ng toilet noong nakaraang buwan." Bigla naman akong natawa sa sinabi niya. Gago kailan pa natutong mag  joke 'tong emo na
'to?

"Pero seryoso talaga? Bumara?" Tanong ko. Tumango naman siya. Tamang tama, magagamit ko itong pang block mail sa kanya in the future.

Ngayon lang ako nakatawa ulit ng ganito. Sa lahat ba naman ng mahihirap na pinagdaanan ko, wala na kong oras para tumawa.

Hindi naman siguro masamang pakikisamahan ko ang lalakeng ito.

Aaminin ko kailangan ko ng mga kausap na katulad niya. He's genuine with his words but funny at the same time. If i'll forget my past memories with him, i think he'll really be a great friend.

Pero pwede pa naman sigurong mangyari yun kahit alalang-alala ko pa  yung memoryang yun, diba?

"You can trust me heaven, ill be always in your side no matter what." he smiled.

"Alas dyes na pala, matulog ka na. Good night. Sleep well, heaven." kinolekta na niya ang mga pinagkainan ko saka lumabas na.

Bumalik ako sa kama ko at humiga ulit. I hope i can sleep well too wonwoo. Pero sa sobrang daming nangyari sakin ngayong araw, imposibleng makatulog ako ng payapa. Hindi pa nga ako nakakatulog pero pakiramdam ko binabangongot na ako.

Sana nga bangongot lang ang lahat ng ito.

.....

Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng bigat sa may dibdib ko. Kabigat naman nitong unan ni jeonghan!

Nakapikit parin ang mata ay siniko ko ang mabigat na unan.

"Babe, wag malikot.. masakit.."

Agad nagising ang diwa ko nang mapagtantong hindi pala unan ang nakadagan sa may dibdib ko.

Gago! Anong ginagawa ng lalakeng to rito?!

Tenant #13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon