Kabanata IX

70 16 45
                                    

- NGAYON -

I called an old friend of mine and heard him picking up the phone after five rings, "Hello Terry, kamusta ka na ba?"

"Hi, ah yes. Everything is okay Joseph," I greeted him formally but he just laughed at me. Kahit pa iba na ang estado niya ngayon, siya pa rin ang kaibigan kong mahilig mang-asar sa akin. Pero siya rin ang kaibigan ko na higit pa sa kapatid ang turing sa akin. Lalo na at sa kanya ko ipinaampon ang panganay kong anak noon, "Joseph..."

"Diretsuhin mo ako, mahal ang oras ko." pilyo niyang ani, "Kapag nalaman ni Travis na magkausap tayo, baka sumama pa ang loob ng anak ko sa akin lalo na at-"

"Alam ko." hindi na niya kailangan pang sabihin ang bagay na alam ko na, "Kasama mo ba si-"

"Siyempre kasama ko si Laurenz at Lynda. Kung alam mo lang kung paano nagawa ng anak mo sa asawa mo ang hindi mo nagawa noon." I'll give this to him, masyado siyang prangka. Masaya ako at maraming natutunan si Travis sa kanya. Itatago ko na lang ang panghihinayang ko na sana nasubaybayan kong lumaki ang panganay kong anak, kung hindi lang dahil sa nangyari dati.

Hindi ko alam kung tama pa ba na tumawag ako kay Joseph, alam ko naman na maaalagaan niya ang mag-ina ko doon pero, "Pinawalangbisa ko na ang kasal namin ni Nina." I let out a small chuckle, "Gusto ko lang ibalita iyon sa iyo."

"Well, congratulations." he says casually, "Mabuti naman at natauhan na rin si Nina."

"Send her my regards." siguro ay hanggang dito na lang ang pag-uusap namin ni Jojo, "Paki alagaan siya ah?"

"Natanggap mo ba ang liham niya sa iyo?" tanong ni Joseph bago ko pa man maisipang ibaba ang tawag, "Isinulat niya iyon doon sa probinsya bago kami umalis. Hindi niya planong ipadala iyon sa iyo, pero sadyang alam kong kailangan mo iyon mabasa."

"Jo-"

"Mas maiintindihan ko kung hindi mo na siya mahal Terrence. Umpisa pa lang kasama mo na ako noong tinulungan kitang mapalapit sa mundo niya. Ikinuwento mo sa akin ang naging takbo ng pagsasama ninyo kahit pa hindi iyon naging madali sa inyong dalawa."

I shake my head closing my eyes in bitterness, "Just-"

"Makinig ka dahil hindi pa ako tapos." ma-awtoridad niyang ani, "Sa pagkakaibigan na namuo sa ating tatlo, naging kapatid na rin ang turing ko kay Lynda. Kasalanan mo kung bakit ang tahimik kong buhay noon ay naging maingay dahil lagi mo akong pinapakiusapan sa pagpapadala ng liham kay Lass, tanda mo pa ba iyon?" those memories were just like yesterday when everything is filled with light and color around me. "Terrence, hindi ka nagkulang sa kanya at sa pamilya mo. Ginawa mo kung ano ang kaya mo, pero masyadong mabigat ang dalahin mo na miski siya ay nalunod na sa bigat kapalit ng hindi niya pag-bitaw sa inyong dalawa, alam mo iyon."

"Pero-"

"Walang may gusto ng muntikan na mangyari kay Lynda. Isaksak mo iyan sa utak mo. Hindi mo iyon kasalanan at hindi niya iyon kasalanan. Kapag napapagod na ang tao may oras na bumibigay sila. Tao ka lang at tao lang din si Lynda. Pero hindi ibig sabihin noon ay wala kayong kakampi. Kung hindi pabor ang pamilya mo sa inyo, huwag mong kalimutan na may kaibigan ka pa na pwede mong masandalan."

Hindi na ako makapagsalita dahil sa patuloy na pag-agos ng luha ko habang inaalala ang madilim na parte ng buhay ko na iyon.

Sa sobrang pagkalugmok ni Lynda noong akala niyang sinilang niya ang bunso namin ng walang buhay, gusto na rin niyang mamatay noon. Tuluyan na siyang bumigay noong panahon na iyon dahil isinisisi niya ang sarili niya sa pagkukulang niya dahil lang sa mag-isa niyang itinaguyod ang pagbubuntis niya sa bunso naming anak na nauwi rin sa wala. Ngunit ang hindi niya alam ay nang manganak siya ay pilit na kinuha ni Nina ang anak namin at pinaniwalang patay ang bunso namin bago pa niya ito mahagkan.

