14

44 4 3
                                    

"Yoww.. Sabi ni joshua sumabay ka nalang daw sakin." Napakunot ako ng noo nang bigla akong akbayan ni jeonghan.

"May kikitain daw siya ng maaga eh, kaya hatid nalang daw kita, nasayo naman daw yung spare key ng shop. Ang galing niya no? Makapang-utos parang hindi niya ako landlord, hindi mo nga ako inuutusan noon eh" Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa balikat ko pero mas hinigpitan niya lang ang kapit dito. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit? Parang noon nga gustong-gusto mong hinahawakan kita." He grinned. Siniko ko nalang ang tagiliran niya  para makawala ako sa akbay niya. Ginagawa niya  nang lifestyle ang pang-aasar sakin.

"Ok lang ako, maglalakad nalang ako." Lalabas na sana ako nang bigla siyang humarang sa gate.

"Ikaw na nga ang binibigyan ng ride nagpapabebe ka pa. Alam mo bang mahal ang gasolina ngayon tapos mahal kita." Nag finger heart pa siya sakin. Kailan ba ako tatantanan ng lakakeng to?

"Umalis ka nga diyan! Masyado kang istorbo."

"Sus pabebe talaga, alam ko naman na mahal mo parin ako, nilabhan mo nga salawal ko nong nakaraang araw eh." Bigla niyang hinila ang kamay ko at sapilitan akong isinakay sa loob ng kotse niya. Hindi na ako nakapalag.

"Papaambon na tapos wala ka pang dalang payong, ihahatid na kita." his voice sounds sincere, nakakapanibago.

"Stop acting like you're concern, iniwan mo nga ako sa ulanan noon eh." He went silent. Ibinaling ko nalang ang mata ko sa daan.

Ang lakas niyang mang-asar, pero pag binabalik sa kanya natatameme siya. Napakahina.

Napakatahimik ng byahe namin. Totoo ngang umambon. Siguro basang-basa ako kung hindi ako pinilit ni jeonghan na sumakay sa kotse niya.

Hindi ako nagpapasalamat dahil iniwas niya akong mabasa sa ulan, he forced me, wala akong utang na loob sa kanya. I would never thank him.

"Heaven? ." He suddenly called my name. I looked at him.

"Wala lang namiss ko lang tawagin ang pangalan mo." He smiled at me. Bakit ba ginagawa niya sakin ito? Nakalimutan ko na yung sakit, yet he still want me to reminiscene the past we.

"Ang dami kong gustong sabihin pero ngayon lang tayo nagkasalisi, masyado mo kasing ginagalingan ang pag-iwas sakin." hindi lang ikaw ang iniiwasan ko, kayong lahat!

"I was so happy nong tinanggap mo ang offer ko na mangupahan sa bahay ko. I promised my self that day na babawi agad ako sayo, kung kailangang araw-araw akong humingi ng tawad sayo, i will do that. So please, hayaan mo namang gawin ko yun, please don't avoid me."

"2 months," He looked at me.

"Isa o dalawang buwan pa, pag nakaipon na ako ng konti aalis na rin ako sa bahay na yun. Kaya wag ka nang magsayang ng oras mo." Hindi pa nga ako nag-iisang linggo pero andami nang nangyari, masyado niyo akong pinahihirapang tumira sa bahay na yun ng payapa. But I'll make sure that i will make it. Sisiguraduhin kong hindi ako mahuhulog sa patibong niyo sa loob ng dalawang buwan na iyon.

"Then, ihanda mo na ang sarili mo sa mga pangungulit ko."

"Kukulitin at kukulitin kita hanggang sa maramdaman mong hindi ka na galit sa akin." Seryoso, hanggang kailan susuko ang lalaking to?

"I will try my best to convince you to stay, hinding-hindi ako papayag na umalis ka. I will not lose you again heaven, never again."

Tenant #13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon