Nakasakay nako sa kotse ni joshua. Pupunta daw kami sa mall para bumili ng mga kailangan at materials para sa make over ng coffee shop niya.
Kahit wala nako sa bahay, hindi ko parin mapigilang pag overthinkan ang mga bagay-bagay. Akala ko sa pagtatrabaho ako ma iistress, sa pagtira pala sa bahay ni jeonghan kasama ng mga lalaking iyon.
I tried to distract myself by peeking at the window. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko talaga mapigilang isipin ang mga posibleng mangyari pa sa loob ng bahay na yun.
"You're spacing out so much, may problema ka ba heaven?" Oo, kayo.
"wala, okey lang ako." i lied. He just nodded at ibinalik ulit ang atensyon niya sa daan.
Napakatahimik naman sa kotse. No one dared to talk. Pero mas okey na to, kesa naman nandon ako sa bahay, nakakasakal.
I want to live a comfortable life, pero sa sitwasyon kong ito napakaimposible. Well, kailan ba ako namuhay ng tahimik? Simula noong sumama ako sa mama ko nagkandadelitse letse na ang buhay ko. Siguro kung hindi ako umalis noon hindi ako mamumuhay sa pagsisisi ngayon.
Nakarating na nga kami sa mall. Grabe, sa mamahaling department store pa kami pumasok. Dati rati hanggang lagpas lang kami sa mga tindahang to.
"Y/n, tulungan mo naman ako mamili ng mga magandang tasa, alam mo namang wala akong ka taste taste sa mga gantong bagay." joshua held my hand at saka hinila ako papuntang tasaan.
"Alam ko, wala ka ngang pakialam kahit pinaiinom kita sa tasa ng cup noodles noon." i chuckled. Tumingin siya sakin at nginitian ako. "Im glad you still remember those days."
Napatigil ako sa paglalakad nang marealize ko ang sinabi ko. Why am i suddenly bringing out those memories? In front of him. Parang gusto ko biglang sabunutan ang sarili ko sa hiya.
Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko saka nauna nang maglakad. Mas lalo akong nainis nang marinig kong tumawa siya.
Nang matapos na kaming mamili ng mga kailangan namin ay dumiretso na kami sa coffee shop niya.
Hindi naman outdated ang interior ng coffee shop ni joshua, napaka ilegante nga nitong tingnan saka napakalinis. Napaka overrated lang kasi ng look ng shop niya, kailangang may baguhin para pumasok sa mga taste ng mga tao, lalo na sa mga kabataan.
We changed the wallpapers, installed LED lights, rearranged the chairs, we did everything we can revise to fit his coffee shop in the present's taste.
"You guys did great, kaya pabiling kape." napalingon kaming pareho nang may biglang nagsalitang lalake sa likuran namin.
"Seungcheol, akala ko ba hinding hindi ka iinom ng kape ko? ." joshua laughed and approached the man.
Gago, akala ko safe na ko rito sa coffee shop ni joshua, hindi pala.
"Syempre joke lang yun, hindi ko pwedeng tanggihan ang libreng kape mula sa kaibigan." Seungcheol poked his chest.
"Wala akong naaalala na sinabi kong libre ang kape rito Mr. Choi. Bussiness man ka, hindi ba nakakababa ng dignidad na nagpapalibre ka ng kape sa small business owner na katulad ko?" joshua poked him back. Sa nakikita ko, mukhang matagal na silang magkakilala. Tadhana nga naman.
"She's Heaven right? Nagtatrabaho pala siya dito?" ngayon sakin na sila nakatingin. Parang gusto kong manood ng tutorial sa youtube kung pa'no mag teleport.
"Yeah, she is. Nakakatuwa nga eh kasi nasa iisang bahay lang din kami." joshua replied.
"Isang macha frappe nga sakin." napatingin ulit kami sa may entrance. Its wonwoo,smiling towards us.
"Heaven, you're here." He waved at me. Hindi ko alam pero gumaan ng konti ang loob ko nang makita ko siya.
Pero teka hindi ko dapat nararamdaman to, kilala niya ang ibang mga ex ko!
"Heaven, ikaw na ang bahala sa order niya. Saka pa add narin ng dark coffee para kay cheol." tumango naman ako saka pumunta na ng counter para gawin ang kape nila.
"Baka nilagyan mo ng lason yang frappe ko ha, wa'g po gusto ko pang magka anak." Nakakatagos ng buto ang mga biro ni wonwoo. Hindi ganito ang wonwoo na kilala ko, gago ilayo niyo ito sakin!
"Tulungan na kita, gusto mo?" sinubukan niyang kunin ang lagayan ng yelo, pero pinigilan ko ito.
"Bumalik ka na roon, costumer ka diba? Saka ano bang alam mo sa paggawa ng drinks, ni pagtimpla nga ng 3 in 1 hindi mo kaya." pagmamasungit nito.
"Bumalik ka na ron, baka ikaw pa maglason sa sarili mo." natawa naman siya ng bahagya at saka pumunta na sa table kung sa'n nakaupo sila joshua, napansin ko naman ang malalalim na titig sakin ni seungcheol, damn. Napailing nalang ako saka binalik na ang atensyon ko sa kapeng ginagawa ko.
"Ito na po ang order niyo." sabi ko habang inilalapag na sa table ang mga orders nila.
Aalis na sana ako nang biglang may humila sa kamay ko. Shit..
"Heaven dito ka muna, para naman makilala mo sila cheol at wonwoo." kilala ko na sila gago.
"Oo nga, magkwento ka samin about sa buhay mo heaven." Seungcheol butted then smiled at me.
"wag kang mahiya, upo ka." he added. Shuta yung katabing upaan nalang niya yung available! Ngayon, tanggap ko nang hindi ako favorite ng tadhana!
Wala na akong ibang magawa kung hindi maupo na lamang. Shutacca kung nagiging invisible lang ako kanina pako nagdabog sa harapan nila!
"So say something about yourself." Seungcheol leaned his chin to his palm and looked at me. They're all looking at me. I really hate this kind of attention, hindi ko kayang i handle ang atensyong natatanggap ko ngayon, i feel suffocated.
"I am Heaven dela Rosa, 25 years old and im- uhm.. ah... I like skies." i saw him chuckled in my peripheral vision.
"Are you nervous?" seungcheol asked. I looked at him. Sarap pakyuhan nito.
"I am telling you, there's no reason para kabahan ka samin. We're good guys. You can talk casually to us, we want to be your friend tho." He said with a grin on his face. Both wonwoo and joshua nodded, agreeing at him.
"So now, can you tell us about your past relationships? Your exes?" he smirked.
Puta. Gusto ko nang umalis rito!
BINABASA MO ANG
Tenant #13
Fanfiction"You can't leave without choosing one of us." In which Heaven has to live with her 13 exes under one roof.