Kabanata XI

79 15 34
                                    

- NGAYON -

Pagkababa ko ng eroplano, agad akong pumunta sa address na ipinakita ko sa driver ng cab. Nang maihatid ako rito ng driver, bumaba na rin ako agad at inayos ang sarili ko.

Kumatok ako sa pintuan pero walang taong sumagot. Umalis ba siya?

Muli kong kinumpirma ang address na binigay sa akin ni Joseph. Nasa tamang lugar naman ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong naghintay sa tapat ng bahay na ito, pero laking pasasalamat ko nang nakita akong may tumigil na cab sa tapat ng gusali na ito.

Siya na ba ito?

Bumaba mula sa cab ang bunso kong anak na naka-uniporme. Masaya akong makita siya na tinatahak ang gusto niyang kurso sa tulong ng kanyang Kuya.

"Dad," gulat niyang bati sa akin, "Ano po ang ginagawa niyo rito?"

"Lance anak, maari mo bang sabihin sa akin kung saan ko makikita ang Nanay mo?" diretsong tanong ko sa bunso kong anak.

"Hindi magugustuhan ni Kuya kapag nalaman niya na nandito ka, Dad. Baka magalit pa iyon sa iyo." he warned sincerely.

"Gusto ko lang makita ang Nanay mo Laurenz." I tell him with certainty. "Gusto ko lang siyang makausap ulit."

"Para saan pa, Dad?" he let out a frustrating sigh shaking his head. Maaaring ginagawa niya lang ito dahil ito rin ang pakiusap sa kanya ng Kuya niya, "Ayos lang naman si Nanay dito. You don't have to worry about her anymore, Dad–"

"I owe her promise, Laurenz." I say almost in defeat, "Pagbigyan mo akong tuparin iyon, para sa kanya. Please."

"Pero, paano si Mama? Mamaya mag-away na naman kayo nang dahil dito." his voice is skeptical, "At saka alam ba niya na nandi–"

"Ang Mama mo ang dahilan kung bakit ako nandito Lance." I gulped keeping myself together. He looks at me as if he didn't expect to hear those words from me. "Tinapos na ng Mama mo ang ugnayan naming dalawa. Napawalang bisa na rin ang kasal namin."

"I didn't expect that, Dad." he says with a hint of relief, yet he's still keeping himself at bay.

"Alam ko naman na kahit anong pakiusap ko, hindi mo sasabihin sa akin kung nasaan ang Nanay mo." I smiled in defeat, "Nilayo nga kayo ng Kuya mo mula sa akin, hindi ba?"

"Dad. Gusto lang naman niya na makapag simula ulit si Nanay. Gumagaling na si Nanay kaya ayaw na niya sana pang masaktan ulit si Nanay nang-"

"Nang dahil sa akin." mapait kong dugtong sa sasabihin niya, "Alam ko naman, Lance. Kaya nga rin ako lumayo sa Nanay mo sa mahabang panahon dahil nasaktan ko siya ng lubusan."

"Dad."

"Pero ilang taon kong hinintay ang pagkakataon na ito, Lance. Ilang taon kong inipon ang lakas ng loob para makita siya ulit, kahit ngayon lang. Kung ang Nanay mo mismo ang magsasabing nakalipas na ang lahat, uuwi rin ako agad."

Walang akong sagot na narinig sa kanya at umiwas siya ng tingin sa akin.

"Wala akong balak na guluhin kayo ng Kuya mo. Maaaring napagkasunduan niyo rin na huwag ipaalam sa akin kung sakaling magtanong ako, hindi ba?" mukhang tama rin ang hinala ko. Masaya naman na akong makitang magkasama silang magkapatid na umaalalay sa Nanay nila, "Huwag kang mag-alaala Lance, hahanapin ko na lang siya. Salamat."

"Baka abutin ka ng siyam-siyam sa kakahanap sa kanya, Dad."

"Kahit gaano katagal, maghihintay ako sa Nanay mo, Lance."

Liham at Mirasol : A Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon