kung sa unang tingin at salita,
sa masamang hangin at tiyempo tayo sumalba,
kung sa huling ngiti at lakas,
sa nakaw na pagkakataon at lugar tayo tumakas,
mali ba kung atin ang gabi,
sa tabi tayo magyakap at ang isa't isa ang pinili?lunes, Maria Cohel Soles
"Nasa tren na ako, Deanna," mas humigpit ang kapit ko sa bakal sa gilid ko, "isang station na lang."
Huminga ako nang malalim at saka nagbaba ng tingin. Nakayuko 'yong tao kaya umayos na lang ako ng tayo at bumulong, "Sorry."
May mabantot na amoy ang umalingasaw kasabay ng mga bulungan. Napamura naman ang katabi ko at napansin kong nag-angat ng tingin ang kaharap ko. Lord, bakit ngayon pang ipit na ipit ako?
Hinarang ko na lang ang kaliwang braso sa ilong ko. Ang baho talaga at sumakto pa kung kailan wala akong dalang mask.
"Sorry..." Narinig kong bulong mula sa likod.
Narinig din ata ng iba kaya nasa amin na ang atensyon. May iba pang sinamaan ako ng tingin. Napamura naman ako at umiling pero maling galaw dahil mas nahatak ko ang atensyon nila.
Lord, anong trip natin sa buhay ko? Late na ako sa part-time job ko tapos napagbitangan pa akong umutot. Anong kalokohan ito?
Isang pamilyar na robotic na babae ang tumunog na nagpatigil sa komosyon. Ilang minuto pa bago nagbukas ang pinto at lumuwag-luwag na rin ang daan palabas.
Huminga ako nang malalim nang makatapak ako sa labas ng tren. Polusyon. Umubo-ubo ako at kinapa ang bulsa bago hinugot ang isang card. Nilagay ko ito sa scanner at nagbukas naman ang daan.
Nagmamadaling lumakad ako pababa ng simentong hagdan. Ilang minuto lang ang tinakbo ko bago matanaw ang pamilyar na nakabusangot na mukha ni Deanna.
"Akala ko bukas pa ang dating mo?" nakataas kilay niyang sabi.
Tumatawang umiling na lang ako bago pumasok kasabay niya. Kahit kailan ang sungit ng babae na ito.
"Pasensya na po talaga. Umuwi po kasi ako sa bahay kahapon dahil sa emergency," yumuko ako sa ginang sa harap ko, "pasensya na po talaga."
Nakangiti itong tinapik ang balikat ko. "Ayos lang 'yon, hija. Huwag ka na lamang mahuli sa susunod," aniya.
Ngumiti ako at nag-bow ulit. "Pasensya na po talaga."
"Oh siya, maghanda ka na roon. Parating na rin kasi ang bagong banda na magpe-perform ngayong araw."
"Sige po."
Hinugot ako kaagad ni Deanna sa change area nang makaalis si Mrs. Sinyu. Ibinigay niya sa akin ang hairnet at berdeng apron na may logo ng resto, DioZM.
"Kumusta si Tita?" tanong ni Loure na nakatabi kay Deanna.
"Ayos naman, nakauwi na sa bahay," sagot ko at inilagay ang suot na backpack katabi ng kina Loure at kaniya.
"Mabuti naman," nakangiting aniya at humarap sa katabi.
Nagtitigan ang dalawa bago naglihis ang tingin ni Deanna habang namumula. Tumikhim ako at pumagitna sa dalawa.
Inakbay ko ang aking magkabilang braso sa kanila. "Sa susunod, 'wag sa harap ko kung maglandian-aray!"
Tinawanan ko na lang si Deanna at hinarap si Loure, nakangisi ang maharot. Gustong gusto naman.
"Ikaw naman, umamin ka nga sa akin," siningkitan ko siya at hininaan ang boses, "nag-tooth brush ka ba?"
"Buang!" Hinampas ako ni Loure sa batok.

BINABASA MO ANG
counted
RomanceIt was a week agreement, and they had known that how the days would pass could only to be reminisce, and recount the remaining time they had. It was desperation; for past that could not be buried, for the time that passing quick enough to hitch a b...