isang pangarap na may munting pakpak,
pagliyab ng nakaraan,
sa apoy pa rin ba ang kasalukuyan babagsak?
isang pangako, dalawang pangalan,
ang bagsik ng alaalang ibinaon sa tawa,
ang awa ba ay sa akin nakalaan?huwebes, Maria Cohel Soles
"Matapos ang walang hanggan, sa huli'y ang aking pagsinta ay nakikisayaw pa rin sa mga langgam!" patula na bati ni Yanlu, ang drummer ng DioMZ.
Nakasandal siya habang nakahalukipkip sa pader. Isinabit din nito sa likod ng tainga niya ang mahabang buhok at pinapahiran ang mukhang tila bigong-bigo.
Umiiling ang buong banda sa kalokohan niya. Tumawa ako at medyo lumayo kay Nin nang salubungin kami ni Vin.
"Lin, umamin ka nga sa amin, binuntis mo si Col, ano?" Binatukan ni Vin si Hulios na nakaakbay kay Nin.
"Tigilan mo nga sila. Kanina ka pang gago ka, pati 'yong ube cake ko pinagdiskartehan mo!" Hinabol ni Vin si Hulios na tumakbo papunta sa kabilang hall.
Hindi ko mapigilang ngumiwi nang bumaling ako kay Nin. Pinapatahan niya kasi si Yanlu sa kunwari nitong pag-iyak.
Hindi na talaga ako nagtaka kung bakit sila sikat. Napaigtad ako nang may tumapik sa kamay ko.
"Being in late twenties is their only privilege to act as idiots," wika ni Yuro na nakasabit na sa kaliwang braso ko. "Excuse them, for the positive time."
Tumawa ako at tinapik ang ulo niya. Siya ang pinakabata sa kanila, siya ang pianist. Nakasuot siya ng hoodie na fuchsia at short na hanggang ibabang tuhod.
"Mukhang kabanda ka nga nila," bulong ko. Umiling siyang nakangisi at tumingala sa akin.
"No, I'm your future wife!"
"Hindi puwede, Ro."
"Eh?!"
Tumawa na lang ako sa kaniya nang hilahin siya ni Nin papasok sa Condo ng huli. Medyo masakit sa tainga ang salita nilang purong ingles. Anak ng tito ni Nin si Yuro, adopted son at malapit silang magpinsan. Sa U.S din kasi tumira si Yuro, pumunta siya dito sa Pilipinas noong uwuwi si Nin pabalik.
Hindi ko alam kung anong kasarian niya. Nagkabit-balikat ako at tumungo na rin sa loob. Ngumiti muna ako kay Yanlu na malaki ang matang nakatingin sa akin.
Minsan napapaisip ako kung bakit hindi siya sumubak sa pag-artista. Ilang beses na niya kasing nauto si Vin. Katulad noong binilhan siya ni Vin nang malaking cotton candy. Hindi kasi nagsasalita si Yanlu nang araw na iyon at ngumiti lang kapag nakikita 'yong nagtitinda ng cotton candy sa peryang pinuntahan namin dati. Inaya talaga ako noon ni Nin na lumabas, sumabit lang sila.
"Vin, nakita mo 'yon hindi ba?"
"Huh? Buang ka na, Lu—hoy! 'Yong bag ko, Lios!"
"Iyong kanina—how could you leave me, Romeo?!"
"Parang awa mo na, Yanlu! Tigilan mo na ang pagkakape tuwing alas-tres ng umaga."
"Here, drink water," wika ni Nin habang nagsasalin ng hindi malamig na tubig sa baso. Ngumiti ako sa kaniya at ininom ito. "Don't mind them, they are nuts."
Tumango lang ako sa kaniya at naghugot ng upuan sa table. Nakalatag na dito ang iba't ibang uri ng matatamis na biskwit at kendi. Tumawatawang nagbubukas si Hulios ng isang supot. Mukhang imported ito. Hindi ko pa ito nakikita.
Si Vin naman ay hindi na maipinta ang mukha habang pinagpapalit ang tingin mula kay Yanlu na nakasabit sa bewang niya at kay Hulios.
Kinamot ko ang leeg at kumuha ng isang Milkita. Bukas na ito kaya wala naman sigurong makahahalata.
BINABASA MO ANG
counted
RomanceIt was a week agreement, and they had known that how the days would pass could only to be reminisce, and recount the remaining time they had. It was desperation; for past that could not be buried, for the time that passing quick enough to hitch a b...