Kung hindi dahil kay Joseph at Trudi malamang binawian na rin si Lynda ng buhay noon at wala ako sa tabi niya noong nagtangka siyang wakasan ang buhay niya dahil pilit kong kinukuha ang bunso naming si Laurenz noon kay Nina.

"Naging mahina ako Jojo," mapait kong ani at naalala kung paano ko binigo ang panganay kong si Travis noon. Hinding hindi ko mabubura ang mapait na alaala na iyon sa kanya lalo na at akala rin niya ay hindi buhay ang kapatid niya dahil sa itsura ng Nanay niya noong inuwi ko siya sa bahay.

Kung sana nakabalik ako agad, baka hindi nasaksihan ng anak ko ang naging epekto ng nangyari sa kanyang Nanay.

Ang maaliwalas na mirasol na inaalagaan ko magmula pa noon ay unti-unting nawalan ng sigla, kulay at hanggang sa ito'y sakupin na ng kadiliman kung saan halos malunod siya sa resulta ng isang malakas na bagyo kung saan para siyang hinihigop sa kawalan.

Hindi iyon ang buhay na pinangarap ko para sa kanya. Dahil sa akin kaya siya bumigay. Ang kasakiman ko ang nagkulong sa kanya para mas lalo pa siyang sumibol, ako ang dahilan kung bakit hindi maubos ang mga luha niya na dumating sa punto na ni ang tingnan ako, hindi niya magawa.

Ang dami kong pagsisi. Naipit ako sa sitwasyon kung saan kailangan kong mamili para sa ikabubuti ng lahat. Hindi ako titigilan ni Nina hangga't hindi ko binibitawan si Lynda at hanggang nakakapit pa ako sa nag-iisang babaeng minamahal ko, ang kapalit no'n ay ang unti-unting paglalagas ng kanyang mga talulot hanggang sa ito ay maubos at mawalan na ng buhay.

Hindi na dapat ako bumalik sa buhay niya, mali na ipinagpatuloy ko pa ang ugnayan namin dahil sa huli ang resulta ng mga desisyon ko ang nagtulak sa hangganan ng relasyon naming dalawa ni Lynda.

Sakripisyo ang kulay ng pagmamahal niya sa akin na tinutugunan ko ng kalayaan na nararapat sa kanya.

"Hindi ko na maibabalik ang kahapon. Nabasa ko ang huling liham niya sa akin." I chuckled regretfully, "I'm too late to go back."

I'm too late to come back home.

"Do you still love her?"

"Hindi sapat ang mahal ko siya dahil sa lahat ng nangyari sa amin. Masyado siyang nahirapan kasama ko at alam ng Diyos na hindi ito ang buhay na ipinangako ko sa kanya." pero kung mabibigyan pa ako ulit ng pagkakataon, sana pwede kong bawiin ang oras na sana ay nanindigan ako. Sana mas naging malakas pa ako, sana- ang sakit dahil hanggang ngayon tanging siya lang pero-

"Inuulit ko, mahal mo pa ba-"

"Oo, mahal ko pa siya. Hanggang ngayon siya pa rin." punong puno ng kapaitan ang boses ko, "Pero huli na Joseph, huli na ako..."

"Huwag mong hanapan ang sarili mo ng dahilan para umatras kung alam mo sa sarili mo na gusto mo pa itong ilaban." he let out a huge sigh, "Mag-ama nga kayo ni Travis, sakit kayo ng ulo ko."

"Joseph-"

"I'll send you a text to where you can find her. Life is short Terry, don't take time for granted because anything could happen anytime, time is either our enemy or friend." his voice almost sounds regretful as he sends his sincerity to his old friend. Hindi rin naman naging madali noong namatay ang asawa niyang si Trudi sa cancer. Alam kong mahal na mahal niya si Trudi kahit bihira niya iyon ipakita sa babae dahil malaki rin ang pinagkaiba nilang dalawa. Akala ko pa noon wala siyang balak mag-asawa pero kapag tinamaan ka talaga, iyon na iyon.

"Salamat." nanghihina kong ani at pilit na binubuo muli ang aking sarili, "Huwag mo na muna sana ipaalam sa mga bata."

Magsisimula ako ulit.

"Alam kong sasabihin mo iyan." he chuckled, "You do what you gotta do. One step at a time Terry."

"Maraming salamat Jojo." ibinaba ko na rin agad ang tawag at agad kong binuksan sa cellphone at binasa ang address kung saan ko muling makikita si Lynda.

I booked a flight to England hoping to get another chance with her, but first I have to get something I should have given her a long time ago.

Liham at Mirasol : A Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon