pang-anim. Miyerkules

3 2 0
                                    


ung ang ating mga sandali ay ibabaon kasama ng mga kirot at hapdi,
kung ang ating sariling bula ay mawawala kasabay ng mga tawa at ngiti,
siguro baka sa gabi ng bukas,
hindi ito ang ating pahimakas.

miyerkules, Maria Cohel Soles








"Uncle?" Tumingin muna sa akin si Nin bago tumayo at lumabas. Hawak-hawak nito ang teleponong sekular sa kanang tainga niya.

Kumakain kami ng agahan sa isang maliit na kainan sa daan pauwi. Medyo malayo-layo na kami sa resort dahil hindi pa ata tumitiktilaok ang manok ay umalis na kami. Baka raw pagtanghali na ay imposibleng makaalis pa.

Nag-usap kami kagabi tungkol sa pag-alis nila ng banda niya. Ang alam ko ay sa linggo pa ang alis nila pero tumawag kahapon ang Tito niya, sa biyernes ng umaga raw ang flight nila sa America.

Nasa America kasi ang main branch ng company. Maganda raw ang offer ng kompanya lalo na at kababata ng tito ni Nin ang CEO. Mapagkatitiwalaan naman daw ang contract nang pinirmahan nila, kaya ang dalawang taon doon ay hindi sayang dahil karamihan sa mga artists sa kompanya na iyon ay sikat sa halos buong mundo.

Ang ayaw lang ni Nin ay sa loob ng dalawang taon ay bawal siyang magkaroon ng relasyon sa kahit kanino. Ayaw niya rin na hindi niya nakasasama ang mama niya at kapatid, kahit na nasa Amerika ang papa nito. Datapwa't pumayag ang pamilya niya at ako.

Napagkasunduan namin na sa loob ng dalawang araw na magkasama kami, iisa lang ang hahatungan namin—ang pareho naming kinabukasan. Nalaman niyang nag-drop out ako dahil siya ang nakasagot sa tawag ni Loure—si Deanna ang kumausap sa kaniya. Nalaman niya ito kagabi.

"Bakit daw?" tanong ko kay Nin nang umupo siya sa harap ko.

Ngumiti siya at umiling. "Nothing, he just remind me of time," aniya bago sumubo.

Kumakain siya ng tapsilog ako naman ay hotdog at tosino ang ulam. Hindi ko gusto ang baka at itlog dahil nasusuka ako sa amoy at lasa.

Uminom ako ng tubig at saka nilunok ang huling subo ko. "Ah, saan ang punta natin—" Dumighay ako nang malakas. Malaking mata na tinakpan ko ang bibig ko at yumuko. "Excuse me."

Narinig kong tumawa ang kaharap ko at tinapik ako sa braso. Nakahihiya!

"You really enjoyed your meal, ah," panunukso pa nito.

Sinamaan ko siya ng tingin habang nakahawak pa rin sa bibig ko. Ngisi-ngisi pa rin siya habang kinakain ang pangalawang serving niya.

"You look adorable with puff face," kinurot niya ang kanang pisngi ko, "why are you even look so skinny?"

Inikutan ko siya ng mata at uminom ng tubig. "54 ang timbang ko at nasa 5'5 ako!" Inangat ko puting mahaba na manggas ng polo ko at pinakita sa kaniya ang morena kong braso. "Payat pa ito?"

Mabuhok ang braso ko kaya nang himasin niya ito ay hindi ko mapigilang umiwas. Nagtaas siya ng kilay habang ngumunguya. Inikutan ko siya ng mata.

"Pinalobo mo ako sa halos walong buwan natin na magkasama..." bulong ko. "Halos hindi na ako makatakbo tapos sasabihin kulang pa—aray!"

Hinimas ko ang kaliwang pisngi at mariin na sinarado ang bibig. Nakasimagot akong umiwas sa kutsara niyang pilit nilalapit sa akin.

Tumatawang sinubo niya ito bago uminom ng tubig at nagpunas ng bibig. Lumingon siya sa akin na nakangisi pa rin, hawak niya na ang cellphone niya.

"Let's go. I'll take you to eat ice cream," sabu niya at kinindatan pa ako.

Umiiyak akong umupo sa kahoy na upuan. Pinunasan ko ang aking sipon at luha gamit ang mga kamay ko. Umalis si tatay para magtrabaho sa Manila, si nanay namin umalis papuntang palengke para magtinda. Naiwan ako sa bahay para magbantay ng baboy naming si Chuba.

countedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon