pangwalo. Biyernes

7 2 0
                                        


salamat sa pagyakap mula sa kalamidad,
salamat sa pagpikit mula sa silaw ng gabi,
kahit pihit sa akin ang balatkayong kupas ang kalidad,
tumahan at kalimutan ang kasalanang tama para lang sa sandali.

biyernes, Maria Cohel Soles






"Lola tiyang, kumusta po si nanay?" mahina kong tanong sa kabilang banda ng telepeno. Lagpas alas tres pa lang ng umaga, tulog pa si Nin at ang iba.

"Maria, umuwi ka muna rito sa atin. Iba nang kutob ko sa mama mo." Huminga nang malalim ang ginang, hatala ang pag-aalinlangan nito. "Hindi ako makapasok sa bahay niyo. May ilang tao na rin ang pumasok at lumabas, Maria. Isang linggo na rin ang nakaraan pero hindi ko pa napansin umalis ang mama mo.

"Masama talaga ang pakiramdam ko sa mga lalaking bumisita sa inyo. Hindi ko na pinanood kung paano sila nakapasok dahil natakot ako, Maria. Pasensiya na."

Pinatunog ko ang nangingig kong daliri at mahigpit na humawak sa riles ng balkonahe. Nalunod kami sa utang simula noong namatay ang tatay ko. Lumipat kami ng bahay para makatakas mula sa mga naniningil ng utang. Hindi na rin makapagtrabaho si nanay dahil may sakit ito sa puso lalo na ngayong nag-iinom na ito.

Noon ay hindi ko alam kung bakit simula nang pumanaw si tatay ay lagi na akong sinasaktan ni nanay kapag nakainom ito ng alak. Ako kasi ang babaing bersyon ni tatay. Halos parehas kami ng anyo maliban sa kasarian at propesyon na gusto. Kasali siya sa isang banda noong kabataan niya.

Simula noong umalis siya tungong Manila ay mas madalang ko na siyang makita, kaya siguro hindi ko gaanong maalala kung gaano kami kalapit. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon noong nalaman naming isang wanted ang tatay ko. Isang masamang ihemplo siya sa lipunan.

"—May alam ka ba tungkol sa mga taong iyon? Alam mo naman noon na may mga terorista na nabubuo sa mga probinsya, hindi ba?"

Umiling ako. "Lola tiyang, wala po, eh. At saka alam niyo naman po na imposibleng mapasama si nanay sa ganoong grupo. Binoto niya po ang presidente natin," pangangatuwiran ko.

"Oh, siya. Sige na, Maria. Nagising na ang lolo tiyo mo."

"Pasensiya na po sa istorbo, lola tiyang. Uuwi na po ako, baka mamayang hapon ay nariyan na po ako."

Tumingin ako sa nakasaradong salamin na pintuan. Nakatalikod si Nin sa akin habang mahigpit na yakap ang malaking laruan na oso na ipinabili ko kahapon kay Yuro.

Napag-awayan pa namin 'yon bago matulog pero sa sobrang pagod niyakap na lang ako nito at tinago sa ilalim ng kama 'yong laruan. Ngumiti ako at yumuko sa cellphone kong nakapatay na.

Kinuha ko mula sa bulsa ng hoodie ko 'yong invitation ng kasal ng Tito ni Nin.

Mr. Austin Sinyus & Mr. Koshinru Caulin

Ang papa ni Nin at Tito niya ay ikakasal. Sobra ang pagsakit ng ulo ko noong sabihin ito sa akin ni Yuro. Para tanggapin ko lang daw 'yong isa pang stuff toy ay pumayag siyang sumagot ng kahit anong tanong. Dismayado pa siya nang itanong ko ito.

Hindi ko alam kung anong pinagdaan ni Nin, siguradong mahirap 'yon sa parte niya lalo na at kasapi rin siya sa ika-3 kasarian. Sa sinabi niyang ako ang rason kung bakit natupad ang pangarap ay hindi kapanikapaniwala. Isa lang akong daan para sa pangarap niya, hindi ako ang naging rason kung bakit nabuo ito. Isa lang din akong piyesa. Kahit na maliit o malaki ang naging parte ko sa kaniya, masaya pa rin ako. Umaapaw ang tuwa ko sa puntong masakit sa dibdib.

Deanna sent a message:
Saan ka na?

Huminga ako nang malalim at pinahiran ang basa kong pisngi. Inipit ko sa ilalim ng maliit na vase 'yong invitation. Hindi ako makapupunta. Ang kalusugan ni nanay at pagkatao ko mismo ang totoong rason. Masyadong makasalanan ang pamilya ko. Isang pagkakamali nang naging makasarili ako ng higit isang taon.

countedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon