umawit ang mga pasa mula sa nakaraan,
dumaing sa haplos ng pait ang kasalukuyan,
kung itatakas natin ang bukas,
kaninong galit ang sa atin magkakalas?linggo, Maria Cohel Soles
Ano ba ang wastong basihan sa larangan ng pag-ibig at relasyon?
Paano ba malalaman kung nagsimula na ang eksklusibong pag-iibigan? Kapag ba nasa bawat isa lang ang atensyon at may permiso ang pagtatagpo? Paano ba masasabi na tapos na ang relasyon? Kapag ba wala nang sigla at natapos na lahat ng pahina ng istorya?
"-Col?" tawag mula sa tabi ko at saka ako tinapik sa balikat.
Hinarap ko kung sino ito. Nakasuot ito ng itim na mask. Naka-cap din ng itim habang nakalugay ang buhok. May bag ng gitara sa tabi niya habang siya naman ay nakaupo nang magkrus ang mga binti.
"Are you okay?" medyo malakas na tanong niya. Maingay ang bulwagan kung nasaan kami.
"Oo naman. Kanina ka pa?" Humarap ako sa kaniya at kinuha ang asul na paper bag mula kamay niya. "Kumusta performance? Pasensya na at hindi ako nakahabol. May thesis pa kasi akong pinasa."
Niyakap ako nito nang mailagay ko sa katabing upuan ang paper bag. Magkahalo ang pawis at watermelon na pabango nito ang amoy niya. Gusto ko siyang yakapin pabalik kaso hindi na puwede.
Kumalas siya at tinanggal ang sombrero. Magkadikit ang mga kilay niya at saka sinubukang hawakan ang kamay ko.
"Mag-usap tayo, Nuelin," bulong ko at naglihis ng tingin. "'Wag dito. Umuwi muna tayo."
Hindi ko siya nilingon at tumayo na. Inayos ko ang suot na backpack sa likod at kinuha ang paper bag. Dumiretso ako ng lakad papuntang exit. Dito kasi ang mas malapit na daan sa parking lot.
Naramdaman ko ang pagsunod ni Nin sa akin. Habang lumalayo kami, mas tumatahimik. Mas lalong lumalakas ang pintig ng dibdib ko, mas sumasakit.
Tumunog at umilaw ang itim na pamilyar na Nissan Terra. Binuksan ko ang passenger seat at umupo dito. Ilang sandali pa ay nagbukas din ang pinto ng driver seat. Hindi na ako lumingon at nag-seatbelt bago ipinatong ang backpack ko sa aking hita. Pinaandar na ni Nin ang sasakyan.
Mas lumalamig ang kotse at mas nakasasakal habang palapit nang palapit kami sa kondominyum ni Nin.
"How's your day, love?" Tumikhim siya. Naipit kami ngayon sa daan.
Nanginig ang hintuturo ko bago huminto sa pagtapik sa bag. Kumurap ako at pinigilan ang sariling lumingon.
"Ayos naman."
"I see. Do you want me to call a delivery? What do you want for dinner? I'm kind of hungry, I hadn't taken Vin's snacks. It was awfully sweet," kuwento niya at mahina pang napatawa.
Nakokonsensya ako. Katatapos lang nilang mag-guest sa isang party at hindi rin ako nakapunta. Paano ba ako magsisimula? Dapat hindi ako nagmadali.
"Kahit ano."
"Oh. Do you want me to cook for our dinner? I can still cook. I'm not that hungry anyway..."
"Delivery na lang."
"Love-"
May bumisina sa likod namin at naputol ang usapan. Kinuyom ko ang kanang kamay at sumandal sa bintana. Nanghihina talaga ang katawan ko.
Walang laman ang aking tiyan simula kanina pang tanghali. Tinapos ko pa kasi iyong last chapter ng thesis. Ie-edit na lang naman iyon. Ang kaso tanging tinapay lang ang nakain ko, nagmadali pa akong pumunta sa university bago humabol kina Nin at sa banda niya. Gayunman tanging naglalabasan na mga tao ang naabutan ko.
BINABASA MO ANG
counted
RomanceIt was a week agreement, and they had known that how the days would pass could only to be reminisce, and recount the remaining time they had. It was desperation; for past that could not be buried, for the time that passing quick enough to hitch a b...