nanatili at hindi sumuko,
hindi umapak paabante o lumayo,
pero natakot na subukan,
hindi kinaya na sabihing narinig ang pagpigil nang bitawan ang pagmamahalan,
kahit pag-ugong ng orasan ay tunay,
sa iyo at ang ako, huli ang walang buhay.biyernes, Maria Cohel Soles
May mga bagay talagang susukuan natin kahit labag man sa ating kalooban. Iyong tipong kahit masarap pa sa pakiramdam, matamis pa ang lasa, ang kaso iba na ang amoy at mababa na ang kalidad.
Expired na iyong chocolate.
“Nin! Kinakain mo pa 'to?" tanong ko sa babaing nakaupo sa sofa.
Kumakain siya ng ice cream habang nanonood ng kung anong palabas. K-drama na naman siguro.
"Which one?" Humarap siyang nakabusangot. "Ano 'yan?"
Winagayway ko ang ilang piraso ng chocolate. Nabuksan ko na iyong isa, buti na lang nakasanayan ko nang tingnan ang expiration date bago kumain ng ganitong mga bagay.
Kunot ang kaniyang noo nang lumapit sa akin. May kalat pa ng dark cream sa gilid ng labi niya. Pinahiran ko ang ibabang parte ng kaniyang mukha gamit ang palad ko habang tinitingnan niya ang mga stokolate sa kanang kamay ko. May laman din ang maliit na box sa katabing lamesa namin.
"Ah, this might be from a fan. I might be having toothache that day so nakalimutan ko na," sabi niya at tumingin sa akin.
"Last month pa expiration niyan, eh," pagkontra ko.
"Oh! Then, mayhaps, when we had a party sing-along noong birthday ni Vin. They brought so many stuff. Hindi ko na matandaan."
Nakayakap na ang mga braso niya sa bewang ko.
"Nin!" Nilayo ko ang mukha niya gamit ang palad ko. "Doon ka! Ang lagkit mo."
Tumawa ako nang nagkalat na sa noo niya ang cream na pinunasan ko mula sa labi niya. "Maghilamos ka na! Ang dungis mo."
"Still pretty, though." Hinawi niya ang kaniyang buhok bago sumisipol na tumungo sa kuwarto niya.
Napaawang ang bibig ko at sinundan ng tingin ang bulto ng likuran niya. Nakatali ang mahaba niyang buhok. Nakasuot siya ng t-shirt na gray at itim na jagger pants. Lumingon muna ito at kumindat ulit bago pumasok sa pintuan.
Sobra nga naman.
Umiiling na ipinasok ko ang hawak kong chocolates sa loob ng box at t-ini-ape ito. Lumapit ako sa T.V na bukas pa rin hanging ngayon. May dalawang tao ang nasa ibaba ng cherry blossom tree. May mga tulatot din ang ulo ng bawat isa, tinutulungan ng lalaki na tanggalin ang mga ito sa ulo ng babae. May sinabi pa ito pero hindi na ako nag-abalang basahin pa ang subtitle at pinatay na ang telebesyon.
Umikot ako at lumapit sa coffee table. Niligpit ko ang kinainan ni Nin bago inayos ang mga maliit na unan sa sofa.
Napahinto ako nang sinimulan kong ayusin ang iba't ibang magazine na halos puro tungkol sa banda nina Nin at international news. Habits die hard, ika nga nila. Kinamot ko ang mukha at tinapos na lang ang pag-aayos.
Baka huli na rin naman ito.
Tumungo ako sa kusina at binuksan ang refrigerator. Puno ito nang iba't ibang klase ng pagkain at inumin, maliban sa alcohol. Kahit na nag-iisang babae lang si Nin sa banda nila, hindi siya natutukso sa bisyo ng kasamahan niya.
"What are you smiling at?"
Napaigtad at himiyaw ako kasabay nang mabilis kong pagsarado ng ref. "Bakit ka nang gugulat?" Pinalo ko ang braso ni Nin na bagong ligo na.
![](https://img.wattpad.com/cover/301324161-288-k208180.jpg)
BINABASA MO ANG
counted
Storie d'amoreIt was a week agreement, and they had known that how the days would pass could only to be reminisce, and recount the remaining time they had. It was desperation; for past that could not be buried, for the time that passing quick enough to hitch a b...